Hello sa inyo! I'm finally back. I'm so sorry for the late update, di bale hinabaan ko ito hahhahaha. I hope na sana magustuhan niyo ito :)
Enjoy reading (^_^)v
And Merry Christmas!!!!!!
******
Ellaine's POV"Aray! Ang Sakit!" pasigaw kong sabi habang hawak hawak ang ulo ko. Halos mapaiyak na ako sa sakit. Para bang may bumibiyak sa ulo ko. Napaupo na lang ako sa sakit. Wala akong pakialam kung madumihan ako. Ang alam ko lang ngayon ay nahihirapan na ako. Tulong!
"Ayun! Headshot!" narinig kong sigaw sa likod. Hanggang ngayon iniinda ko pa rin yung sakit ng ulo ko.
Pero, teka parang alam ko kung kaninong boses yun ah!Bago pa man ako makatalikod eh may lumapit na sa akin para umalalay. At before I knew it, namumula na pala ako ngayon. Bakit palagi na lang? Walang pahinga?
Dahan dahang hinawakan ni Jasper ang mukha ko. Nakikita ko naman ng malapit ang mukha niya. Why so serious? Pero halata ring may halong pag-aalala ang mga mata niya. Pinunasan niya rin ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.
"Ssshh. Huwag ka nang umiyak Chiara" sabi niya ng malumanay.
Gusto kong sundin siya pero wala eh automatic lang na bumubuhos luha ko. Ewan ko lang din kung bakit. Alam kong naheadshot ako pero bakit ang tagal mawala ng sakit?"Huy! Tumigil kayong dalawa diyan. Ang dami na ng langgam dito oh" rinig kong reklamo ni Steph.
"Bitter ka lang , Steph" ani Kim.
"Ako? Bitter? Naririnig mo ba sarili mo Kim? Baka ikaw?" angal ni Steph.
Inalalayan na ako ni Jasper hanggang sa makatayo ako at makalakad patungo sa pinakamalapit na bench. Tinulungan na rin ako ni Liam pero ang dalawang magaganda kong mga kaibigan nandun sa ibaba ng puna na medyo malayo sa aming tatlo, nagbabangayan. Kesho daw bitter daw si Steph o kaya'y si Kim. Ewan ko sa dalawa mas may topak pa sakin.
Napagdesisyonan ko na rin na tumigil na sa pag-iyak dahil wala naman akong mapapala run at mastrestress pa beauty ko. Hahhaha
Isipin niyo na lang may beauty ako. Haha para masaya.
Napansin ko naman ang isang sapatos doon sa kinalalalagyan ko kanina. So, naheadshot ako ng isang sapatos? At sino naman kaya ang walang hiyang nagbato nito?! Imposible naman kung si Jasper o kaya'y si Liam yun. Sooo...
"Kayong dalawa!!! Lumapit kayo dito!!!" pasigaw kong sabi
Nakita ko namang nagsimula nang maglakad ang dalawa palapit. Pero ang mga magaganda parang aabutin pa ng limang taon bago makalapit grabe. Tinalo pa ako sa slowest person in the world award.
"Sino ang nagbato ng sapatos na iyan?!" ma-awtoridad kong sabi.
Sabay silang umiwas ng tingin sa akin. Aba aba! Obvious masyado ang dalawa.
"Ewan. Tanong mo diyan oh" sabi ni Kim habang umiiling. Umaandar na anaman pagiging masungit neto. Hayaan na lang baka meron lang haha.
Binalingan ko naman ng tingin si Steph. "Hindi ako si Cinderella ok! So please." Angal niya. Aba't ang ! May pa Cinderella Cinderella pa eh hindi naman bagay.
Sasagot pa sana ako ng biglang "Ok ka na?"concern na tanong sakin ni Jasper. Yiiiieeee now I smell something fishy . Sweet yata siya ngayon? Is it just me or ? Anu ba yan! Napapaenglish ako ng wala sa oras.
"Oo" sabi ko at ngumiti ng pagkatamis tamis para mawala na ang pag-aalala niya.
Napansin ko lang medyo tahimik si Liam sa tabi ko ngayon. This is you know . You know that that. This is something that never happens every time. Yeah that! So whew! Ge titigil na ako. Alam niyo naman na I'm not an englishist. Pagpasensyahan na.
BINABASA MO ANG
My Perfect Fairytale {On Going}
Teen FictionBata pa lang sina Ellaine at Ethan ay pinagtagpo na sila ng tadhana. Pero sa kasamaang palad,nagkahiwalay sila sa hindi inaasahang pangyayari. Nagkatagpo naman sila ulit pero iba na ang sitwasyon, hindi na nila naalala ang isa't isa. Magiging simple...