*Kriiiiiiiiiiiing* ~
"Okay class dismissed"
"Woooooo~"
"Marlon~!"
"Ano nanaman?" Kunwaring asar ako sa pagtawag nya sakin sa totoo kong pangalan.
"Di muna kita masasamahan sa inyo. Gagawa pa tayo ng assignment diba? Dami din nun!"
"Bagong buhay?" Asar ko sakanya.
"Syempre!"
"Bahala ka! Sige na!" Wala naman akong magagawa e. Tambak kami ngayon ng gawain e.
"Sige, ingat ka!" At lumabas na sya sa room.
[Now playing: Butterfly by BTS]
(A/N For better reading, please play it)
Bago lumabas at umuwi ay nagkabit ako ng earphone at nagpatugtog.
Habang feel na feel ko ang kanta habang naglalakad ay sa kamalas malasan nga naman ay umulan ng malakas. At sa mas kamalas malasan pa ay nakalimutan ko ang payong ko.
Kaya no choice kundi magpatila muna hanggang sa huminto na ang ulan.
"Hayss!" Asar na asar ako dahil bakit ngayon pa!? Kung kelan naman madami akong gagawin? Leche talaga.
Sa di kalayuan ay may babaeng sumilong din sa sinisilungan ko. Mukhang wala din syang payong a. Atleast may kasama ako sa kamalasan ko.
Tiningnan ko sya pero di ko makita mukha nya kasi natatakpan ito ng buhok at bangs nya sa gilid.
Pero napahinto ako ng may makita ako.
Isang kwintas na may infinity symbol sa gitna.
Napahawak ako sa kwintas ko na katulad na katulad ng sakanya. At saka tiningnan ko uli sya.
"I-ikaw? Si-sino--"
"Uy pasensya na natagalan ako! May ginawa pa kasi ako bago kita pinuntahan. Ano tara na?" Sabi ng lalake na kararating lang at nagbukas ng payong at umalis na sila nung babae.
"H-hindi sya" bulong ko sa sarili ko.
Hanggang kailan ba ako maghihintay sa pagbabalik mo?
-xx-
New and second story ❤
BINABASA MO ANG
Unexpected Things
RomanceHer only job is to protect a human in Earth. Saving and protecting it from harm. Helping it to decide correctly. Helping it to live as it grows older. After how many years, she saw how to live like a human. Their sacrifices to live longer. Sometimes...
