Ellaine's POV
"Hmmmm" bulong ko habang hinihintay na magplay yung dinownload ko na kdrama episode kahapon. Sayang at hindi ko ito napanood kahapon. Mas maraming oras sana ako ngayon para matulog. Inaantok ako.
"Omo! "ani ng kaklase ko na nasa harapan. Marami rami kaming mahilig sa kpop dito. Well,that's what I think.
Unti-unting umiiba ang nasa screen ng cellphone ko. Sa wakas naman. Medyo may pagkaluma na kasi tong cellphone ko. Wala naman akong magawa o mabiling bago, kapos tayo eh.
Nanginginig ang kamay ni Cheong habang hinahawakan ang kamay ni Ma Dae Young. Nakikita na rin niya ang ala-ala ni Ma Dae Young habang pilit niya itong mawala sa memorya nito.
Legend of the blue sea nga ang pinapanood ko. Nung isang buwan pa ako nanonood nito. Naenganyo akong manood dahil sa kaibigan ko nung elementary. Nung nag-chat kami, sinabi niya sa akin na manood nito kasi maganda raw. Hindi ako nabigo roon.
Sobrang ganda ng kwento nila. Ang galing din ng mga artista. Walang episode na hindi ako tumatawa, umiiyak, o hindi kaya'y tumili dahil sa kilig. Kasi naman ang sweet nila. Yiiieeee..
Hinayaan ko ang sarili kong manood at hindi magpapaistorbo sa mga nandito sa room. Konti lang kami rito. Mga sampu? Hindi ko alam. Busy ako. Hahah
Everything went smoothly. "Omo omo omo!" Sabi ko. Mas malala pa yata ako sa kaklase ko.
"Ano yan?"tanong ng kung sino mang nasa tabi ko. Nasa scene na ako na papunta na si Joon Jae sa kanyang tatay. Nagbabanta nang tumulo ang luha ko . Mabilis ang pagtibok ng puso ko ngayon. Dahil sa drama o ano?
May lumapit sa akin, at ayon sa peripheral vision ko ay mga isang centimeter na lang siguro ang agwat ng pisngi namin. Wala akong sapat na lakas para lumingon. Mahirap na. Marami akong napanood na ganito. Oh my!
Huminga ako ng malalim, kasali na rin ng pag-amoy ko sa paligid. Masasabi kong ang bango ng katabi ko. Pamilyar ang scent niya.
"Legend of the blue sea, Ellaine?" Ani niya. Without even looking, nahulaan ko na kung sino ito. Isang tao lang naman ang tumatawag sakin nun. I hate it. Nandito pa yung weird na feeling. Ugh!
Dahan dahan siyang lumayo sakin at umayos ng upo. "Uhmm oo" sagot ko ng may kasamang ngiti. May tumulong luha sa pisngi ko , dahil na siguro yun sa pagpikit ko nung ngumiti ako. Nadala lang ako sa pinanood ko. At may nagflashback din sa isip ko. Hindi ko alam kung matatawag ba talaga yung flashback kasi blurred siya maski sa isip ko. At hindi ako sigurado kung may kinalaman ba ako doon.
***********
"Hindi ka pa ba tapos sa pinapanood mo , Ellaine? Kailangan na nating umuwi. Baka nandoon na sa labas si Yaya, naghihintay. Pwede naman siguro iyang ipabukas"patuloy na satsat ng lalaking nasa tabi ko."Sandali lang! Nasa climax na ako"inis kong sagot.
"Ano nga ba yan?"sabi niya at inilapit ang kanyang sarili sa akin.
"Ellaine low batt na yan. Pahihiramin na lang kita niyan bukas. Halika na, Ellaine" sabi niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa panunuod.
Maya maya'y biglang may lumabas na notification. Ang nakalagay, Shutting down. Waaahh!!! Hindi pa ako tapos!!
"Sabi ko naman sayo, Ellaine" sabi niya at kinuha mula sa akin ang cellphone.
Lumalalim na lumalalim na ang paghinga ko. Hindi pa ako tapos sa pinapanood ko. Gusto kong. G-gusto k-kong...
"Uwaah! Ethan, hindi pa ako tapos nun eh. Ethan!"pasigaw kong sabi habang tumutulo ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
My Perfect Fairytale {On Going}
Teen FictionBata pa lang sina Ellaine at Ethan ay pinagtagpo na sila ng tadhana. Pero sa kasamaang palad,nagkahiwalay sila sa hindi inaasahang pangyayari. Nagkatagpo naman sila ulit pero iba na ang sitwasyon, hindi na nila naalala ang isa't isa. Magiging simple...