(Flashback)
Ellaine's POV
Pagkadating ko sa school, hinanap ko kaagad si Ethan para batiin ng Happy Birthday! Handa na ang binake kong cake para sa kanya. Excited na ako at syempre kinakabahan din kasi baka hindi niya magustuhan yun.
Nung nakita ko siya, tumakbo kaagad ako palapit.
"Ellaine / Ethan" sabay naming sabi
"Happy Birthday!!!"sabay na naman naming sabi.
"Pumunta ka sa park mamaya pagkatapos ng klase ha!" pagkatapos nun sabay din kaming tumawa.
"Hahahahahah"
===============
(Fast Forward)=Park=
Today's the day!! Dala dala ko na ngayon yung cake na gawa ko. Medyo mabigat siya kaya nilagay ko muna siya sa isang bench at umupo ako katabi nun.
Wala akong kasama ngayon. Hinatid lang ako saglit ni yaya papunta rito at umalis na rin siya pagkatapos kasi may gagawin pa raw siya.
Ang tagal naman ni Ethan! Asan na kaya yon ngayon at bakit wala pa siya ri---
"Ellaine!!"
Lumingon ako kung nasan nanggaling ang boses. Si Ethan lang pala. Mabuti naman at dumating na siya kundi magagalit ako. Maikli pa naman pasensya ko. Hhahaha
"Ethan!"sabi ko at kumaway.
Lumapit naman siya sakin. Pagkalapit niya binati ko kaagad siya.
"Happy Birthday!"
"Happy Birthday din!" sagot niya.
Pagkatapos namin magbatian ay umupo na rin kaming dalawa.
"Ellaine. May ibibigay pala ako sayo" sabi niya at kinuha ang ewan ko kung ano sa bulsa niya. Nakita ko naman ang isang super cute na box sa mga kamay niya.
"Eto oh!" sabi niya.
Yiiiiieeee. Anu kaya ang laman nito. Grabe kahit ang lalagyan pa lang eh ang saya saya ko na. "Thank you" sabi ko at niyakap siya.
Wala na akong sinayang na oras at agad ko itong binuksan. Nakita ko ang isang napakagandang necklace sa loob. Ang pendant niya ay isang broken heart na may nakasulat sa harapan na pangalan ko "Ellaine" at sa likod naman eh ang birthday ko.
Ang ganda!!!!"Isa yang friendship necklace. Actually dalawa yan. Isa sa iyo at isa naman sakin. Eto oh!"sabi niya at pinakita sakin yung sakanya. Pareho lang ang design nung akin sa kanya ng pendant. Ang kaibahan lang eh Ethan ang nakalagay sa harapan ng pendant ng nacklace niya.
"This necklace symbolizes our friendship. Na kahit anong mangyari ay we are best friends and that will never ever change"
Grabe naman ang speech ni Ethan. Parang maiiyak nako. *sniff*"Ano yan?" sabi niya at tinuro ang box ng cake na dala ko.
"A-ah eh. Wala lang yan. Hehe . Huwag mo na lang pansinin" nahihiya kong sabi. Namen kasi eh! Sobrang ganda ng gift niya sa akin samantalang yung akin eh ang simple lang. Plus hindi ko rin alam kung masarap ba. First time ko mag bake eh. Huhuhu
"Ang daya mo naman Ellaine! Sige na!! Bubuksan ko na ha"sabi niya at dahan dahang binuksan ang box.
Huhuhu. Pikachu, ikaw na ang bahala.
Sa totoo lang kinakabahan talaga ako ngayon. Kasi baka baka hindi niya magustu--
"Wow! Cake! Paborito ko! Salamat Ellaine!!" sabi niya habang kumikinang ang mga mata niya habang ako heto nakanganga at hindi makapaniwala. Nagustuhan niya talaga?! Weh di nga?!
BINABASA MO ANG
My Perfect Fairytale {On Going}
Teen FictionBata pa lang sina Ellaine at Ethan ay pinagtagpo na sila ng tadhana. Pero sa kasamaang palad,nagkahiwalay sila sa hindi inaasahang pangyayari. Nagkatagpo naman sila ulit pero iba na ang sitwasyon, hindi na nila naalala ang isa't isa. Magiging simple...