Fairy Tale 22 : With you

28 2 2
                                    

Ellaine's POV

"Ah! Alam ko na! Halika Ethan!" sabi ko at hinila so Ethan patungo sa pupuntahan namin.

Napansin ko lang eh matangkad pala tong nag mamay ari ng kamay na hinahawakan ko ngayon. Grabe ang hirap ireach. Wooh! Nakakainis din naman kasi! Hindi na tumatalab sakin yung cherifer. Sadlayf!

Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina sa likod. May nakakatawa ba?
Baliw din yata to.

"San mo ko dadalhin?" tanong niya.

"Hindi ba obvious?! Dadalhin kita sa king palasyo , dadalhin hanggang langit" sagot ko

Hahahha dejk lang baka kung sinabi ko yun masapak ako ni Ethan. Naiisip ko pa lang yun kinakabahan na ako. Waah! Sana hindi yun mangyari..

"Ellaine?" sabi niya. Ngayon ko lang napansin na huminto na pala ako. Nakakahiya naman! Chiara naman oh!

Pero wait. Are you hearing what I'm hearing? Tinawag niya akong Ellaine?
Chiara naman ang first name ko, pero ba't Ellaine? Hindi pwede yun illegal yan!

Automatic naman akong naging histerical dito. Hindi na ako napakali. Hindi ako maka move on. Ang bilis pa rin ng tibok mg puso ko. Pakiramdam ko rin nanlalamig na ako.

Tumambad naman sa akin ang taong dahilan ng pagiging histerical ko ngayon. Kitang kita sa mga mata niya ang pag aalala.

"Huy! Ellaine! Ok ka lang ba? Anong nangyari sayo? May nagawa ba ako? O may nasabi? Huy ba't ka nanginginig"

Gusto ko siyang sagutin pero hindi ko magawa. Hindi ko rin alam kung bakit? Ewan ewan ewan!

Siya ang kauna unahang tumawag sa akin ng pangalang yun magmula nung bata pa ako. Ang babaw lang ng rason ko pero wala akong magawa. May kakaibang epekto sakin ang pangalang yan.

I hate that name so much. Super. Oh diba! Halatang halata kasi nag eenglish na ako.

Just! Hay! I hate everything about my past. I don't know why. I just plainly hate it. Ang kaisa isang mayroon ako sa past ko ay yung kwintas na suot suot ko noon. Nakalagay dun yung pangalan ko raw which is Ellaine.

Ilang beses ko na ring naranasan ito. Kapag may tumatawag sakin nun eh bigla na lamang akong nagkakaganito. Maybe dahil sa trauma?

Sure, I hate my past pero may part rin sakin na gusto malaman lahat about sa past ko. Ironic right? Magulo buhay ko gaya lang ng buhok ni Steph.

Mas lalong bumilis ang paghinga ko pati na rin ang heartbeat ko ng biglang kargahin ako ni Ethan. I didn't saw this coming. Whew!

Mabilis ang paglakad niya ngayon pero walang makakatalo sa bilis ng tibok ng puso ko. Corny pakinggan pero yun yung totoo. Hindi niyo naman ako masisisi kung kayo nga nasa posisyon ko, anong magiging reaksyon niyo?

Pakiramdam ko rin ngayon ang pula pula ko na. Halos lahat ng dugo ko sa kataean pumunta na sa mukha ko. Waah! Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Oo alam ko at alam niyong gusto kong sumikat pero hindi naman sa ganitong paraan. Na may ka love team na agad. Haha assumera talaga ako noh?

Sa ngayon medyo kumalma na ako. Salamat naman kung ganon. Napabugtong hininga na lamang ako. Makakababa na ako Whew!

Hindi masyadong mabilis ang paghinga ko pero lumalalim nga lang.
Nang tiningnan ko naman si Ethan, seryoso ang mukha niya pero kahit ganon alam kong concern siya. Alam niyo na, assuming kasi ako.

My Perfect Fairytale {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon