Angella Lee's POV
Ilang araw na akong di nakakatulog simula nung hindi na ako masyadong pinapansin ni Miko. Simula yun nung first day ko sa school namin.
"Sorry Angella" niyakap nya ako na lalo kong ikinagulat. May kung ano akong nararamdaman sa dibdib ko. Tapos parang ang saya saya ko sa di ko malamang dahilan. Abno na yata ako huhu.
"Please, sundin mo nalang ako." Pagkatapos nun ay kumalas na agad sya at naglakad na uli pauwi kaya sumunod na uli ako.
Simula nung nangyari yun, di na kami gaanong nag uusap. Hindi nya kasi ako kinakausap kaya di ko na din sya kinakausap. Nagkakausap lang kami kapag kakain na. Di ko nga alam kung nag uusap pa ba kami sa lagay na yun e.
At simula din ng nangyaring yon ay di na mawala sakin ang mga mata ng mga estudyante. Maging ang mga kaklase ko ay madalas akong tinitingnan tapos ay magbubulungan. Hindi ko nalang nga iyon pinapansin e.
Halos isang linggo na ang nakaraan nung first day ko pero hanggang ngayon, di pa din kami gaanong nagkakausap ni Miko. Di ko kasi sya sinumod sa utos nyang wag na akong pumasok. Magtataka kasi si Tito kapag di ako pumasok. Tsaka babantayan ko pa si Miko dun sa tatlong lalaki diba? Tsaka kung nagbubulakbol sya. Hihi.
Heto ako ngayon at naghahanda ng pumasok. Nasa kusina ako at hinihintay si Miko na matapos gumayak para makapasok na kami. Habang nag iintay ako, biglang nagsalita si Tito Jimin sa tabi ko.
"Angella, may problema ba kayo ni Miko?" Tumingin ako sakanya at umiling saka ngumiti.
"Wala po Tito. Hehe. Medyo busy lang po kami sa school e." Hindi ko alam kung pang ilang beses na akong nagsisinungaling simula nung naging tao na ako.
Pero medyo busy na nga kami ngayon dahil kulang tatlong linggo nalang daw ay mag eexam na kami. Maayos naman ang pag aaral ko at nakakasunod naman ako sa mga mahihirap na subjects kaya alam kong di naman ako babagsak.
"Angella, kung may problema kayo, wag nyo sanang sarilihin. Nandito naman ako." Ngumiti nalang ako kay Tito Jimin at tumango na sinuklian din nya ng ngiti.
Di nagtagal ay lumabas na sa kwarto nya si Miko dala ang bag at dalawang libro. Puno na ba yung bag nya at di nya na nailagay yung dalawang libro?
"Appa aalis na kami" nag bow sya kaya nagbow na din ako kay Tito.
"Mag iingat kayo ha."
"Opo Tito. Babye po~" kumaway ako sakanya at sumunod na kay Miko.
Simula din ng nagkasagutan kami, lagi na akong nasa likod ni Miko pag naglalakad kami papuntang school at pauwi. Ewan ko ba pero mas gusto ko na nasa likod nya nalang. Para kasi akong aatakihin kapag nasa tabi ko sya e. Pero joke lang yun, parang lang naman.
Katulad lang din ng dati, di kami nag uusap kasi tuwing naglalakad kami, naka earphone agad si Miko kaya kahit magsalita ako, di naman nya ako madidinig. Nakasanayan nya na yan kahit nung nasa Korea pa sya. Hobby nya na yata e.
Pagkadating namin sa school ay deretso na agad kami sa locker room at kinuha ang gamit namin. Magkalapit lang kami ng locker dahil pang number 67 lang naman sya. Minsan pag nauuna ako, hinihintay ko pa sya bago kami pumuntang room.
Mas nauuna yung room ko sakanya dahil nasa pinakadulo ang room ng EXO tapos ang room naman namin ay nasa gitna. Sa isang floor kasi, may pitong rooms at nasa pang apat ang amin.
Nauna akong makuha ang gamit ko kaya inintay ko si Miko makakuha pero nagsalita agad sya.
"Mauna kana. May pupuntahan pa ako pagkatapos dito"
BINABASA MO ANG
Unexpected Things
RomansaHer only job is to protect a human in Earth. Saving and protecting it from harm. Helping it to decide correctly. Helping it to live as it grows older. After how many years, she saw how to live like a human. Their sacrifices to live longer. Sometimes...