chapter 25

23K 604 27
                                    

KIERA P.O.V

tinawag ko si lori.

nag aalala ako sa malalaman niya.

"pwede niyo ba kaming iwanan." malamig na sabi ko sakanila at hindi inaalis ang tingin kay lori.

"sigurado ka ba diyan kiera?" tanong sakin ni kin

"ano ba gagawin mo sa pinsan ko? kung sasaktan mo siya kiera. tama na pwede! nag usap na tayo diba." sabi ni blair sakin.

oo nakapag usap na kami ni blair nung nasa Pilipinas.

nakita ko nagulat ang reaction ni lori.

"blair!!" sigaw niya sa pinsan niya

"kailangan ko mag explain sakanya." sabi ko sakanila

"as my order. iwanan na natin ang dalawa para makapag usap." sabi ni prince kyle

umalis na sila dito at natira kaming dalawa ni lori.

ramdam ko pareho kaming kinakabahan.

namimiss ko ang mga halik niya.
ang mga braso na yumayapos sakin.

"lori..." tawag ko ulit sakanya

nakatingin lang siya sa malayo.

lumapit ako at niyakap ko siya.

pero nagpumiglas siya.

sinubukan ko siyang halikan.

pero isang malakas na sampal ang binalik niya sakin.

ang sakit baka hindi na niya ko magawang mahalin.

"hahalikan mo ko! hahalikan mo ko kiera! may anak ka! may asawa ka! tapos mag kukunwari ka mahal mo ko!" galit na boses ang naririnig ko sakanya

"kilala mo ko lori. mahal kita at pinaramdam ko sayo yun. hindi mo ba ko kayang pagkatiwalaan? lori. i-ikaw lang ang minahal ko. sana hayaan mo ko pagkatiwalaan mo ko." sabi ko sakanya at di ko na napigilan hindi umiyak

"ano bang meron satin ha kiera? ano ba ang ginawa mo? iniwan mo ko! pinahiya! hinalikan mo ko sa maraminh estudyante. alam mo okay lang naman sakin yun eh! okay lang nahalikan mo ko sa maraming tao. pero yung iwanan mo ko! yung ako lang mag isa lumaban! yung ako lang mag isa humarap sa ginawa mo! yun ang hindi ko kaya! sabi mo mawawala ka lang ng ilang araw dahil may importante kang gagawin! hindi mo alam yung naramdaman ko pagkamiss sayo! tapos makikita kita masaya ka nakikipag laro sa anak mo. kasama si jyke! si JYKE NA SINASABI MONG BESTFRIEND MO LANG PERO AMA NG ANAK MO!!!!!" sigaw sakin ni lori

ramdam ko ang sakit na binigay ko sakanya.

"hayaan mo ko mag explain." sabi ko sakanya

"explain? ano ie-explain mo. nakita ko at narinig ko na. alam mo yung masakit. ginagawa mo kong patay na patay sayo." sabi niya sa akin

hindi ako umiimik. hindi naman yun ang intensyon ko sakanya

"gaya ng ginagawa mo dito sa Altesse Familia. gaya ng ginagawa mo sa mga Pamilya namin. at kay Prince Kyle at Prince Kin. kinukuha mo loob namin." pagpapatuloy niya.

"anong ibig mong sabihin lori?" naguguluhan kong tanong sakanya

"hindi ba? isa ka sa mababang uri ng antas ng maharlika. pero napaka special mo dito. nilapit mo ang loob mo sakanila. ayoko pag isipan kang spy dito at isa ka sa kalaban. pero kiera.
siguro nga kilala kita. gaya ng pagkuha mo sa loob ko nung nasa pilipinas tayo. pinagkatiwalaan kita. pinaikot mo ko sa palad mo. pero tama na. hindi ako kasi bobo ng mga tao nasa paligid mo!" ito na ata ang pinaka masakit na narinig ko.

My Bitch StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon