Chapter 8

10.1K 256 30
                                    

Unti unti nyang iminulat ang kanyang mga mata. Ang puting kisame at ang liwanag ng ilaw ang sumalubong sa kanya.

"Hay buti naman at gising ka na" wika ni Olla sa side. Hindi na ito naka damit pang girl.

"Anyare?" tanong nya.

"Anyare? Well, after mong I knock out si Jane at Jace eh nawalan ka lang naman ng malay" sagot nito"Grabe ha! Nakakatakot ka during the match. Wala ka yata sa sarili"

Napahawak sya sa ulo"Ugh! Ayoko ng maalala. Kumusta yung dalawa?"

"Well si Jane, nabendahan ang buong katawan. Parang mummy at hanggang ngayon ay wala paring malay kase naman sa mga natamo nyang sugat mula sayo. Si Jace, hindi naman ganon kalubha ang natamo nya. Knock out kase agad" sagot ng bakla

"Yung match" tanong pa nya.

"Abay syempre ikaw ang nanalo! Wala na silang laban sayo eh. Isa pa, wala yatang may lakas ng loob na kunin sayo ang tittle mo" namaywang ito.

Nagkibit balikat lang sya.

"And..... kung maayos na daw ng bonggang bongha ang lagay mo puntahan mo daw si Alpha. May ipapagawa daw sya sayo" dagdag ni Olla

Tumango lang sya.



"Alpha" aniya nang makita sya ng Alpha.

"Maru.Kumusta ka na?" tanong nito.

" Im Good. May ipapaipapaipapagawa daw po kayo sakin?" tanong nya.

"Ah oo meron.Gusto ko sanang I tour mo si Jace dito sa lugar natin. Alam mo na, para maoita nya ang mga araw araw na trabaho dito." sagot nito

Napa simangot sya"Alpha naman. Imposible naman na hindi pa nya nalibot ang lugar na ito"

"Maaaring nalibot na nya pero hindi pa nya nakita ang mga trabaho dito." paliwanag nito.

"Sa tagal na nya dito hindi pa ba po ba nya alam ang mga iyon? Ano bang pinag gagagawa nya?" tanong nya.

Sumimangot ang Alpha"Malaki talaga galit mo sa anak ko ano? Alam mo naman na may kasama syang umuwi dito at dahil doon ay wala na syang ibang inatupag. Sige hija. Pumayag ka na"

Bumuntong hininga sya" Sige na nga po. Asan po ba sya at nang masimulan na"

"Sandali lang" tumingin ito sa ikalawang palapag ng bahay"JACE! GET YOUR ASS DOWN HERE NOW!!"

Now he use his Alpha tone tsk!.

Mabilis naman na bumaba si Jace na parang magigiba na ang bahay.

"Bakit?!" inis na tanong nitp sa Alpha.

"Heto. Sumama ka kay Maru at ililibot ka nya dito. Makinig ka sa mga sasabihin nya. As the next Alpha you should know the house works in the pack. Hindi trabaho ng Alpha ang matulog oh mamuhay ng masarap. " utos ng Alpha.

Tumingin si Jace sa kanya" Sige po"

Woah! that was fast! Kala ko pa naman makikipag away pa ito sa Alpha.

Iniwan sila ng Alpha pero nakatingin parin si Jace sa kanya.

"What? " tanong nya.

"Tititigan mo rin ba ako o sisimulan mo na ang trabaho mo?" tanong nito pabalik.

Napasimangot sya"Fine. This way"

Pumunta sa North part ng pack.

"Alam mo naman na ang ilan sa mga narito kaya konti lang ang I eexplain ko sayo. Dito sa north part ng pack ay ang taniman.. May isang pack house dito para sa pagpapalitan ng damit, o di kaya para sa rest hpuse ng tanghali pagmagpapahinga sila. Dito rin kami nagluluto para sa snack at lunch para sa workers."

Goodbye AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon