Angella Lee's POV
'Tulong! Kung may tao dyan, tulungan nyo ko!"
Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito pero mukhang wala naman yatang nakakadinig dito. Maliwanag na sa labas at sa naaalala ko ay madaling araw simula nung kinuha ako ng isang lalaki.
Ano ba kasi kailangan sakin ng taong yun? Tsk. Eto siguro yung parusa sakin sa pagiging mali kong magdesisyon. Eto siguro yung karma na sinasabi ng mga tao kapag may ginawa kang masama, babalik din sayo.
Miko. Si Miko parin ang iniisip ko ngayon kahit na nandito ako sa isang kwarto, mag isa, nakatali ang paa at kamay. Kesa na mas alalahanin ko ang sarili ko, mas inaalala ko pa sya.
Hindi kaya nya manlang ako hinahanap? Hindi kaya sya nag aalala sakin?
Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok yung lalaking kumuha sakin at nakangisi pa sya. Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng inis at galit sakanya. Wala naman akong natatandaang ginawa sa kanyang masama e tapos ginanito pa nya ako! Hindi ko nga sya kilala e!
"Gising na pala ang anghel na naging tao"
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sinabi nya. Paanong.. pano nya nalaman iyon?
"Ano? Nababaliw ka na ba?" Tanong ko sakanya. Walang nakakaalam ng naging tao ako maliban kay older angel. Imposible naman na malaman ng lalaking ito ang tungkol don.
"Ako? Nababaliw?" Tumawa sya ng tumawa at mas lumapit sakin.
"Hindi ako isang ordinaryong tao lang. Nakakakita ako ng mga katulad nyo, maging ibang mga katulad nyo na hindi nakikita ng ordinaryong tao lamang. Kaya wag ka ng mag sinungaling pa."
"Nagkakamali ka. Mali ang iyong iniisip!" Sigaw ko. Hindi ako naniniwala sakanya. Lalo na't alam ko na ang mga tao ay mapanlinlang.
"Hindi ako nagkakamali, Angella Lee. Diba iyon ang ipinangalan sayo ng mga taong iyon?" Nakaramdam ako ng matinding kaba kesa kanina. Paanong.. talaga bang hindi lang sya ordinaryong tao lang?
"Nasaksihan ko ang pagiging tao mo. Pati ang pagdaan ng lalaking iniingatan at pinoprotektahan mo sa sarili mong katawan. Pati nung nawalan ka na ng malay at dinala ka ng lalaking iyon sa ospital. Lahat ng nangyari sayo ay nakita ko. Dahil di ako pangkaraniwang tao lamang." Mahaba nyang sabi. Hindi ko alam kung maniniwala na ba ako sa kanya o hindi. Naguguluhan na din ako.
"At alam mo ba, dahil sa mga katulad nyo kaya namatay ang asawa ko." Nanlaki ang mga mata ko at napakunot ang noo ko.
"Anong pinagsasasabi mo? Nahihibang ka yata." Pilit kong pagpapaniwala sa kanya.
"Kundi lang niligtas ng mga katulad mo yung batang iniingatan din nila dahil masasagasaan sya ng asawa kong nakasakay sa kotse, edi sana di sya nabunggo sa isang malaking poste. Edi sana kasama ko pa sya ngayon! Kasalanan nyo lahat! Kasalanan mo!" Dinuro duro nya ako at umiyak. Kanina tawa sya ng tawa ngayon naman umiiyak?
"Pero ngayon, andito ka na. Ang isa sa mga anghel na nagproprotekta sa mga piling tao. At dahil ikaw ang nakuha ko, ikaw ang dadanas ng paghihiganti ko na dapat sa anghel na nagligtas sa bata. Diba ang saya?" At tumawa nanaman sya ng tumawa. Wala syang sa katinuan.
Pero naramdaman ko ang kaba na mas tumindi pa ng kumuha sya ng tabla at nakangising nakatingin sakin. Ano gagawin nya sakin?!
Napahiyaw ako sa sobrang sakit ng hinampas nya ako sa binti ng tabla ng paulit ulit. Umiiyak na ako at ramdam na ramdam ko ang sakit na pisikal at ang tawa nya tuwing ako ay humihiyaw.
BINABASA MO ANG
Unexpected Things
RomanceHer only job is to protect a human in Earth. Saving and protecting it from harm. Helping it to decide correctly. Helping it to live as it grows older. After how many years, she saw how to live like a human. Their sacrifices to live longer. Sometimes...