Chapter 15

25 3 0
                                    

Chapter 15: The Council

"Huwag kang magpapalipas ng gutom. Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Kung alam mong hindi mo na kaya, tigil na. Huwag kang masyadong magtitiwala sa mga taong kakakilala mo pa lang. Huwㅡ"

"Hey! Lola, don't worry about me. I can handle myself. I'm already 20 years old for Pete's sake! Hindi na ako bata na kailangan pa pagsabihan, La." Kitang-kita ko sa mga mata ni lola na nag-aalala siya kaya niyakap ko na lang siya para naman maibsan 'yung pag-aalala niya.

"I'll be fine. Ikaw ang dapat na mag-ingat, La. Matanda ka na, hindi ka na dapat nagtatrabaho pero nagtatrabaho ka pa rin. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko pababayaan ang sarili ko do'n. Kaya huwag ka na mag-alala, okay?" Tumango siya at nginitian ako. Isang pilit na ngiti.

Nag-usap lang kami ni lola ng kung ano-ano. Natigil lamang 'yon nang makarinig kami ng katok sa pinto. They're here.

I hugged her, again. 'Yung kanina ko pang pinipigilan na mga luha ay hindi ko na napigilan ngayon, kusa na itong bumagsak. Biglang sumagi sa isip ko ang mga panahong magkasama kami ni lola. 'Yung mga panahong galit na galit ako sa mundo. 'Yung mga panahong pakiramdam ko'y nag-iisa lang ako.

Nandyan siya. Nandyan siya para iparamdam sa'kin na hindi lang ako nag-iisa, na may karamay ako sa lahat ng problema ko. Nandyan siya... sila. Sila ni Fritz.

Nakakainis 'tong mga luha na 'to! Para naman akong mamatay nito, eh! May nagaganap pang flashback. Leche!

"Tahan na, apo. Tara na at kanina pa naghihintay 'yung magsusundo sa'yo. Naku! Baka masira niya pa 'tong pinto natin kakakatok niya, eh!" Napatawa na lang ako dahil sa sinabi ni Lola at tumango sa kanya.

Kinuha ko na 'yung bag ko na may lamang mga damit at kinakailangan ko. Isang bag lang ang dala ko kasi hindi naman gano'n karami ang mga damit ko.

Tinungo namin ang pinto at binuksan agad ito ni Lola. Bumungad sa'min ang isang lalake na halatang kanina pa naiinip dahil sa pagkatok niya sa pinto namin.

"Magandang gabi po. Susunduin lang po sana namin si Ms. Rivera." Aniya. Nagkatinginan kami ni lola at nakita kong tumango si lola.

Hindi ko na naman napigilan and hugged her for the last time. Humiwalay naman agad ako sa kanya and kissed her cheeks. Nakita kong nagpipigil ng iyak si lola kaya hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"Don't cry. Baka hindi na ako tutuloy niyan dahil sa kakaiyak mo, La. Ayaw kong makita kang malungkot. Smile." Then I smiled at her. Alam kong mahirap ngumiti kapag alam mo namang hindi ka masaya, pero ngumiti pa rin siya.

"Miss, tara na po." Lumingon ako sa lalakeng halatang naiinis na dahil sa pagiging mabagal ko. Agad siyang naglakad kaya sinundan ko na siya. May isang napakagandang karwahe na naghihintay sa'min 'di kalayuan. Kulay ginto at itim ang disenyo nito.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang tumingin sa paligid at umaasang dadating si Fritz. Nasaan na kaya 'yon?

I sighed bago tuluyang pumasok sa loob ng karwahe at umupo. I don't care kung hindi na ako puntahan dito ni Fritz. Besides, nakapagpaalam na rin siya sa'kin kanina.

Sumandal na lamang ako at pumikit na para matulog. Matagal-tagal pa raw ang biyahe kaya matutulog na lang muna ako.

----

"Miss, we're here." Kasabay ng naramdaman kong pagyugyog.

Agad naman akong bumangon at tiningnan 'yong taong gumising sa'kin.

"Nasaan na po tayo?" I asked while yawning. Binuksan naman niya 'yong pinto ng karwahe.

"Nandito na tayo, Miss. Pwede ka ng lumabas diyan," wika niya.

Tumango naman ako sa kaniya at lumabas. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar.

May mga nagtataasang torre at mga puno. Isa namang pader na nagsisilbing harang sa labas. May isang napakalaking gate naman sa hindi kalayuan at sa palagay ko'y may nakalagay sa itaas no'n pero hindi ko makita kasi likod na lamang ang nakikita ko ngayon. Tanging mga street lights na lamang ang nagsisilbing ilaw sa mga daanan. Anong oras na kaya?

"Pasok na po tayo, Miss," lumingon naman ako sa taong nagsalita at tinanguan ito.

Tiningnan ko ang nasa harap namin na building. Sa lahat ng mga building na nakatayo rito, ito ang pinakamalaki sa kanilang lahat. Nagmumukha itong kastilyo sa laki nito.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa malaking pinto nito. Nang nasa harap na kami ay agad itong bumukas kaya hindi ko maiwasang mamangha.

Oh my gosh! Magic ba 'yon?  Namamanghang tanong ko sa sarili ko.

Pagkapasok namin ay hindi ko na naman maiwasang mamangha dahil sa nasisilayan ko.

Mga gamit na tila nagniningning na dahil sa pagiging makintab nito. Naglalakihang gold chandeliers, stone walls and parang mga antique na wooden furnitures. All in all, maganda ito. Sobrang ganda.

Kinalabit naman ako ng kasama ko at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. Lumiko kami sa isang hallway. Nagmumukha na talaga itong kastilyo dahil na rin sa interior design nito. A hallway with arched ceilings? Oh gosh!

Lumipas ang ilang minuto ng paglalakad hanggang sa huminto kami sa isang pinto na may nakalagay na, The Office.

Binuksan naman 'yon ng kasama ko at pinapasok ako. The room is nice. Para na itong library dahil sa rami ng librong nakahilera sa limaㅡ wait, I thinks it's ten? Oh I don't know. Basta! Ang daming shelves dito na naglalaman ng mga iba't ibang libro. May isang desk sa gitna nito na may nakalagay na, Headmaster.

Nakatayo lang ako rito at tiningnan siya. He's not that old naman tingnan. Sa palagay ko'y nasa 40's pa lamang ito. Nakasuot ito ng salamin at may hawak siyang ballpen. Nakatingin lang siya sa'kin na para bang inuusisa ako.

I bowed then greet him, "Good Evening, po. I'm Courtney Louise Rivera." I said. Bigla siyang ngumiti ng kakaiba.

"I know."

Butterfly's TaleWhere stories live. Discover now