chapter 55 (they're back)

17.2K 357 19
                                    

LORI P.O.V

hindi ko alam kung saan nanggaling yung boses ko at napakanta ko.

pag balik namin ni kiera galing sa gubat hinatak na agad ako ni blair.

"nag alala ako sayo alam mo ba yun! dun ka sa kwarto ko matutulog mamaya!" halata sa boses niya ang galit

tahimik lang kami pagkatapos namin kumain at dumeretsyo na sa secret place.

di na ko nakapag paalam kay kiera dahil hinatak na ko ni blair.

pag dating namin sa room umupo agad siya.

"layuan mo na siya." wala sa mood na sinasabi sakin ni blair

"blair! alam mo di ko kaya! alam mo di ko yun pwede gawin." sabi ko sakanya at medyo napataas na rin ang boses ko

"napapahamak ka sakanya eh! kung alam ko lang na mangyayari to! at kung anong klaseng tao siya ilalayo na kita nuon palang." sabi niya sakin at nag umpisa umiyak na

"alam mo di ko pwede gawin yun, diba dapat nga natin siya pangalagaan? diba kilala mo na rin naman kung ano ang totoo sakanya, Queen of Altesse Familia siya, at hindi ako pwede mawala sa tabi niya, alam mo marami naghahanap sakanya para ipapatay siya diba?" sabi ko sakanya ng mahinahon at nilapitan siya

"yun nga eh! kaya pati ikaw napapahamak! naalala mo ba nung mga bata pa tayo? wala yung mga magulang natin lori! ikaw at ako ang magkasama nuon hanggang lumaki tayo, pinangako ko sayo na di kita papabayaan, ayoko ng dahil sakanya mapapahamak ka! ikaw na lang tinuturing kong pamilya. alam mo simula nung dumating tayo dito ang dami na ng bago! nag sisisi ako. sana, sana di na ko pumunta dito sana dun na lang ako sa RQU, mas tahimik buhay natin dun. bumalik na tayo, umastras na tayo dito." pagmamakaawa niya sakin habang umiiyak

oo tama siya marami na nagbago, mas lalo lumawak buhay namin, mas marami tao na involve sa mga buhay namin.

"cous. alam mo naman na nakapirma tayo sa contract diba? kaya nga nawalan ng time satin mga magulang natin dahil ganito rin sila, at ngayon tayo na ang nakakaranas. intindihin mo ang buhay na meron tayo dahil hindi tayo katulad nila, alam mo yun. nabibilang tayo sa pinakamataas na pamilya. please tama na, kasi buong mundo nakasalalay satin." sabi ko sakanya at niyakap siya

tahimik na lang kami at tumabi na lang ako matulog sakanya.

kinaumagahan walang nagsasalita, tahimik lang kami lahat. hindi ko na rin sinabi sakanila na nagtalo kami ni blair. at di ko muna kinakausap si kiera dahil galit pa rin sakanya pinsan ko ayoko siya pagbuntungan ni blair.

nag shopping lang kami para sa mga pasalubong namin sa Altesse Familia, napadaan kami sa isang dancing fountain simpleng tingin lang ang nagagawa ko kay kiera kahit gustong gusto ko na siya lapitan.

nagulat naman kami ng bigla nag heart shape yung tubig at nagkulay pula kaya lumingon ako sa paligid para hanapin si kiera pero di ko makita kaya naisip ko siya may gawa nun.

nung pag uwi namin dumeretsyo muna kami sa mga kwarto namin. gusto ko sana puntahan si kiera sa room namin pero hinatak na ko ni blair.

habang nag aayos kami ng mga maleta namin.

"pwede mo ba ingatan sarili mo?" bigla niya tanong sakin

"kung ano mangyayari kay kiera yun na rin ang mangyayari sakin. blair di mo ko mapipigilan sa pagmamahal ko kay kiera, oo siguro hindi pa kami sigurado sa isat isa hindi kami magkarelasyon, pero blair mahal ko siya. mahal ko si kiera" sabi ko sakanya

My Bitch StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon