Fairy Tale 2 : New School

76 4 2
                                    

Ethan's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko.Iniisip ko pa rin yung nangyari kahapon.Kahit mayrong masamang nangyari,swerte rin ako kasi may naging kaibigan na ako.

Ang ganda pala talaga ni Ellaine,parang siyang anghel.At sobrang bait pa niya sa akin.Nalaman ko pilipino rin pala siya pareho pala kami....

Sana magkita ulit kami...

[Fast Forward]

Ellaine's POV

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko.Tiningnan ko naman ito.6:00 a.m. pa.Ang aga pa naman,matutulog muna ako.

Tsaka wala naman akong gagawin ngayon diba?Bakit pakiramdam ko meron?

Anong araw pala ngayon?
Kahapon,Sunday so ngayon Monday.

Monday hmmmm.Ano nga palang mangyayari ngayong araw?

Ahhh,first day ko nga pala sa school ngayon.

Good night!!!

Hmmmm...

"Chandria gising na!!!First day mo ngayon sa bago mong school!"-yaya

Nagising naman ako dahil doon.

"Gising na po ako yaya!!!"-ako

Tumayo na ako para buksan ang bintana ng kwarto ko.

"Good morning world!!!!"sabi ko.

Naligo na ako at nagbihis na.Inayos ko na rin ang mga gamit ko.

"Tapos na ako"masaya kong sabi at bumaba na rin para kumain.

"Good morning yaya!Nasaan po sila mommy?"sabi ko

"Good morning rin Chandria.Umalis pala ng maaga ang mga magulang mo"sabi ni yaya

Nawala naman ang ngiti ko.Haay!Lagi nalang ganito.

"Aaahh,excited ka na ba iha para mamaya?"-yaya

"Ah,opo excited na po ako"Sabi ko

Pagkatapos naming kumain,dumiretso na kami sa school ko.

Sabi ni yaya malapit na raw kami. 'di kalayuan may nakita na akong isang paaralan,iyon na siguro ang school na papasukan ko.Nung nasa tapat na kami,binasa ko na ang pangalan ng school.

"Sky International Academy"bulong ko.Ang ganda ng pangalan ng school na ito.

Bumaba na kami ni yaya sa kotse.Wow ang ganda talaga dito.At tsaka marami ang mga tao na nandito,sana marami akong magiging kaibigan dito.

"Chandria pumunta muna tayo sa principal's office"-yaya

"Sige po!"-ako

Naglakad na rin kami ni yaya sa principal's office.Pagkarating namin,kumatok si yaya.Pinagbuksan naman kami ng isang magandang babae.

Si Ma'am Lea Gonzaga ang pricipal ng school na ito.
Kinuha lang namin ni yaya ang schedule ko,nakalagay na rin doon kung saan ang room ko.

Pagkalabas namin,dumiretso agad kami ni yaya.After 3 minutes nakarating na rin kami.

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako,first time ko kasi eh.Home-schooled kasi ako dati.

Umalis na din si yaya.Sabi niya susunduin daw niya ako kapag uwian na.Pagka alis ni yaya pumasok na rin ako.

Halos lahat ng upuan ay may nakaupo na maliban na lang sa upuan na nasa likod.Doon na lang ako umupo.

Tumingin naman ako sa katabi ko,lalaki siya at nagbabasa.Ewan ko ang gaan ng loob ko sa kanya
At pamilyar din siya sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at inaliw ang sarili ko.Pagkaraan ng ilang minuto dumating na rin ang teacher naming.

"Good morning class!!"-teacher

"Good morning ma'am Corinne"-classmates ko

So ma'am Corinne pala ang pangalan ng teacher naming.Ang ganda rin ni ma'am Corinne.Siguro lahat ng tao dito sa San Francisco magaganda at gwapo.

"Class,by the way you have a new classmate,Chandria please introduce yourself."-ma'am

Tumayo na ako at nagpakilala.

"Hi!I'm Alyssa Chandria Ellaine Smith.Pls. be nice to me"sabi ko at umupo na.

"Thank you Chandria!!I am Corinne Fortalejo your adviser for this school year"-ma'am
"Class, please introduce yourself to Chandria."ma'am

Tumayo naman sila at isa isang nagpakilala.Pero isa lang talaga ang nakakuha ng atensyon ko,tumayo yung katabi ko at nakita ko ang mukha na gusto ko ulit makita.Ang kauna-unahang kaibigan ko.

"Hi!Ellaine,I'm Ethan!Nice to meet you again!"sabi niya habang nakangiti.Nagulat talaga ako kasi sa dinami-daming paaralan dito sa San Francisco,pareho pa kami ng school.Ang swerte ko naman.

Pagkatapos nun,nagsimula nang mag-discuss si ma'am.....

My Perfect Fairytale {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon