Angella Lee's POV
"Miko sandali!" Sinundan ko sila Miko sa ospital na pinagdalhan nila kay Tito Jimin. As in tinakbo ko lang kasi wala naman akong pamasahe pang transportasyon. Hindi naman ganong malayo kaya tinakbo ko nalang.
Pagdating ko sa ospital ay nakita ko si Miko na tumatakbo sa loob kaya tinawag ko sya pero mukhang di nya ako nadinig kaya pumasok na ako ng ospital.
Nakita ko si Miko na nakaupo sa mga upuan sa labas ng emergency room na nakapikit. Tinabihan ko sya pero hindi nya pa ata alam na katabi na nya ako kaya nagsalita ako.
"Miko, I'm sorry. Hindi ko naman kasi.. Ako talaga yung babarilin nung lalaki.. Ako kasi dapat yung nasa loob--"
Nagulat ako ng bigla syang tumayo at humarap sakin. "Pwede ba Angella, kailangan ko ng tahimik na lugar. Kaya kung pwede, iwan mo muna akong mag isa. Please!"
"Pero Miko, sinasabi--"
"Please Angella!" Napayuko ako at tumango sakanya ng sigawan nya uli ako. Tumayo na ako at naglakad palayo. Pero bago ako tuluyang lumabas ay tiningnan ko sya na nakayuko.
Iintayin ko nalang siguro sya sa bahay.
**
Tumingin ako sa orasan at 12:45 na ng hatinggabi. Nag aalala na kasi ako kay Miko kung ano na nangyari kay Tito. Gusto ko uli syang puntahan pero baka paalisin nya lang ako. Ngayon ko lang syang nakitang ganito.
Kasalanan ko ang lahat ng to. Hindi mangyayari to kung naging malakas lang ako at natabig ko si Tito nung babarilin na ako nung lalaki. Gusto kong ibalik yung panahon. Gusto kong ibalik at baguhin.
May mga pulis na kanina dito nung dumating ako. Tinanong nila ako ng ibang mga impormasyon at matapos nun ay umalis din sila. Hindi ako makatulog dahil ang naiisip ko lang ay si Miko at Tito. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi nagising si Tito.
Nakarinig ako ng naglalakad sa labas kaya agad akong tumayo at sinalubong si Miko.
"Miko! Kamusta si Tito? Nagising na ba sya? Miko gusto ko syang makita! Tara na, puntahan na natin si--"
May tumulong luha sa mga mata ni Miko kaya napatigil ako sa pagsasalita ko. Ang daming pumasok sa isip ko ng pumatak ang luha sa mga mata nyang muktong mukto na. Sana mali ang iniisip ko.
"P-patay na sya" hindi ko alam na may tumulo na ding luha sa mga mata ko ng pumasok sa isip ko ang sinabi nya. Hindi.. hindi maari! Hindi pwede!
"Kasalanan mo to! Simula ng dumating ka, ang dami ng nangyari sakin! Simula ng dumating ka, maraming problema ang dumating sakin. Ng dumating ka, ang dami ng pahamak ang nangyari sakin. Okay lang sana kung sakin lang kaso sinama mo si appa! Dinamay mo sya sa kamalasang kinalat mo dito! Sana di nalang kita nakita sa kalsadang wala kang malay! Sana di nalang kita dinala sa ospital kung saan namatay si appa! Sana hindi nalang kita pinatuloy dito! Sana hindi na kita nakilala Angella! Naasar ako kasi bakit dinala pa kita sa ospita noon. Kung bakit nililigtas pa kita. Kung bakit nag aalala pa ako sayo kapagmay nangyaring masama sayo. Angella tama na! Ayoko na! Gusto ko ng manahimik! Tama na yung kamalasang binigay mo sakin at sa appa ko! Umalis kana! Hindi kita kailangan! Wag ka ng magpapakita sakin!"
BINABASA MO ANG
Unexpected Things
RomanceHer only job is to protect a human in Earth. Saving and protecting it from harm. Helping it to decide correctly. Helping it to live as it grows older. After how many years, she saw how to live like a human. Their sacrifices to live longer. Sometimes...