Chapter 4

10K 274 9
                                    

"Oi wag ka namang mang iwan." wika ni Olla.

"Saan ka ba pupunta?" tanong nya.

"Sa bahay ng Alpha. Daily check up ngayon ng Luna kase hindi daw naging maganda ang pakiramdam nya nitong nakaraan" sagot nito.

"Ehhh?!! Eh anong binabagal bagal mo dyan! Bilisan mo nga lalampa lampa ka nanaman!" Hinila nya ang kwelyo nito at binuhat saka mabilis na tumakbo.

Ibinaba nya lang ito nang nasa tapat na sila ng kwarto ng Luna at Alpha.

Nagulat ang Alpha sa ginawa nya.

"Alpha oh si Maru! Binuhat nya ako na parang sako lang ng bigas"naiiyak na pagsumbong ni Olla sa Alpha

"Ang bagal mo kase eh check up pala ni Luna ngayon. Dali pasok" wika nya.

Tumawa ang Alpha" Wag masyadong rough Maru. Let's be gentle sometimes" wika nito.

"Yes Alpha. Anyway, heto po yung mga letters. Ipinapaabot po ni papa" wika nya.

Kinuha nito iyon. He tapped her on her head.

"I know what my son did to you. The Luna told me. Im sorry Maru. I don't know what happened to him. You know too, he's not like that before" wika nito.

"It's not your fault Alpha. It's his. It's ok. Atleast after what happened I learned something. I got stronger. Honestly, if I will have the chance, I will cut our mate bond. That way, ill get stronger without a mate" she said

"You dont love him? or need him?" tanong nito.

"I need someone who will love me. I don't need someone who will just hurt me" sagot nya.

Sakto namang lumabas si Olla"Ok lang ang luna. Na stress lang po"

Pumasok sya sa loob.

"Maru anak. Halika dito ka sa tabi ko" wika ng Luna.

Umupo sya sa tabi nito.Hinawakan nito ang kamay nya.

Magsasalita sana ito pero inunahan na nya.

"Kung tungkol po ita sa nangyari saamin ng anak nyo ay kalimutan nyo na po iyon. Tapos na iyon at wala na akong pake alam sa nakaraan"wika nya"Magpahinga na po kayo"

Ngumiti ito. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jane kasama si Jace. May dala si Jane na pagkain. Lugaw siguro.

Kumirot ang puso nya sa kanila pero pilit nyang iwinawaksi ang nararamdaman.

"Kumain na po kayo ma" wika ni Jane pero umismod lang ang Luna.

"Ma? Pinahintulutan ba kitang tawagin ako sa ganong paraan? Rumespeto ka" wika ng luna.

Nahalata agad nya ang inis sa mukha ni Jane.

What a disrespect. Ako nga hindi ko sya tinatawag na ganon.

"Ma kumain na po kayo. Si Jane pa po ang nagluto nyan" wika ni Jace.

Pumasok ang Alpha at si Olla saka tumayo sa tabi ng Luna para pakainin ito pero umayaw parin ang luna.

Pipilitin din sana nya ang luna na kumain nang makaamoy sya ng lason.Napaka hina ng amoy nito pero amoy na amoy nya. Agad syang tumayo ay kinuha ang lugaw sa tray na hawak ni Jane.

"Anong ginagawa mo?" inis tanong nito.

Inamoy nya ang lugaw at hindi nga sya nagkamali! May lason nga!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" galit na tanong mi Jace.

"Akin na nga yan-"

"May lason ang lugaw! Ipapakain mo ito sa Luna?!Ang lakas naman na loob mo!" galit na wika nya.

Goodbye AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon