Fairy Tale 6 : Best Friends for Life

70 3 2
                                    

Ellaine's POV

"Ate, alis na po ako" paalam ko.

"Sige Chiara, mag-ingat ka"sabi ni ate.

"Sige po!"sagot ko at umalis.

Pumara naman kaagad ako ng jeep at sumakay. Hindi ko kasi afford ang taxi eh.Tipid tipid din pag may time.

Kung minamalas nga naman, pinatagpo pa kami ng tadhana.Ang pinakamamahal kong traffic, ang swerte ko ngayon noh. Malelate na naman ako sa trabaho...

Haay!!! Buhay parang life.........

.
.
.
.
.

Pagkatapos ng 12345678901234567890 years, sa wakas nakarating na rin ako... Sana hindi pa huli ang lahat...
Anu ba yan!! Ang OA ko.. Wahahahaha.....

Naabutan ko naman doon ang napakaganda kong best friend..
Aba first time to ah!! Una siyang nakarating.

"Totoo ba talaga itong nakikita ko??!!"sabi ko

"Grabe ka kung maka react. Nakakita ka lang naman ng dyosa noh!"mataray niyang sabi.

"Weh, talaga?Sure ka bang dyosa ang nakita ko? Di ko yata napansin."

"Sure na sure. 100% sure pa"sabi niya

Ngumiti naman ako."Multo pa siguro, pwede pa"pabulong kong sabi pero sigurado akong narinig niya yun.

"Grabe ka naman Chiara!Ang sama mo"sabi niya at nag-aarte na na-iiyak na siya.Si Steph talaga!

Nagmamaktol naman siyang pumasok sa loob. Ang cute tingnan ni Steph.para siyang bata.Sumunod na lang ako sa loob at naghanda na. Sasabihin ko lang kasi sana na "Mayron talagang himala,anong nakain mo at hindi ka na-late ngayon?",yun lang naman kasi talaga ang sasabihin ko kaso iba naman ang nangyari.Nagtatampo tuloy siya sakin.

"Steph"

"Steph!"

"Steph!!!"

Pangatlong tawag ko na yun sakanya pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Lumayo tuloy siya lalo sakin.Bigla namang
bumukas ang pinto.Akala ko kung sino na ang dumating. Sila lang pala. Muntik ko na palang makalimutan nagtatampo pala si Steph sakin.Lumapit naman ako sakanya.

"Ste--"hindi ko natapos yung sinasabi ko nang bigla siyang nagsalita.

"CR muna ako"cold niyang sabi.

My Perfect Fairytale {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon