Fairy Tale 5 : A New Beggining

85 3 2
                                    

Ellaine's POV

"Anak! Gising na baka ma-late ka sa trabaho mo!"sabi ng nanay ko.

"Opo nay, gising na po ako!"

"Good morning Philippines!!!"sabi ko habang binubuksan ang bintana ng kwarto ko.

Hello!!! Ako nga pala si Chiara Ellaine Sanchez. Chiara for short.17 yrs old.
Nice to meet you!!!

Anong oras na ba?

Aaahhhh, 7:30 pa pala. 8:00 pa naman ang oras ng trabaho ko eh. May 30 min. pa naman ako...

"Aishh Chiara, FYI may 10 minuto ka na lang para makapaghanda. Nakalimutan mo na ba na mga 20 minuto ang byahe papunta doon..Lagot ka!"sabi ng maliit na boses sa isip ko...

Oo nga pala noh!Lagot ako nito.makaligo na nga

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sa wakas natapos din.. Hindi ko na nga alam kung anong klaseng ligo ang ginawa ko eh.. Basta ang mahalaga tapos na ako...

Bigla namang tumunog ang tiyan ko.Sa totoo lang gutom na gutom na ako."Pero mas mahalaga ang pera kaysa sayo. Mamaya na lang tayo kakain ha"sabi ko nalang sa tiyan ko...

"Nay, Tay alis na po ako"sabi ko at nagmano sa kanila.

"Hindi ka na ba kakain anak?"-nanay

"Hindi na po,baka ma-late pa ako at mabawasan pa ang sweldo ko po"-ako

"Sige na nga, mag ingat ka papunta doon anak ha"-tatay

"Sige po"-ako

Nagmadali naman akong pumunta sa sakayan ng jeep.Pagkadating ko agad naman akong sumakay.

Nagtataka ba kayo kung bakit ako may trabaho? Simple lang, working student kasi ako. Nagtratrabaho ako para makatulong din sa mga gastusin. Tumigil na kasi sa pagiging OFW si nanay. Mas mabuti na rin iyon para makasama ko siya palagi.. (^_^)

Gusto ko rin makabawi sa kanila. Kasi minahal at inaalagaan nila ako kahit ampon lang ako...

Nga pala nagtratrabaho ako sa isang coffee shop. Kapag tapos na ang klase ko dumidiretso ako doon para magtrabaho. Kapag Saturday din nandito ako buong araw. Kapag tapos na ang shift ko pumupunta naman ako sa isa Kong trabaho...

"Good morning manong guard"masayang bati ko.

"Good morning din iha"-manong guard

Nagbihis na din ako sa loob. Pagkatapos nagsimula na akong maglinis... Isa akong waitress dito. Nag-eenjoy din naman ako dito kahit papaano.

Mabilis lang lumipas ang oras. Medyo madami na rin kaming customers, kaya medyo naging busy na rin ako.

"Chiara paki-serve naman ito sa table 2"-Ate Aira

"Sige po"

Dinala ko naman iyon sa table 2.Isang lalaki ang nandoon. Eh bakit kaya pang dalawahan ang inorder niya? Siguro may hinihintay.

My Perfect Fairytale {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon