Chapter 10

21 4 0
                                    

Angella Lee's POV



"Gooood Moooorning!" Bati ko kay Carla pagkadating ko sa seat ko. Nginitian naman nya ako.

"Ayos kana? Di kana ba ulit nahilo?" Tuwang tuwa talaga ako kay Carla. Napaka bait nya kasi sakin.

"Hahaha oo naman. Okay na okay na kaya ako"

"Buti naman. Mag iingat kana kasi sa susunod ha" tumango ako sakanya at ngumiti para ipakita sakanya na wala na syang dapat ipagalala.

I wonder why those people keep on arguing with Miko. Lagi ko yang naiisip kahit nung anghel palang ako.

Bakit may mga taong nag aaway? Bakit nila kailangan makipag way? Kung may problema, bakit di nalang nila pag usapan?

"Ohh.. Nandito na pala ang girlfriend ni Miko" napatingin naman ako sa tatlong lalaki na nakatayo sa pintuan. Sila nanaman yung mga umaaway kay Miko.

"Ha? Sila ba ni Miko?"

"Marlon Kim?"

"May girlfriend pala sya?"

Isa isa akong tiningnan ng mga kaklase ko pati si Carla. Tumayo ako para depensahan ang sarili ko at si Miko.

"Hindi kami ni Miko!" Lumapit sakin yung pinaka matangkad tapos sumunod uli sakanya yung dalawa.

"Talaga ba? Eh ano to?" Ipinakita nya ang picture sa cellphone nya na ako at si Miko na papauwi ng magkasama, nung buhat buhay nya ako nung mawalan ako ng malay, pati yung yakap yakap nya ako dati.

Nagsilapitan naman yung mga kaklase ko kaya natabig nila akong lahat, inalalayan lang ako ni Carla. Paano nya kami kinuhanan ng di namin nalalaman?

"See? Kayo talaga. Sabihin mo, kelan pa? Sa pagkakaalam ko, nasa iisang bahay kayo? Hindi naman kayo magkamukha ng apilido so hindi naman kayo magkamag anak. Kayo nga talaga."

"Hindi totoo yan!"

"Aba uy, sumisigaw nanaman sya oh" sabi nung isang naka bangs. Ewan ko ba, pero naiinis na ako ngayon sa kanilang tatlo.

"Aba nga naman, pati pala anghel sumisigaw din?" Sabi naman nung isa.

"Oh, hindi kayo? So ano, naglalandian lang kayo?"

"Tigilan nyo na sya pwede ba?!" Nagulat ako ng tinulak sya ni Carla. Agad kong inawat si Carla nung banta pa nyanh itutulak ulit.

"Carla tama na" pigil ko.

"Hindi na kasi tama to Angella. Kayo Chanyeol, Baekhyun at Luhan, tigil-tigilan nyo na si Angella pwede ba?! Ano ba ginawa sainyo ni Angella ha?! Ako makakaharap nyo kapag nilapitan nyo uli si Angella" banta ni Carla.

"Wow, sino ka ba? Kilala mo kami pero di ka naman namin kilala. Stalker ka ba namin?" Mas lalong naasar si Carla pero nagulat ako ng nakita ko si Miko sa likod nilang tatlo.

"Ano sabi ko sa inyo kapag nilapitan nyo uli si Angella? Hindi rin kayo makuha sa isang salita lang e no?" Napaharap na silang tatlo kay Miko.

"Aba. Masaya to, andito na pala ang 'boyfriend' at ang 'dakilang tagapag ligtas' ni Angella."

"Umalis na kayo" mahinahong sabi ni Miko pero alam kong nagtitimpi lang sya.

"Wow inuutusan mo ba--"

"UMALIS NA SABI KAYO!" sigaw ni Miko ng saktong dumatin ang home room teacher namin.

"Anong nangyayari dito?" Napatingin kaming lahat sakanya pati din sila Miko.

Unexpected ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon