Hindi agad sila bumalik sa loob. Sinulit muna nila ang oras na magkasama sila. They tour around the pack land at dahil doon, napansin nyang marami na palang nagbago. Mas lumaki ang hospital ng pack at syempre, nagka office na ang Miss gay ng pack.
"Aba! Akalain mo! May nakapasok na langgam dito sa office ko. Masabihan nga yung maglilinis mamaya!" pang aasar ni Olla.
"Tsss.... nangangati ka lang kase hibdi ka nag hilod" sumbat nya.
"Hoy! Kahit 10 times akong hindi maligo mas maganda parin ako kesa sayo!" pang aasar nito.
"Like duh! If I know, may todo diet dyan kase mabilis na lumalaki ang katawan" natatawang wika nya.
Tumili ang bakla sa sinabi nya. Matinding kontrol na kase ng pagkain ang ginagawa nito dahil lumalaki ang katawan nito.
"Heh! Manahimik ka! Ano bang ipinunta nyo dito? Hihingi kayo ng condom? Hay nako, wag na kayong-"
"Manahimik ka nga! Condom ka dyan! Tss" putol nya dito kahit namumula na sya.
"Hau nako Mirajane. Kung gagawin man namin yun, hindi na kami gagamit ng condom para mas masarap. Masaya kung damang dama-Aray!"
Hinampas nya si Jace. Halos umakyat na ang dugo nya sa ulo dahil sa sinabi nito.
"Isa ka pa! Dyan na nga kayo! agsama kayo che!" padabog syang umalis doon. Nakasimangot syang umalis ng hospital habang si Jace ay natatawang hinabol sya.
"Maru! San ka galing?! Hala! Ba't naka simangot ka?! Ang panget!" salubong sa kanya ni Shichi.
"Wala!" inis na sagot nya.
"Ok ka lang?" tanong ni Jonas.
Nakasimangot syang tumango.
"Ok daw eh hindi maipinta yung mukha oh" wika ni Reed
"Oh hija, nasaan si Jace? " tanong ng Luna.
"Narito ako ma" wika ni Jace na biglang sumulpot.
"Ano nanamn ba ang ginawa monkay Maru?!" mahina nitong hinampas sa balikat ng anak.
"Nilambing ko lang naman sya eh" wika nito.
"Heh! Lambingin mo mukha mo!" inis na wika nya habang ang mga kasamahan nya ay palitan ng tingin.
"Tama na yan. Gabi na mabuti pa ay kumain na tayo. Dito ka na kumain at matulog hija. Naipagpaalam ko na sa mama mo" wika ng luna.
"Huh? Dito? Matutulog? Ay susme baka gapangin ako nyan!" bulalas nya. Halos magtaasan na ang mga balahibo nya.
"Huh? Gapangi" tanong ni Shichi.
Natigilan sya.
Gosh ano nanam ba ang nasasabi nya???
"Ahhh...... w-Wala! May nabasa kase akong horror movie kanina. Naalala ko lang" palusot nya pero si Jace ay nakangiti naman ng nakakaloko.
Tong lalakeng to!
Syempre umupo sya sa malayo kay Jace. Nakasimangot lang ito nang makita ang inupuan nya.
Natuwa sya nang makitang nag eenjoy ang mga kasamahan nya. Nagugustuhan ng mga ito ang paraan ng pamumuhay nila sa pack.
"Aba! Ang sarap! Ummmm" masayang wika ni Shichi.
"Tss...para kumain lang ang ingay pa" pabulong na wika ni Saze.
"Hay nako! Atleast naaappreciate ko ying food. Parang hindi rin naman nasasarapan yung isa dyan eh punong puno yung plato" pang aasar ni Shichi.
BINABASA MO ANG
Goodbye Alpha
Hombres LoboThey were childhood friends and playmates until one day he left her for training and when he came back, he already found a new playmate and whats worst is, he is her mate. What if she will be the one who will leave this time and come back with nothi...