chapter 58(water)

16.9K 340 28
                                    

KIERA P.O.V

pag ka gising ko agad ako umalis at dumeretsyo sa sarili kong bahay.

humiga ako sa isa kong kama kung saan ako na s-stress.

iniisip ko kung ano na nangyayari kay lori, baka sinasaktan siya.

hindi ko na alam ano gagawin ko nakakaparanoid pala.

maghahapon na pero hindi pa rin nagtetext sakin si lori.

habang nagluluto ako ng pagkain ko tumunog phone ko.

kaso si zac lang pala di niya ko ma trace.

kumain lang ako saglit at umalis na rin sa bahay ko. hindi niya talaga ko ma tratrace dito dahil inayos ko na lahat ng technology dito sa bahay ko at nakahack ang lahat kaya walang may makakaalam nito.

nakipagkita ako kay zac sa isang mall dito.

"saan ka ba nanggagaling ha? pag gising ko wala ka na tapos di pa kita ma trace." sabi niya sakin ng magkita kami

"pwede ba ibili mo muna ko ng ice cream?" sabi ko sakanya

yun ang hindi nila alam. mahilig ako sa ice cream kapag malungkot ako.

"para ka naman bata niyan? tara na nga." sabi ni zac siguro nabasa niya rin nasa isipan ko.

nasa isang ice cream shop kami.

"ano bang problema? bakit di kita mahanap kanina? kiera ayos ka lang ba?" tanong niya sakin

tinignan ko siya

"sa totoo lang ang dami kong iniisip. zac ang dami na pangyayari hindi ko na alam. hindi ko alam kung kakayanin ko pa." malungkot kong sabi sakanya

at niyakap naman niya ko para pagaanin loob ko pero nagulat ako ng may pumasok sa shop.

sila lance, loriane, icy at Lori.

bumitaw agad ako bago pa makita ako ni lori pero huli na dahil napalingon siya sa side namin ayoko siya mag isip ng masama o mag selos.

lumapit naman sila samin.

"how sweet couple ang makikita namin dito." pang aasar ni lance.

tinignan ko si lori pero di ito tumitingin sakin.

nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ni icy

"order na tayo baby." sabi ni lori kay icy

nagulat naman kami pareho ni zac.

"anong kalokohan to lori?" napatayo si zac sa upuan niya

tinignan naman siya ni lori

"walang kalokohan dito zac. alagaan mo na lang si kiera para sumaya ka rin." sabi niya at umalis na sila ni Icy

sumunod naman si lance at loriane

"anong nangyari kay lori?" halos di makapaniwala sabi ni zac

"hayaan mo na. baka siguro may dahilan siya, baka kumukha siya ng pwedeng ebidensya kaya Icy kaya ginagamit niya pagkagusto kay Icy diba? sabi nila kahapon gusto siya ni Icy? kilala ko si lori, Zac. may tiwala ako sakanya." sabi ko sakanya kahit nasasaktan ako nilingon ko sila ni Icy na nasa counter umoorder at masaya nagtatawanan.

alam ko may dahilan si lori. siguro may natuklasan lang siya.

"di ako makatagal dito kiera. tara na" sabi ni zac at hinatak na ko palabas

My Bitch StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon