Chapter 13

8 2 0
                                    

Angella Lee's POV

"Sarap ah? Ikaw ba nagluto nito?" Kanina pa ako kain ng kain kasi sa tingin ko isang taon akong di kumain. Naabno na ata ako. Pero seyoso, ang sarap ng luto ni Ken.

"Syempre, ako pa? Your future chef kaya to!" Sabay kindat sakin. Natahimik nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Pero seryoso, wala kang magulang? Kasama sa buhay? Kapatid? Kamag-anak? Wala talaga?" Kanina nya pa yan tinatanong. Naririndi na nga ako e. Naaalala ko lang si Miko.

"Wala nga. Pero -"

"Pero ano?" Mas lumapit sya sakin kaya medyo nausod ako palayo sakanya. Masyado syang kampante lumapit ng malapit sakin. Naiilang ako. Pangalawang tao sya na nakausap ko dito sa mundo ng mga tao. Kaya nakakailang lang kasi di ko pa sya kilalang gaano.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya lahat. Pati nadin ang pagiging tao ko. Pero mukha naman syang mapagkakatiwalaan, pero sasabihin ko nga ba?

"Uhh-"

"Pinagkakatiwalaan mo ba ako?" Napatingin ako sakanya ng nag iba ang boses nya. Seryoso ang mukha nyang nakatingin sakin.

"Alam kong naiilang ka dahil sa totoo lang, hindi ako sanay na ganito sa ibang tao, lalo na sa hindi ko naman kilala. Pero iba tong naramdaman ko ng makita ka, feeling ko komportable ako sayo. Ang weird diba?" At tumawa sya ng konti kaya napitlag ako. Iba yung tawa nya. Kinilabutan ako. Ang gwapo nya pag tumawa sya. Yung tipong pikit na yung mata nya pag tumawa. At lalaking lalaki syang tumawa.

"Uhh- kasi, hindi lang ako sanay na.. na ano. Yung may katulad mo na ganito ang trato sakin."

"Okay lang. Wag muna natin pag usapan yung sa side mo. Gusto ko kapag pinagsabihan mo na ako ng mga kwento mo sa buhay, gusto ko buo ang tiwala mo sakin. Okay na ba yon?" Nakangiti nyang tanong kaya ngumiti ako at tumango.

"Sige kumain ka muna. Tapos para makauwi na rin tayo. Nakakabagot dito sa ospital" tumawa nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.


***


Napadilat ako agad sa di ko malaman kung bakit. Tiningnan ko ang orasan sa loob ng kwarto.

12:27am

Hatinggabi na pala non. Nasanay na akong nagigising ng hatinggabi para uminom ng tubig, ganon din kasi ang nangyayari sakin noong nakatira pa ako kila Miko.

Bumangon ako at nakita ko si Ken na nakatulog ng nakaupo sa gilid ko. Tiningnan ko sya ng matagal kasi kahit hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwalang may mga taong katulad ni Ken sa mundong to.

Ang laking pasasalamat ko na sya ang nakakita sa akin. Maswerte pa din pala ako kahit papaano.

Dahan dahan kong inusod ang nakakabit na kable sa kamay ko at pumunta ako sa ref ng kwarto para uminom ng tubig. Pabalik na ulit sana ako sa kama ng nagising si Ken at bigla naman akong hinanap ng malamang wala ako sa kama.

"Ken andito lang ako." Napatingin naman agad sya sakin at napabuntong hininga.

"Akala ko may nangyari nanamang masama sayo." Napangiti naman ako sa isip ko ng madinig ang kanyang sinabi.

"Ken, andito tayo sa ospital. Hindi naman na makakapasok ang may masasamang loob dito. Chill ka lang, okay?" Nakangiti kong sagot at saka tumabi sa kanya.

"Alam ko, alam mo naman na.. hayy."

"Ken, bakit ginagawa mo to sakin?" Diretsang tanong ko.

Unexpected ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon