LORI P.O.V
pag gising ko may nakapa akong katabi ko.
kaya dumilat ako.
"good morning halfy." bati niya sakin habang nakapikit. at hinapit ulit ako ramdam ko bumalik siya sa pag tulog.
tinitignan ko lang siya.
paano niya nagagawa to.
magtago ng pagkatao niya.
kiera.
bakit ka ba ganyan?
"halfy let's go. may lakad pala tayo." sabi niya sakin at bigla bumangon.
halata sakanya ang antok pa at pamungay mungay na mata.
nag unat siya at humikab.
"ooooohhh sunshine." sabi niya hays ang ganda talaga nitong babaeng to.
"ok ka na ba?" bigla niyang tanong sakin
yumuko naman ako.
naalala ko na naman kahapon
"let's go sumunod ka na lang din sa dinning." hindi na niya inantay ang sagot ko at bumaba na siya.
kaya nag ayos muna ko.
at pagbaba ko nagulat ako.
"goodmorning anak." bati ni dad
tinignan ko naman si kiera. parang hindi rin naman niya alam na nandito sila.
"breakfast is ready. kumain na tayo." pag basag ni mom sa katahimikan
at pumunta na kami sa dinning.
kasabay ko si kiera maglakad.
"anong meron? bakit andito sila?" bulong ko kay kiera
"hindi ko rin alam nagulat lang ako pagbaba ko." sabi niya sakin
habang kumakain biglang nagtanong si abie
"dito ka rin ba nakatira kiera?" sabi niya at tumingin kay kiera
inubos muna niya ang kinakain niya
"ampon ako ni tito at tita. kaya parang anak na rin nila ko." sabi ni kiera kay abie
nagulat naman ang dalawa
"edi ibig sabihin. para na kayong magkapatid?" halos mabulunan si abie sa tanong ni ashleya
"parang ganun na nga." walang gana sagot ni kiera
ano na naman ba takbo ng isip nito si kiera.
"pero diba sa mababang antas ka. dahil ba inampon ka ni Mr. and Mrs. Lee kaya ka nag kaka access makisalamuha sa mga unang antas?" tanong naman ni ashleya
tumango naman si kiera.
nanlaki mata ni abie.
"so? teka alam mo na anak ni Mr. Lee si double L. pero hinalikan mo pa rin siya? ewww gross. step sister." iritang sabi ni abie
bigla naman natawa si kiera.
nagulat naman si mom and dad.
"ay sorry po tito at tita. nagulat lang po kasi ako." sabi ni abie
"ayan daldal mo kasi." sita ko naman sakanya
"pero teka wala na ba talagang feelings kayo sa isat isa? i mean sobrang complicated diba. may pamilya na tong si kiera. tapos halos magkapatid na rin pala kayo. ang pangit tignan kung mahal mo pa rin si kiera diba?" tanong ni ashleya

BINABASA MO ANG
My Bitch Student
Fantasyisang anak ng businessman si lori , lumaki wala ang pamilya niya kasama lang niya sa mansion nila ang mga maid at bodyguards niya. nag aaral sa Royale Queen University , kung saan siya ang reyna dito sa university na ito. a bitch girl met her sexy a...