Angella Lee's POV
Maaga akong gumising tulad kahapon pero hindi rin tulad ngayon na kaya ako maagang gumising ay para pumasok sa eskwelahan.
Hindi ko pa nasasabi ito kay Tito Jimin pero sana payagan nya ako. Ang concern ko lang naman dito ay protektahan si Miko.
Paglabas ko ng kwarto ay wala pa si Tito Jimin. Kaya ako muna ang maghahanda ng pagkain para samin ngayong umaga.
Niluto ko yung paboritong ulam ni Miko kasi yun lang naman ang alam kong lutuin. Buti na nga lang meron sa ref lahat ng kailangan ko sa pagluluto.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto ay dumating si Tito Jimin at gulat na gulat sya na ako yung nagluluto.
"Angella! Ang aga mo nagising ah. At wow!" Lumapit sya sa niluluto ko at hinayaan ko syang tikman iyon.
"Ang sarap ah! Marunong ka pala magluto e." Ngumiti naman ako sa sinabi nya.
"Masarap po ba talaga? Baka niloloko nyo lang po ako" pinatay ko na yung kalan at saka tinakpan.
"Di ako nagbibiro. Masarap ka pala magluto." Ngumiti ako sakanya.
"Salamat po Tito"
Nag iisip ako kung pano ko ba magsisimulang magpaalam kay Tito Jimin. Pano pag di nya ako payagan?
Yah hindi pwede! Kailangan mapapayag ko sya.
"Tito Jimin?" Tumingin sya agad sakin kaya napayuko ako.
"Pwede po bang--" di ko maituloy yung sasabihin ko kasi kinakabahan ako sa magiging reaction nya.
"Pwedeng ano?" Tanong nya sakin. Huminga ako ng malalim dahil ngayon ko lang napansin na nakapigil pala yung hininga ko.
"Gusto ko po kasi sanang... pumasok sa eskwelahan kagaya ni Miko?" Di ko tiningnan yung mukha nya habang sinasabi ko yan. Nakakatakot kasi baka sigawan nya ako.
"Gusto mo ding mag aral?" Tumango ako ng dahan dahan.
"Syempre naman. Ieenrol na kita mamaya sa school nila Miko" napatingin agad ako kay Tito Jimin at niyakap sya. Uaaaaaa di ako makapaniwala!
"Yaaaah talaga po? Thank you po! Maraming salamat po talaga" natawa naman si Tito kaya natawa na din ako. Wow grabe lang. Parang ang laking bagay sakin ng pagpayag ni Tito sakin.
"Okay lang Angella. Tama ang desisyon mong mag aral kasi kapag dito ka lang sa bahay, wala kang matututunan dito. Tsaka sasabihin ko naman talaga sayo na ieenrol kita, naunahan mo lang ako." Nagtawanan kami ni Tito.
"So pano, pagka enrol mo mamaya, papasok kana din mamaya?" Tumango ako ng nakangiti.
"Pero, wag nyo po munang sasabihin kay Miko na mag aaral na din po ako ngayon ha? Isusurprise ko po kasi sya mamaya sa school. Panigurado po magugulat yun!"
"Sino magugulat?" Nagulat ako nung dumating si Miko.
"A-ko? Nagulat sayo?" Palusot ko pero di nya na ako pinansin. Ano problema nya? Tsaka mukhang antok na antok pa sya ah. Maaga pa naman.
"Ang aga mo yatang nagising Miko?" Sabi ni Tito Jimin.
"Di na ako makatulog e. Ang ingay nyo kaya" natawa naman ng konti si Tito.
"Pasensya kana anak. Nagkakatuwaan lang kami ni Angella"
"Oo nga! Wag kang panira" gatong ko pa. Umupo sya sa tabi ko at ininom yung isang tasang tea.
"Mukha nga" mukha ngang antok na antok pa sya. "Ano ba pinag uusapan nyo?"
"Nagluto kasi si Angella ng paborito mong ulam" bahagya naman syang nagulat at tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
Unexpected Things
RomanceHer only job is to protect a human in Earth. Saving and protecting it from harm. Helping it to decide correctly. Helping it to live as it grows older. After how many years, she saw how to live like a human. Their sacrifices to live longer. Sometimes...