(A/N Backgroud lang po ito ng mga bida sa storyang to. Kaya asahan nyo po na hindi po ito gaanong kahaba. Alangan naman pong ikwento ko lahat edi naging 3rd Person nalang ang story. The real story will start on the next chapter I'll publish so be patient~)
3rd Person's POV
May isang bata na pinagpala dahil sya ay may guardian angel na lagi syang nililigtas sa kahit ano pa mang kapahamakan. Pinagpala sya dahil hindi lahat ng tao ay pinagkakalooban ng guardian angel katulad nya.
Pero may mga pagkakataon na hindi pwedeng iligtas nito ng anghel dahil para mas lumakas ang pangangatawan nito habang ito ay lumalaki.
Simula pagkabata ay kilalang kilala na sya ng anghel. Dahil simula sa maipanganak ito sa mundong ibabaw, sya na ang nagbabantay sa kanya.
Nakikita nya kung paano to pinapalaki ng kanyang mga magulang. Kung paano ito alagaan hanggang sa lumaki ito.
May mga pagkakataon na halos sya na ang nag aalaga dito. Hindi sya pangkaraniwang anghel dahil sya ay pwedeng makahawak sa mga tao o bagay na nahahawakan ng mga tao.
Di man sya marunong mag alaga ng mga bata pero natututunan nya iyon kapag pinapanood nya ang mga iyon.
Di pa lang alam ng nanay nya na buntis na sya ay iniwan sya ng kanyang asawa. Dahil sa ito ay naka arranged marriage na sa ibang babae.
Pero ng nalaman nyang buntis na pala sya ay di na nya mahagilap kung nasaan ang ama ng kanyang batang dinadala.
At di nagtagal habang ipinagbubuntis nya ang bata, nakakilala sya ng kanyang mapapangasawa habang buhay at tinanggap naman ng mapapangasawa nya ang bata na nasa sinapupunan nya.
Kaya simula bata ay pinaniwalaan na ng bata na ang kanyang tunay na ama ay ang bagong asawa ng kanyang nanay.
Di ito sinasabi sa kanya ng nanay nya dahil ayaw nyang magrebelde ito sakanila paglaki nya. Kaya nanatili itong sikreto ng mahabang panahon.
Ngunit nalalaman ito ng anghel na nagbabantay sa batang iyon. Dahil tungkulin at nararapat nilang malaman ang bawat detalye tungkol sa batang iyon.
Ang nanay nito ay nag abroad papuntang Los Angeles para magtrabaho para sakanilang pamilya. Kaya ang laging nakakasama ng batang iyon ang tumayong ama nya.
Lumaki ang bata na masiyahin, malambot ang puso ngunit may pagka sungit ito sa mga di nya kilala o sa kakikilala lang nya. Pinalaki ito ng maayos at parang tunay na anak ng bagong asawa ng kanyang nanay kaya lumaki ang bata na mabuting tao.
Nakikita ng anghel kung paano ito lumalaki at tumatapang habang lumalaki.
At habang ito ay lumalaki, lumalaki na din ang responsibilidad ng anghel sa kanya. Dahil maraming kapahamakan ang pwedeng makaharap ng batang ito habang ito ay lumalaki pa.
Naging maganda ang bawat pangyayari sa batang ito at ang anghel na nagbabantay dito.
Pero sa di inaasahang pagkakataon, ay magugulo ang buhay ng bata at ng anghel dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
-xx-
New chapter updated! Bukas po mag uumpisa ang tunay na buhay ng Anghel na ito at ang batang binabantayan nito. Thank you for those who is reading it and I hope you can read this until the end. (^o^)
Trailer in the side~ Hope you like it. :*
@nrqzprk
BINABASA MO ANG
Unexpected Things
RomansaHer only job is to protect a human in Earth. Saving and protecting it from harm. Helping it to decide correctly. Helping it to live as it grows older. After how many years, she saw how to live like a human. Their sacrifices to live longer. Sometimes...