chapter 21

26K 632 25
                                    

BLAIR P.O.V

pagkatapos ang birthday ng pinsan ko si double L.

nakita ko si Ms. kiera sa isang shop.

"Ms. kiera" bati ko sakanya

marami akong hindi alam sakanya.

at ayoko hayaan na saktan niya ang pinsan ko.

"oh hi blair." sabi naman niya sakin.

ayoko talaga dito sa babaeng to. may kakaiba sakanya eh

nakikita ko tumitingin tingin siya ng mga gamit.

"pwede ba kita makausap?" tanong ko sakanya

pumayag naman siya at pumunta kami sa isang coffee shop.

"ano ba dapat natin pag usapan blair? kung tungkol to sa RQU. nag resign na ko. ako na umiwas ng gulo." sabi niya sakin in cold voice

at humigop siya ng frappe niya.

"yes. isa yun sa pag uusapan natin. at yun tungkol sainyo ni double L. at ang pagkatao mo!" inis na sabi ko

nag smirk lang naman siya

see pangit nga ugali niya.

pinag tyagaan ko siya nun dahil kay tito.

hinayaan ko siya mag paka bossy.

pero hindi na ngayon. dahil hindi ko na siya hawak at wala na siya sa RQU.

"umiwas ka sa gulo? o nilagay ko si double L. sa gulo? pwede ba! kung gumaganti ka sa ginawa sayo ni double L. tama na! alam ko maraming ginawang pang bubully sayo yung pinsan ko. pero isipin mo naman ganun lang talaga siya. kahit sa ibang estudyante. at ikaw! sino ka ba talaga? bakit mo ginugulo buhay ng pinsan ko." sabi ko sakanya

"anak ka ni Mr. and Mrs. Tiu diba? bakit di mo tinanggap ang offer nila sumama sa states? bakit mas pinili mo dito sa Pilipinas?" balik na tanong sakin ni kiera

"sagutin mo tanong ko. bakit mo ginugulo si double L." tanong ko sakanya at hindi ko sinagot ang tanong niya

"hindi ko gusto saktan ang pinsan mo. may dahilan ng lahat ng yun blair. at alam kong alam mo yun. naririnig mo palagi kay Mr. and Mrs. Tiu kung gusto mo talaga malaman pagkatao ko. sumama ka sa states. pumayag ka sa offer ng parents mo. matalino ka blair. at kailangan ka nila." sabi niya sakin

"ayoko gumaya sa mga magulang ko. hindi mo ba alam? pinapabayaan niya kami. gaya ni tito at tita pinabayaan niya si double L. kaya hindi ako sasama sa states at papayag sakanila. yung pinsan ko naging kasama ko sa pag laki. at hindi ko hahayaan na masaktan si double L." sabi ko sakanya

nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

bakit? ano bang meron?

"blair. sumama na kayo ni lori sa states. pag graduate niya. kung mahal mo ang pinsan mo hayaan mo siya. kayo ayaw niyo ba makasama mga magulang niyo? blair. mahal ka nila. mahal nila Mr. and Mrs. Lee si lori. alam ko yun. dahil nandun ako. n-nandun ako sa mga araw ng kaarawan niyo pero hindi nila magawa makauwi. andun ako sa mga araw na graduation niyo pero wala silang magawa para samahan kayo. yung sakit na nararamdaman nila. nakita ko yun. hindi lang kayo ang nahihirapan." sabi niya na parang maiiyak

"sino ka ba talaga? bakit kilalang kilala mo ang mga magulang namin?" takang tanong ko sakanya

"mahal ko ang pinsan mo. pero natatakot ako blair. natatakot ako sa pwedeng mangyari. mahal ko si lori pero mas lalo lang siya masasaktan. ayoko siya idamay sa buhay ko. lumayo ako sakanya. kung may mga tanong ka. sa magulang mo itanong. hanggat nasa Pilipinas pa sila. mauuna ako babalik sa states. pero babalik ulit ako dito sa araw ng graduation ng pinsan mo. ayoko mawala sa mahalagang araw niya. wag ka mag alala hindi ako magpapakita sainyo. mag ingat kayo palagi. masaya ako nakipag usap sayo. take care. goodbye" sabi niya sakin at tumayo na palabas

My Bitch StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon