Angella Lee's POV
Ako lang ba o parang yung mukha ni Miko eh nag aalala? Saan naman sya mag aalala?
"Umuwi ka na" nagulat ako sa tono ng pananalita nya. Ano ba problema nya?
"A-ano? Estudyante na ako dito kaya di ako pwedeng umuwi!" Kumunot ang noo nya at parang naiinis na sya.
Marami ng estudyanteng nakatingin samin, pati na rin si Carla na lumapit na sakin.
Nagulat ako ng hinila nya ako hanggang sa makarating kami sa lugar na walang estudyante. Di ko na talaga sya maintindihan!
"Ano ba Miko?! Ano ba problema mo?!" Di ko na napigilan ang sarili ko na maglakas ng boses. Di ko yun sinasadya. Parang kusa nalang lumakas boses ko.
Hanggang ngayon ay nakahawak sya sa braso ko. Nalilito na ako sa ikinikilos nya.
"Kung may problema man ako, wala ka nang pakealam don. Kung first day mo ngayon, last day mo na rin ngayon. Dahil simula bukas, di ka na papasok. Maliwanag?" Nakaramdam ako ng konting inis sa sinabi nya.
Umalis na sya kaya naiwan na ako ngayon mag isa sa lugar na to. Di ko alam ang dahilan kung bakit ganon ang reaksyon nya. Masama ba na mag aral ako katulad nya? Masama ba na protektahan sya?
Wala akong ibang magawa kundi ang bumalik nalang sa room namin at dumukdok.
Ilang minuto na din akong naka dukdok ng may nadinig akong tumatakbo papunta dito sa room. Umupo agad sya sa tabi ko kaya nag angat ako ng ulo. Nakita ko si Carla na nag aalala sakin.
"Okay ka lang Angella?" Ngumiti ako ng maisip ko na nag aalala sya sakin.
"Okay lang ako no." Napabuntong hininga sya kasabay ng mabilis nyang paghinga.
"Bakit ka ba tumatakbo? Hinihingal ka tuloy" tanong ko. Naglagay ako kanina ng isnag boteng tubig sa bag ko kanina. Kinuha ko iyon at binigay sakanya na kinuha naman nya at ininom.
"Salamat. Naalala ko kasing di mo pa kabisado tong school. Hinanap kita kasi baka naliligaw ka na" napangiti naman ako sa kabaitan nya.
"Ano ka ba. Kabisado ko naman na kahit papano to. Tsaka dinaanan natin yun e pero salamat sa pag aalala mo ha" niyakap ko sya at niyakap nya din ako.
"Okay lang yun Angella. Ikaw lang din naman ang kaibigan ko dito" yun nga ang nakapag tataka e. Ang bait bait nya tapos ako lang pala kaibigan nya dito.
"Pero Angella, sino yung humila sayo kanina?" Naalala ko nanaman yung mukha ni Miko kanina nung magkausap kami.
"A-ah sya si Miko. K-kaibigan ko sya" sabi ko.
"Ahh. Akala ko kapatid o pinsan mo. Kasi yung mukha nya kanina nung nakita ka parang nag aalala sya." Nag aalala? Saan naman e estudyante lang naman ako dito?
Ahhh alam ko na! Nagbubulakbol siguro sya dito at kaya nagalit sya kanina kasi mahuhuli ko sya kapag magbubulakbol sya. Nako nako humanda ka sakin Miko!
"Hehehe"
"Bakit Angella?" Takang tanong nya. Huh? Bakit may sinabi ba ako?
"Bakit?"
"Bakit ka nag 'hehehe', may iniisip ka ba?" Tanong nya. Eh? Wala naman akong sinasabing 'hehehe' e. Nag iilusyon siguro sya.
"Naku wala! Hehe di ka pa kumakain no?" Tanong ko. Baka kasi di pa sya kumakain kaya--
"Hindi pa e. Hinabol kasi kita diba?" Sabi na e! Kaya nag iilusyon sya dahil gutom sya! Hayss mga tao talaga.
"Nako kaya pala e! Tara kumain na tayo. Gutom na gutom kana siguro" tumayo na ako at tumayo na din sya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Things
RomansaHer only job is to protect a human in Earth. Saving and protecting it from harm. Helping it to decide correctly. Helping it to live as it grows older. After how many years, she saw how to live like a human. Their sacrifices to live longer. Sometimes...