Angella Lee's POV
Kakaalis lang ni Miko para pumasok sa eskwelahan nila. Maaga namin sya pinapasok kasi baka malate nanaman sya kagaya kahapon.
At heto kami ngayon ni Tito Jimin sa isang shop ng puro damit. Napagkasunduan namin kanina na Tito nalang daw ang itawag ko sakanya. Kaya pumayag na ako.
Magaganda daw ang damit dito pero parang hindi naman. Mas gusto ko yung simple lang.
"Eto Angella, pwede na ba sayo to?" Tiningnan ko ang isang asul na t-shirt. Mukhang okay naman kasi parang malamig sa katawan.
"Sige po tito. Okay po yan" nakangiti kong sabi at bumalik uli ako sa pamimili ng damit. Nakaka limang damit na akong nabibili. Seven lang naman ang sinabi ko kay tito na bilin kasi para sakto isang linggo. Kaso gawin na daw namin walo kaya pumayag na din ako.
**
Andito naman kami ngayon sa shop na puro shorts, pants at iba't ibang damit na pang ibabang bahagi. Nahihirapan akong makapili ng short kasi napaka iikli nito. Huhu bakit ang iikli ng tinda nilang shorts?
Siguro mga isang oras kaming naglilibot sa mga shop ng shorts dahil ang karaniwan sakanila ay puro maiikli na.
May dalawang pants akong nabili at 3 shorts kaya 5 shorts nalang ang kulang.
**
Sa wakas! Halos buong araw kaming naglilibot sa lugar na to para makabili ng mga damit ko. Mag fo-four o'clock na e. Sa totoo lang, pagod na pagod na ako kanina pa.
Nakakailang pa kasama bumili si Tito Jimin ng iba kong kailangang gamit kasi syempre lalaki sya no! Tapos sya pa mamimili ng mga gamit pangbabae. Huhuhu.
"Thank you po Tito Jimin. Kasi po talagang binili nyo pa po ako ng mga damit. Pinatira nyo na nga po ako sa inyo e. Salamat po sa lahat" naka ngiti kong pasasalamat.
"Naku Angella, okay lang yun dahil deserve mo naman yan kasi napaka bait mong bata" niyakap ko sya ng mahigpit dahil sa sinabi nya.
"Salamat pa din po" at kumalas na ako sa yakap ko sakanya.
Habang pauwi ay nakaramdam ako ng kakaiba. Danger? Di ba tao na ako? Bakit nararamdaman ko pa din yung mga yun?
Pero isa lang ang alam ko, nasa panganib si Miko. Pero paano ako makakaalis dito? Iiwanan ko si Tito Jimin? Ang bastos ko naman yata?
"Angella may problema ba?" Takang tanong ni Tito pero umiling lang ako. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko padin yung danger kay Miko. Ano ba gagawin ko?
"A-ah Tito?" Napalunok ako ng tiningnan nya ako. Ano ba ipapalusot ko?
"Bakit?"
"M-may babalikan lang po ako dun sa--" saan Angella!? "sa may shop! May titingnan lang po ako!" Sana maniwala ka.
"Ahh. E-eh sige. Mag iingat ka iha" ngumiti ako sakanya at saka sumagot "Opo Tito. Ingat din po kayo"
Tumango sya kaya tumakbo na ako sa dinaanan namin kanina. Dito din ang daan ng eskwelahan nila Miko e.
Maraming tumitingin sakin pero ipinang walang bahala ko nalang sila. Ang importante ay si Miko.
Marami ng dumadaan na estudyante na kagaya ng uniform ni Miko kaya ibig sabihin, uwian na nila.
Hinanap ko si Miko pero di ko sya makita. Nasaan ka ba Miko?
Teka? Kung nararamdaman ko pa din ang danger sa paligid, ibig sabihin, di pa din nawawala ang kapangyarihan ko bilang anghel.
BINABASA MO ANG
Unexpected Things
RomanceHer only job is to protect a human in Earth. Saving and protecting it from harm. Helping it to decide correctly. Helping it to live as it grows older. After how many years, she saw how to live like a human. Their sacrifices to live longer. Sometimes...