Chapter 16

5 1 0
                                    

Angella Lee's POV

Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa sinabi nya. Parang nabingi ako. Hindi makapaniwalang nangyayari ito. Namamawis din ang mga kamay ko. Pero kabaliktaran ng mga ito ang pinapakita ko sakanya. Malamig ko lang syang tinitingnan sa mata pero sa loob loob ko, gusto ko na syang yakapin ng mahigpit.

Parang may tutulo na luha sa mga mata nya habang nakatingin sakin. Hindi ko alam kung bakit sya umiiyak pero kung ano mang dahilan yon, ayokong makita syang umiiyak.

"I-it was all my fault. I'm sorry." Nanginginig na ako sa kinakatayuan ko dahil sunud-sunod na tumulo ang luha sa mga mata nya. Di ko alam gagawin ko. Di ko na yata kayang tumayo nalang dito.

"Ang dami kong pagkakamali sayo, ang dami kong— sorry kasi—" di ko na kinaya at yinakap na sya. Alam kong nagulat sya pero di ko na iyon pinansin at niyakap sya ng mahigpit.

"Shhhh. It's okay, wag ka ng mag alala. Tapos na yon." Mas naiyak sya kaya humarap ako sakanya at pinahid ang mga luha sa mata nya. Matagal ko ng gustong gawin ito, kahit nung guardian angel palang nya ako, tuwing umiiyak sya, gusto kong pahidin lahat ng luhang tumutulo sa mga mata nya. Ngumiti ako habang pinapahid ang mga luha nya.

"No. Okay lang, di mo na kailangang mag sorry. May kasalanan din ako, dapat nga ako ang mag sorry sayo e."

"No, it's alright. Kailangan na natin pakawalan lahat ng hinanakit natin, we need to let go." Napangiti ako kaya napangiti na din sya.

"Ano na, uwi na tayo?" Tatango na sana ako pero naalala ko si Miko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, di ko sya pwedeng iwanan ng basta-basta lang. Hahawakan na nya sana ang kamay ko pero nilayo ko ito sa kanya, di nya pwedeng makita iyon.

Bahagya naman syang nagtaka sa ginawa ko kaya nagpalusot nalang ako.

"H-hindi pwede, si Ken."

"Ohh, oo nga pala." Nawala yung ngiti nya pero wala naman kasi ako ng magagawa. Di ko pwedeng iwanan si Ken ng ganon lang.

"Dito nalang tayo mag uusap sa school, araw araw naman tayong magkikita no." Biro ko

"Pero namimiss na kasi kita e."

"Ano?"

"Wala, sige. Baka hinihintay ka na ni Ken sa labas, bukas nalang ulit ha?"

"Oo sige, babye! Ingat ka pag uwi!"

"Ikaw din, babye!"

Napabuntong hininga ako ng makalayo na ako sakanya. That was close. Habang naglalakad palabas, tiningnan ko ang wrist ko.

May bilog na may triangle sa loob na may iba't iba pang guhit sa loob na umiilaw ng maliwanag, parang napupunding ilaw. Patay buhay patay buhay.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ito dumikit sakin.

Papunta ako non sa Music Room kung saan dapat kami magkikita ni Ken. Maingay sa labas at parang may pinagkakaguluhan pero di naman ako ganong nahirapan pumuntang Music Room at nakapasok agad.

Pero biglang parang may kung anong kuryente na dumaloy sa buong katawan ko at parang tinatatakan ang wrist ko ng sobrang init na bagay. Napaiyak ako sa sobrang sakit pero di ko magawang sumigaw dahil baka may makarinig sakin.

Hindi padin nawawala ang animo'y kuryente na dumadaloy sa katawan ko hanggang sa nanghihina na ako at napasalampak sa isang sulok. Di ko magawang umupo sa isang upuan dahil hirap na hirap akong ilakad ang mga paa ko.

Hanggang sa bigla nalang ako bumagsak at nagdilim na ang lahat.

Sa tingin ko hindi to pwedeng malaman ng iba, ng kahit na sino. Baka may kinalaman to sa dati kong buhay bilang anghel o kaya isang babala. Hindi ko alam, sumasakit lang ang ulo ko kakaisip.

"Boo!"

"Ay anghel!"

"Anghel? Ano iniisip mo?" Napatingin ako kay Ken na nakangiti sakin. Dahan dahan kong nilagay ang dalawang kamay ko sa likod.

