Angella Lee's POV
Nakalabas na kami sa ospital na kung saan ako dinala ni Miko nung nakita daw nya ako sa kalsada na walang malay. So I guess, I'm really a human now.
"Sigurado ka bang wala kang maalala?" Tanong nya uli sakin. Ilang beses na nya yan tinatanong sakin mula pa kanina.
"Oo nga!" Ang kulit talaga nya.
"Tsk hanubayan! E saan naman kita ngayon dadalin?" Tanong nya naman sa sarili nya.
Di ko pwedeng sabihin kay Miko ang lahat ng nangyare. Na guardian angel nya ako. Labag sa batas naming mga anghel-- di na nga pala ako anghel.
Pero kahit ganon, naging anghel din ako. Di pwedeng matuklasan ng mga tao ang katulad namin. Maaring madamay ang ibang anghel kapag nalaman ito ng mga tao.
"Gabi na pala" tiningnan ko si Miko na nakatingin sa langit kaya tumingin din ako don.
"Ang ganda ng langit" dugtong nya pa kaya ngumiti ako.
"Bakit ngumingiti ka?" Tanong nya sakin kaya napatingin ako sakanya.
"Bawal bang ngumiti?" Tanong ko sakanya pero tumingin lang sya sa langit.
Umupo muna sya sa mga upuan dito sa tabi ng kalsada. Kaya sumunod ako at tumabi sa kanya.
"Ano gagawin ko sayo ngayon? Alangan namang iwan kita dito at umuwi na" tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang sya ng diretso sa kalsada.
"Wala ka ba talagang naalala na kahit manlang pangalan mo?" Eto nanaman sya sa tanong nyang yan.
"Wala nga! Kung meron man edi sana sinabi ko na sayo" sagot ko sakanya. Ang kukulit pala ng mga tao. Nakakasakit sa ulo.
"Tsk. No choice" humarap sya sakin bago uli magsalita. "Samin ka muna tumuloy hanggat di pa bumabalik ang alaala mo"
Napangiti naman ulit ako sa sinabi nya kaya napaatras sya ng konti sakin.
"Ano ba! Wag ka ngang ngumingiti! Nakakatakot ka!" Natawa naman ako ng konti kaya nanlaki yung mata nya. Ganito ba talaga mga tao?
"Hala! Baliw ka! Kaya di mo maalala lahat kasi sa may mental disability ka! Ano, umamin ka!" Lalo akong natawa sa sinabi nya. Ang pagkakakilala ko sakanya, di sya ganito kapag di nya kilala ang tao o kahit kakikilala lang nya.
"Ano ka ba! Porket ba di ko maalala may sakit na ako? Ganyan ba talaga kayong mga tao--" napatakip ako sa bibig ko ng maisip ko kung ano yung huli kong nasabi. Baka makahalata sya!
"Bakit? Di ka tao?! Ano ka? Alien?" Lalo pa syang napa atras kaya natawa uli ako. Bakit ganito sya? Di naman sya ganito e! Ngayon ko lang sya nakitang ganito.
"Ang lawak ng isip mo Miko" sabi ko atsaka tumawa.
"Teka, paano mo nalaman pangalan ko? Bakit mo alam e di ko naman sinasabi sayo?" At don ako napahinto sa pag tawa. Ano sasabihin ko? Huaaa~
Tumayo ako at lumayo ng konti sa kanya bago ako magsalita.
"A-ah wala! Nadinig ko lang yung pangalan na yun kanina nung-- nung ano.. Nung naglalakad tayo!"
"Ikaw ha. Sinusundan mo ako no? Tapos nag playing dead ka lang kanina para mapansin kita! Gusto mo ko no?" Nagulat ako sa sinabi nya kaya nilapitan ko sya.
"A-anong sinabi m-mo?! May gusto ako sayo? Hindi ah!" Di ko nga alam pakiramdam ng ganon e.
"Tsk. Kahit nga may sala hindi umaamin e. E sa mga katulad mo pa? Leche" sinamaan ko sya ng tingin kaya natawa sya ng konti.

BINABASA MO ANG
Unexpected Things
RomanceHer only job is to protect a human in Earth. Saving and protecting it from harm. Helping it to decide correctly. Helping it to live as it grows older. After how many years, she saw how to live like a human. Their sacrifices to live longer. Sometimes...