Chanyeol's POV
"Lalim ng iniisip mo pre ah?"
"Nothing that concerns you." Malamig kong sabi kay Baekhyun.
"Yow pips!" Di ko nalang pinansin si Luhan at Baekhyun at inalala ang mga pangyayari noon sa rooftop.
Di ako pwedeng magkamali. Nakita ko ng malinaw ang mga pangyayari.
"Dude-"
"ANO BA?!" yamot kong sigaw, kay kukulit.
"Chill, kwento mo naman kasi yang napaka lalim-"
"Malalim lang, pag napaka lalim baka-"
"Oo na, nakakarindi ka Baekhyun. So, ano nga ba?"
"Si Angella."
"Ohh, yung babae ni Miko? Ano meron sakanya?"
"Di ko alam, natatandaan nyo pa nung nasa rooftop tayo?"
"Oh tapos?"
"Nung may dala kang tabla Baekhyun, tapos nung ihahampas mo na kay Miko.. bigla nalang parang dumulas yung tablang hawak mo sa kamay mo."
"Oh ano meron dun? Ano ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Baekhyun.
"Hindi ko sigurado, pero pakiramdam ko, si Angella may kagagawan nun."
"Ano?! Pano mo naman nasabi? Mangkukulam si Angella ganon?"
"Di ka nakakatulong Luhan."
"Yun nga diba? Bakit? Pano nagawa ni Angella yun?" Sabi ko.
"Eh diba sabi mo hindi mo naman sigurado? Wag mo agad pagsuspetsyahan yung tao."
"Pero hindi e, may mali. Nakita ko talagang dumulas yun sa kamay mo." Tumawa nalang sila at tumayo na sa pagkakaupo.
"Chanyeol, nahihibang ka lang. Kung ano ano na nakikita mo." Di ko nalang pinansin ang sinabi ni Luhan kaya umalis na sila. Lunch namin ngayon pero andito lang ako sa favorite spot namin, sa likod ng gym.
Di ako pwedeng magkamali. Sigurado akong may ginawa si Angella para magawa ang bagay na yun. Aalamin ko ang lahat sayo Angella. Hintayin mo lang.
Malalaman at malalaman ko din ang pagkatao mo, humanda ka.
**
Kimberly Tan's POV
"Mukhang nagkakagusto talaga yang Miko mo kay Angella ah?" Pang aasar pa ni Nicole, na sadya namang napaka effective.
"Tigil tigilan mo ko Nicole, porket wala kang gusto e mang aasar ka ng ganyan."
"Nakakainis yung babaeng yun. Pinanganak yatang malandi ang lintek." Kanina pa din asar na asar si Steph dahil hindi lang si Miko ngayon ang nilalapitan nung malanding yun, kundi pati ang lalaking matagal na nyang gusto, si Kenneth Wu. Ang apo ng may ari ng school na ito.
"Then why pull her back to her mother's tum and don't let her out again, Steph. Like what you always do. Kick her out."
"That's what I am thinking already, Nicole."
"Pero alam mong mahihirapan ka sa pagkakataong ito. Malapit din sya kay Ken, they're friends so Ken wouldn't let you kick her ass out of this school." Litanya ko naman sakanya.
"I know, I know! I just.. she's really getting into my nerves. Arrrgh!" Padyak niya. Sa totoo lang, mahihirapan talaga sya ngayon. Not like the past girls na nagkagusto kay Ken, di pinapansin ni Ken ang mga babaeng yon kaya nadalian syang paalisin ang mga iyon dito sa school. Unlike now, Angella became friends with Ken so basically, Ken wouldn't let her friend (?) step out of this school. Tss.

BINABASA MO ANG
Unexpected Things
RomanceHer only job is to protect a human in Earth. Saving and protecting it from harm. Helping it to decide correctly. Helping it to live as it grows older. After how many years, she saw how to live like a human. Their sacrifices to live longer. Sometimes...