Angella Lee's POV
"Ano?!?" Di ko sinasadyang lakasan ang boses ko kaso wala e, di ko yata kontrolado ang katawan ko.
"Ay sorry, di ko sinasadya" natawa naman ng konti si Carla.
"Eto naman! Tinitingnan ko lang reaksyon mo! Pero..." lumapit sya sakin at binulong nalang ang sasabihin nya. "... totoo ang sinabi ko"
Ewan ko ba pero parang wala naman akong pakealam sa huli nyang sinabi. Pagkatapos namin kumain ay umakyat na uli kami sa room dahil malapit ng mag time.
Pero habang naglalakad kami, hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Carla. Mahal ako ni Miko? Imposible.
Pero ang kakaiba, may part sakin na parang masaya nung marinig ko iyon kay Carla. Di ko ma explain kasi kahit ako, di ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Posible kaya....
Umiling iling ako sa iniisip ko. Ano ba nangyayari sakin?!
Narinig ko namang tumawa ng mahina si Carla. Tumingin ako sakanya kaya agad naman syang tumigil at tumingin nalang sya ng diretso sa daan. Hindi kaya baliw tong si Carla?
Hayaaaaaa! Wag naman sana. Siya na ngalang kaibigan ko sa room tapos baliw pala sya? (ToT)
Pagdating sa room, halos iilan palang kaming magkakaklase ang nandoon. Kumakain pa siguro yung iba. Pagkaupo namin, nagsalita naman si Carla.
"Ay Angella, may tanong ako" tiningnan ko sya.
"Ano yon?"
"Saan ka ba nakatira? Bakit nakikita kita lagi na kasama si Miko pag uwian?"
Carla Nixon's POV
"Saan ka ba nakatira? Bakit nakikita kita lagi na kasama si Miko pag uwian?" Tiningnan kong mabuti ang magiging reaction ni Angella sa tanong ko. Hindi sya makasagot at parang may iniisip. Sabi na e!
Naisipan ko na sundan si Angella at Miko ngayong uwian. Nakakapagtaka kasi na magkasabay silang pumapasok at umuuwi.
Nakita ko lahat ang nangyari kanina kay Angella at kila Kim. Tutulungan ko na sana noon si Angella kaso dumating agad si Miko at hinila ito palayo kila Kim. Pinagbantaan pa nga nya ang mga ito.
Ano ba meron sa dalawang yun? Yan ang lagi kong tinatanong. Bakit ganon nalang protektahan ni Miko si Angella? Sabi naman ni Angella magkaibigan lang sila. Akala ko nga magkamag anak sila e.
Habang sinusundan sila, nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Nung nauntog si Angella kay Miko habang ito ay naglalakad, lumayo ng konti si Angella pero bigla itong niyakap ni Miko.
Nagsalita si Miko pero hindi ko nadinig kasi medyo malayo ako sakanila. Pero leche! Ano ba talaga meron sakanila?!
Kumalas na si Miko kay Angella at saka ito naglakad palayo. Pero sinundan lang sya ni Angella. Sinusundan ba nya si Miko?
Nasa likod lang kasi sya ni Miko, medyo malayo din ang distansya nilang dalawa.
Malayo-layo na din ang nalakad ko mula eskwelahan. Ang layo naman yata ng bahay nilang dalawa? Magkapit bahay ba sila?
Nagulat ako ng sabay silang kumatok sa isang bahay. Wag nilang sabihing... nasa iisang bahay lang sila nakatira?! Lecheeee!
"Huy! Di kana nakasagot" medyo nagulat pa si Angella. Pffft.

BINABASA MO ANG
Unexpected Things
RomanceHer only job is to protect a human in Earth. Saving and protecting it from harm. Helping it to decide correctly. Helping it to live as it grows older. After how many years, she saw how to live like a human. Their sacrifices to live longer. Sometimes...