"W-wala, tara na?" Pilit na ngiting sabi ko na tinanguan naman nya.

Lagi akong napabuntong hininga tuwing naiisip ang mga nangyari kanina. Una, itong peste na dumikit sakin, pangalawa si Miko.. tapos si Miko.. si Miko.. tapos si Miko.

"Ano napag usapan nyo ni Miko?"nakayuko lang ako habang naglalakad kami papuntang condo nya, di naman ganong malayo yun kaya naisipan nalang naming mag lakad.

"Uhh wala naman."

"Wala syang sinabi sayo?"

"Ano, uhh gusto nya, ano.." sasabihin ko ba? Huhu
"Tinatanong kung ano, kung sakanya na ba ako uuwi."

"Oh? Ano sabi mo? Bakit di ka sumama sakanya?"

"Ano.. kasi.."

"Ibig bang sabihin nito, ako pinili mo?" Bigla akong napatingin sakanya. Parang nailang ako na, ewan ko ba.

"Kakilig naman" tsaka tumawa ang mokong. Hays di naman sa ganon. Bwisit

***

"Dami nyo naman yatang assignment?" Sabi ko at tumabi kay Ken dito sa mini table nya kagaya ng akin sa kwarto. Busy lang sya kakasulat, tiningnan ko kung anong subject ang assignment nila at umatras nalang agad ako ng makita ko kung ano.

"Ano, gusto mo bang sagutan?" Natatawang tanong nya.

"Ayoko nga, ano alam ko dyan." Bumalik nalang sya sa kakasagot ng assignment nya. Tiningnan ko ulit yung libro at mahilo hilo akong alisin ang tingin ko. Jusme ano ba tong buhay na to huhu

"Di pa ba to nalelesson sainyo?" Bumalik uli ako ng tingin at nilapit pa ang mukha ko sa libro para buwis buhay kong intindihin. Jusko wala talaga akong idea sa mga to.

"Ano, alam mo ba—" namula ako ng napagtanto kong napakalapit na ng mukha namin sa isa't isa ni Ken.

Ken's POV

Maganda pala tong si Angella.

Nakatitig lang ako sa mga mata nya, maging sa buong mukha nya. Parang may mabilis na tumatakbo sa dibdib ko kaya nag alis na ako ng tingin. Hindi to pwede.

Kung tutuusin, mabait naman talaga si Angella. May pagka masungit lang ng konti, at inosente. Di ko alam, basta nung araw na una ko syang nakita na duguan, parang may naramdaman agad ako na kailangan ko syang protektahan.

Ang weird diba? Kaya gusto ko din na sakin muna sya, di ko naman sinasabing ligtas sya sakin. Ang akin lang, hanggat nandito sya sa tabi ko, sisiguraduhin kong ligtas sya sakin.

Kaya natuwa ako ng malaman kong ako ang pinili nya kesa kay Miko. Di ko man narinig na sinabi nya, naramdaman ko.

Ang gusto ko lang naman e nasa maayos na syang kalagayan bago sya umalis sakin. Ayokong makita syang nasa malubhang kalagayan, ayoko na uli syang makitang nahihirapan.

Gawa lang ako ng gawa ng assignment, tambak nanaman kasi ako dahil naging absent din ako nung inaalagaan ko si Angella. Kaya eto ang resulta, tambak ng homeworks at projects.

Tumingin ako kay Angella, nakayukyok na sya. Nakatulog nanaman sya tsk. Etong babaeng to talaga.

"Angella, huy." Kinakalabit ko sya pero wala, tulog padin. No choice.

Iniligpit ko na lahat ng libro at notebook sa tabi. Binuhat ko sya ng dahan dahan papunta sa kwarto nya.

Dahan dahan ko din syang binaba sa kama, mahimbing matulog si Angella kaya tulog padin sya kahit na nabuhat ko na sya. Hays mukhang napagod sya.

May napansin akong parang umiilaw sa may kanang bahagi nya. Parang nasa kamay nya nanggagaling ang liwanag. Teka.. kamay? Titingnan ko sana pero bigla syang kumilos pakanan kaya naharangan na nya iyon at nakatalikod na sya sakin. Binalewala ko nalang, mababaliw ako kakaisip. May mga bagay pa akong dapat mas isipin.

Bago ko isara ang pintuan ng kwarto nya, muli ko syang tiningnan. Basta isa lang ang alam ko..

.. di ko na hahayaang masaktan sya ng iba.

Unexpected ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon