Marlon Kim's POV
Naglalakad na ako papuntang class room ko galing sa class room ni Angella para sana itanong sa teacher nya kung pumasok na sya. Pero hindi ko inaasahang makakasalubong ko sya, sila ni Ken.
Parang nadurog ang puso ko ng makita sya. Bumalik lahat ng sakit dulot ng mga nangyari sa pagitan namin.
Lalo ng makita kong may kasama na syang iba. She finally met others. Medyo nakahinga ako ng maluwag na ayos lang sya.
Di ko maiwasang itanong kung bakit kasama nya ang apo ng may ari ng eskwelahang ito. Sya ba? Sya ba ang kumukupkop ngayon kay Angella? Mabait kaya sya?
Mababaliw ako.
"Ano, pumasok na ba si Angella?" Bungad sakin ni Elvis. Tumango lang ako bilang sagot. Umupo na agad ako sa upuan ko at dumukdok.
Di ko alam kung paano ako magsosorry sa kanya. Kung paano, kung saan, kung kelan. Nakakagago. This is all mu fault I admit it.
Ginulo ko ang buhok ko sa pagkayamot. I hate this.
"Tangina"
"Woah chill ka lang pre." Tapik sakin ni Elvis.
"Now tell me, what happened? Alam kong may nangyari kaya nagkakaganyan ka." Napatingin nalang ako sakanya at napairap.
"I saw her earlier, nung palabas ako ng room nila, papasok sya, and she's with someone else."
"Tangina mo Miko!" Napakunot ako ng noo sa reaksyon nya.
"Tangina mo minumura ba kita?" Asar na tanong ko sakanya.
"Harujusko hinay hinay lang Miko, baka mangain ka bigla nako sinasabi ko sayo di ako masarap."
Di ako makaisip ng plano kung paano ko sya makakausap. Parang close na agad sila nung Ken na yun!
Maraming nagkakagusto kay Ken dahil aminin ko man, may itsura din sya, pero mas may itsura ako hano. Hinliliit ko lang sya.
Teka, bakit ba eto naiisip ko? Wtf Miko you're crazy.
Maya maya lang ay tumayo na ang teacher namin at pumunta na sa harap para magturo, but sorry wala akong gana makinig sakanya ngayon. Fuck.
Angella Lee's POV
"Angella!" Napatingin ako sa isang direksyon at nakita kong tumatakbo si Ken papunta sakin at palayo sa mga estudyanteng pinagkakaguluhan sya. Sikat na sya nyan?
"Intayin mo naman ako!" Naka nguso nyang sabi, tingnan mo to, pag ako ang ngumunguso nang-gugumamalaiti sakin. Mas mukha nga syang bibe sakin e.
"Pero sikat ka na nyan?" Pang aasar ko na lalo nyang ikinanguso. Putakte.
"No I'm not!" Sangga nya. Aba hindi daw.
"Wow lang sige." Natawa naman sya sa reaksyon ko.
"Musta klase mo?" Biglang bumagsak ang loob-loob ko ng madinig ang tanong nya.
"ANG HIRAP!" mangiyak ngiyak kong sabi. Lalo na math yung tinuro sakin. Hindi ko maintindihan. Natawa uli sya.
"Bakit? Ano bang subject tinuro sayo?"
"Math" sabay nguso ko.
Huminto sya kaya napahinto din ako at tumingin sakanya. Sinamaan nya ako ng tingin at lumapit ng malapit sakin at saka hinila ang pisngi ko kaya napasigaw ako.
"ARAY NAMAN KEEEEEN!" Tumawa sya ng tumawa habang hawak hawak ang pisngi ko. Tinabig ko ng malakas ang kamay nya at hinawakan ang pisngi kong muntik ng mahiwalay sa mukha ko. Napakasakit!
BINABASA MO ANG
Unexpected Things
RomansHer only job is to protect a human in Earth. Saving and protecting it from harm. Helping it to decide correctly. Helping it to live as it grows older. After how many years, she saw how to live like a human. Their sacrifices to live longer. Sometimes...