Chapter 9

33 5 1
                                        

Marlon Kim's POV


Buong klase akong wala sa sarili simula ng madala ko si Angella sa school clinic kanina. Sabi naman ng nurse konting pahinga lang daw ang kailangan nya at magiging okay na sya.

Kaso di pa rin talaga ako mapalagay hangga't di ko sya nakikitang okay. Tsk kasalanan to lahat nila Chanyeol e! Handa sila sakin kapag may nangyaring masama kay Angella.

"Mr. Kim!" Nagulat ako ng sinigawan ako ng teacher namin. Nakatingin na sya sakin ng masama at nakatingin na din sakin lahat ng mga kaklase ko.

"Get out of my class! I don't need a student like you here in my class!" Wala akong ibang nagawa kundi ang lumabas. Nakangisi naman sakin si Chanyeol pero di ko nalang pinansin.

Hayss ano na ba tong nangyayari sakin. Ngayon lang ako napalabas ng teacher. Nakakaasar. Ano ngayon gagawin ko?

Pupuntahan ko nalang si Angella sa school clinic. Tutal wala naman akong gagawin sa labas ng room namin kundi tumunganga. Hayss.

Pagbaba ko sa ground floor ay nakita ko si Angella na naglalakad palapit sakin. Pero nakatulala lang sya at di nya pa ako napapansin.

"Boooo!" Gulat syang tumingin sakin at ngumiti. Weird nya.

"Tulala ka dyan?" Tanong ko sakanya at sinabayan sya sa paglalakad.

"W-wala. Hehe ikaw, kamusta kana? May masakit ba sayo?" Sunud-sunod nyang tanong. Diba dapat ako nag aalala dito?

"Okay lang ako. Ikaw dapat tinatanong ko nyan. Bakit kasi andon ka? Yan tuloy." Tumawa lang sya sa sinabi ko. Weird nya talaga.

"Ano kaba. Okay lang ako" mukha nga. Hayss makakahinga na ako ng maluwag ngayon.

"Sa susunod, mag iingat kana kasi. Wag mo na ako isipin, mapapahamak ka pa dahil sakin" di ko na alam mga sinasabi ko. Ako ba talaga to? Nag aalala ako sa isang taong kakakakilala ko palang? This is not me.

"Hahaha opo" ngiting ngiti nyang sagot kaya ginulo ko ang buhok nya.

"ANGELLA! HUAAAAAA~" nagulat ako sa isang babaeng lumapit at yumakap kay Angella. Wow, may kaibigan na pala sya dito maliban sakin? At wait, kasama pa nya si Elvis?

"Tol!" Nakikipag apir sya sakin pero di ako nakipag apir sakanya.

"Uhh Miko? Una na kami ni Carla. Punta kaming canteen." Tumango nalang ako kay Angella at umalis na sila.

"Wow. Kailangan magpaalam? Ano ba nangyayari?" Tiningnan ko ng masama si Elvis kaya nag peace sign lang sya sakin. Pero tama sya.

Ano na ba nangyayari sakin?

**

"Miko" di ko pinapansin si Elvis imbis ay etong hamburger ang pinagtutuunan ko ng pansin.

"Katimawa mo Miko! Porket gwapo ako at pagkain yan, di mo na ako papansinin? Di patas yun!" Binatukan ko sya sa kahanginan nya. Mas mainam pa ngang bigyan ng pansin itong hamburger kesa sa hanging dala nitong si Elvis.

"Pero alam mo, ang laki na ng pinagbago mo" napatigil ako sa pagkagat sa pagkain ng madinig ko ang sinabi nya. Ano nanaman sinasabi niya?

"Hindi ka naman ganyan e. Nag aalala sa taong kakakilala palang? Weird tho" sandali akong nag isip sa sinabi nya. Tama sya. Hindi nga ako ito.

"Miko. Ano ba meron kay Angella at nagkakaganyan ka? Ginayuma ka ba nya? Na-api ka ba? Sabihin mo, ipapatawag natin ang police pangkalawakan" tungunu. Akala ko seryosong usapan na. Joskoo lalo akong masisiraan ng ulo kay Elvis.

"Elvis puro ka kagaguhan" tumawa sya ng malakas kaya nagtinginan samin yung ibang mga estudyante. Kahiya-hiyang kasama tong si Elvis. Di ko na sya uli pinansin kagaya kanina pero nagseryoso uli sya.

Tell me, baliw na ba tong kaibigan kong to?

"Seryoso na talaga"

"Ikaw pa talaga nagsabi nyan ha" walang gana kong sagot.

"Miko! Meron ka ba ngayon ha at ganyan ka kasungit? Seryoso na kase!" Muntik na akong matawa sa itsura nya. Pffft buti nalang napigilan ko.

"Ano ba kase!"

"Ayun nakuha den! Kailangan pala mag galit-galitan pa ako e" tumawa uli sya. Baliw na nga talaga sya.

"Eto na eto na." Di ko sya tiningnan pero nakikinig ako sa sasabihin nya.

"Ano ba talaga meron sainyo ni Angella?" Tss sabi na yan ang itatanong nya e.

"Wala."

"Wala huh? Pero kung mag alala ka wagas." Bakit? Masyado ba akong nag alala kay Angella?

"Madalas ko ng napapansin yun pero nakatahimik lang ako kasi gusto ko, ikaw magsimula ng topic na yun. Pero mukhang hindi kaya ako na nagsimula"

"Alam mo, kung ayaw mo mapahamak si Angella dahil sayo, layuan mo na sya. Lalong manggigigil sila Chanyeol sayo at gagamitin nya si Angella sayo."

"Ako ang bahala kay Angella. Sisiguraduhin kong di sya mapapahamak ng dahil sakin" seryoso kong sagot. Eto naman talaga ang plano ni Chanyeol e, dahil hindi nya ako kayang inisin, isasali nya si Angella sa alitan namin. Tss coward moves.

"Tingnan natin. Tsk pero alam mo, mukhang may tama kana sakanya. Biruin mo, napa alis ka pa sa klase kanina dahil kakaisip sakanya? Pambihira ka" kilalang kilala talaga ako ni Elvis.

"Miko, sinasabi ko sayo to para di na mapahamak si Angella. Kung gusto mo syang iligtas sa kamay nila Chanyeol, layuan mo sya." Pano ko sya lalayuan kung sya ang lumalapit sakin? Tsaka nasa iisang bahay pa kami.

"Ako na bahala" yun nalang ang naisagot ko sa sinabi ni Elvis.

Angella Lee's POV

"Hello po Tito Jimin!~" salubong ko kay Tito pagkabukas na pagkabukas ng pinto. Sinalubong din naman nya kami ng ngiti ni Miko.

"Hahaha ang sigla sigla naman ni Angella" bati nya sakin.

"Syempre naman po. Bihis na po muna ako" pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis at tsaka lumabas uli para tulungan si Tito magluto.

"Hmmm musta school Angella?" Tanong sakin ni Tito. Bigla ko namang naalala yung kanina.

"A-aah okay lang po. Hehe" binaling ko nalang ang isip ko sa pagluluto ni Tito.

"Hmmm ang sarap Tito!"

"Hoy Angella! Ang timawa mo" sinamaan ko ng tingin si Miko. Kanina ang bait bait nya sakin tapos bigla nalang sya magsusungit ngayon. Bipolar talaga ang mga lalake.

"Si Miko naman parang hindi" pagtatanggol sakin ni Tito kaya dumila ako kay Miko. Hehe buti nga.

Matapos magluto ni Tito ay naghanda na ako ng platong pagkakainan namin. Tinawag ko nadin si Miko sa kwarto nya dahil sabi nya kanina ay gagawa muna sya ng assignment nya at tawagin ko nalang daw sya pag kakain na.

"Wala kabang assignment Angella?" Eh? Pano ko malalaman kung wala ako sa klase ko ng ilang oras? Hayaaa ano sasabihin ko. Tumingin ako kay Miko at nakatingin din sya sakin.

"Ahh w-wala po. Hehe. Ah, kain na po tayo?" Aya ko kasi baka magtanong pa uli si Tito sakin. Bago sya kumain ay tumingin muna sakin si Tito at ngumiti. Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba sa kanya. Para akong kinabahan na ewan e. Aish! Ang weird.

Unexpected ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon