isang anak ng businessman si lori ,
lumaki wala ang pamilya niya kasama lang niya sa mansion nila ang mga maid at bodyguards niya.
nag aaral sa Royale Queen University , kung saan siya ang reyna dito sa university na ito.
a bitch girl met her sexy a...
"punta ka sa may dula malapit sa falls. may isang park dun na pinangalan ko sayo. habang wala ako pinagawa ko para sayo yun. alam ko magugustuhan mo yun. pangbawi ko sa mga araw na nawala ako. siya unang dalihin mo dun. alam ko she 's the right girl for you kiera. sana magtuloy tuloy na ang kasiyahan mo."
yan ang binulong sakin ni ivory.
nilapitan ko si lori at hinawakan ang dalawang kamay niya.
"let's go?" tanong ko sakanya at di ko na inantay sagot niya at dumeretsyo ako sa tinuro ni ivory.
sobrang tago at mahigpit ayaw kami papasukin.
"I'm kiera, Ivory told me to go here." sabi ko sa dalawang guard na nakabantay dito. tinignan pa ko ng mabuti at tsaka kami pinapasok.
habang naglalakad kami hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.
"sino si ivory?" hindi mapigilan ni lori ang pagtatanong.
pero hindi ko siya sinagot hanggang makarating kami.
wow. sobrang romantic.
napangiti ako tinignan ko si lori at kitang kita sa mukha niya ang pagkamangha.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"wow" sabi niya at halatang nakanganga pa rin siya kaya umalis ako at binack hug ko siya.
"you like it? it's ours. gift ni ivory satin. at tayo palang ang unang nakapunta dito." sabi ko sakanya at sinandal ko ang baba ko sa balikat niya.
habang nakatingin kami sa lake. ang ganda ng mga lantern. ang romantic tignan.
"sino si ivory? bakit ba ang dami kong kahati sayo kiera. kelan ba kita masosolo. bakit ganun si zac. ok lang ba sakanila na pinagsasabay sabay mo sila?" tanong ni lori at di mapigilan di umiyak
"ivory is not one of them na iniisip mo. at si zac hindi rin siya ganun. lori ikaw lang diba sinabi ko naman sayo ikaw lang." pakukumbinsi ko kay lori
"ivory is the mother of lei. wife ni kuya kyle." walang gana kong sabi at hinigpitan ang yakap ko sakanya
ramdam ko nagulat siya
"a-ano?" sabi niya na di makapaniwala
natawa naman ako ng mahina.
"puro hinala kasi. diba sabi ko sayo magtiwala ka sakin. kung may nakakaalam ng lahat na nangyayari sa Altesse Familia ako yun lori." sabi ko sakanya at pinaghahalikan ang balikat niya.
medyo kumawala siya sa yakap ko at humarap sakin.
"sorry. nagselos ako nainis ako sa mga pinagsasabi ni lance at loriane kanina eh. alam ko naman yung totoo pero sobrang sweet niyo kasi kanina at si kerbie bakit nasabi niya maiinspire ka na ulit. pati kuya mo sumangayon dun." sabi ni lori