Angella Lee's POV"Goodluck on your first day anak!"
"Appa, highschool na ako!" Maktol nito pero sa malambing na tono.
"Yeah I know, maybe I'm just missing my baby boy"
"Haysst appa! Stop it~" at tumawa na sila habang magkaakbay.
Ang sarap lang nila tingnan.
"Oh lumakad kana, baka malate ka pa"
"Sige po" yumuko sya ng bahagya at saka lumabas ng bahay.
"Ingat 'nak!"
Sinundan ko sya at pina singkit ang mata ko para makita yung laman ng bag nya na baka may nakalimutan sya.
At tama nga ako. Etong lalakeng to talaga.
Pinikit ko ang mga mata ko atsaka binigyan sya ng sign sa utak. Para maisip nya na may nakakalimutan sya.
Naramdaman ko ng huminto sya sa paglalakad kaya dumilat na ako.
"May nakalimutan ba ako?" Bulong nya sa sarili nya.
Iniisip nya pa rin kung ano yung nakakalimutan nya at nagsalita uli sya.
"Di ko naman nakalimutan yung mga book ko"
Tingnan mo kasi bag mo para di ka tanong ng tanong sa sarili mo. Isip isip ko.
Kaya tiningnan nga nya ang bag nya kaso nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid. Danger.
Di nagtagal habang binubuksan nya ang bag nya, nakita ko sa likod namin na may sasakyan na paparating. Di sya napapansin ng driver dahil ito ay may ginagawa sa, cellphone?
Pinikit ko ang mga mata ko uli para pahintuin ang paligid namin. Pagdilat ko ay nakita ko ang mga tao na huminto sa kung ano man ang mga ginagawa nila.
Tiningnan ko ang lalaking ito at saka sya hinila ng kaunti pero sapat na para di sya mahagip nung sasakyan. Nang nasigurado ko na hindi na sya mahahagip ay pumikit uli ako para bumalik na uli ang lahat.
Nagulat naman tong lalaking ito nung makita nya yung sasakyan na malapit na sakanya madikit.
"Wooo muntik na ko dun ah" bulong nya at saka sya bumalik sa paghahalungkat sa bag nya. Di padin ba nya maisip na nakakalimutan nya yung payong nya?
"Ay leche. Nakalimutan ko pala yung payong ko!" Pagkasara nya ng bag nya ay tumakbo na sya papunta sa bahay nila.
Hindi ko na sya sinundan dahil madadaan naman sya dito. Kaya iintayin ko nalang sya.
Ilang saglit lang ay nagulat ako ng makita ko ang isa pang anghel sa tabi ko. Kilala ko sya. Ang responsibilidad nya ay ang pagsundo sa mga taong namatay na.
Pero nakapagtataka lang kung bakit sya nandito. Wala namang namatay dito e.
"Older angel! Bakit andito ka?" Tanong ko sakanya.
"Wala lang." Sagot nya habang nakangiti.
"Ganun."
"Teka, nasaan sya? Bakit di mo sya sinusundan?" Tanong nya sakin. Tumingin ako sa likod ko na baka nakabalik na sya kaso wala pa sya.
"May binalikan lang sa bahay nila. Laging may iniiwan yun e" naka ngiti kong sagot sa kanya.
"Ganon. Musta na sya?"
"Ayun ganun pa din. Wala namang nangyayaring masama maliban lang sa kanina na muntik na sya mahagip ng sasakyan" comportable kong sagot.
"Ang pabaya talaga ng mga tao. Di ba nila naiisip na baka masagasaan sila?" Naguguluhang tanong naman nya kaya natawa ako ng konti.

BINABASA MO ANG
Unexpected Things
RomanceHer only job is to protect a human in Earth. Saving and protecting it from harm. Helping it to decide correctly. Helping it to live as it grows older. After how many years, she saw how to live like a human. Their sacrifices to live longer. Sometimes...