Ethan's POV
Nasaan na kaya yung bag ko?Sa pagkaalala ko nandito lang yun kanina eh.Nagiging makakalimutin na naman ako. Kainis!Siguradong papunta na dito si Matthew.
Wala naman sa kama ko,wala rin naman sa closet ko,wala rin sa mini-library,lalong wala naman yun sa cr.Baka sa table nandun.
Pinuntahan ko naman kaagad,at ayun nandun nga ang backpack ko.Tiningnan ko na rin ang loob nito baka may nakalimutan ako,pero wala naman nandoon na lahat.
"Charles!!!Nandito na si Matthew!!!"
sigaw na naman ni ate. Araw-araw na talaga sumisigaw si ate,hindi na siya nauubusan ng boses."Pababa na!!!"sigaw ko pabalik.
Nakita ko naman dun ang panget kong best friend. Hahahaha. (^_^)V
"Sige,ingat kayo"paalam ni ate at tumango lang naman kami ni Matthew.
Sasabay lang ako ngayon kay Matthew,para makatipid din. Pupunta kasi kami ngayon ni Matthew sa Infinity High. Ngayon kasi ang entrance exam ng Infinity High. Every year may entrance exam doon kahit doon ka na nag-aaral kaya fair sa lahat.
"Hindi ka yata naka-glasses ngayon Charles,Bakit?May pinopormahan ka noh?"malokong sabi ni Matthew.
"Eh ikaw?Ba't ang laki na ng eye bags mo? Hindi ka na magkakagirlfriend niyan"sabi ko at tumawa.
Inirapan niya naman ako."Eh nag-aral pa kasi ako magdamag kagabi. Hindi na nga ako naka-dinner.Kainis!Ba't ba kasi kasali pa ako sa mag-eentrance exam,lumaki tuloy lalo ang eye bags ko""reklamo niya.
Tinawanan ko na lang siya.Ayaw kasi ni Matthew ng istorbo pag-bakasyon."Tara na! Baka ma-late pa tayo"sabi ko at pina-andar naman niya ang sasakyan.
So another school year to start. Good luck to me!!!
.
.
.
.
.Maaga rin naman kaming nakarating pero marami ng tao sa loob ng Infinity High.Malaki,malawak, at maganda ang Infinity High.Malaki at maganda ang mga buildings nila.Mayroon din silang malawak na ground at marami pang magagandang spots para mapagtambayan ng mga estudyante dito.
Ang ganda pala talaga ng Infinity High!!! Busy pa akong pinagmamasdan ang Infinity High nang kinalabit ako ni Matthew.Tinanong ko naman siya kung bakit.
"Hanapin na natin room mo.Sigurado namang magkaiba room natin,malayo pa naman ang C sa S.Tutal ikaw namin ang bago rito. Sasamahan na lang kita"sabi niya.
Mas ok na siguro yun kaysa naman maligaw ako sa kakahanap ng room ko."Si--"
"Chiara Ellaine Sanchez"rinig kong sigaw ng isang babae na malapit lang sakin.
Ellaine
Ellaine
Ellaine
Paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang pangalang Ellaine. Bakit parangkakaiba ang epekto sakin pag maririnig ang pangalang yun? Bakit parang sobrang pamilyar ang pangalang yun sakin?Hindi naman ako ganito dati eh.
BINABASA MO ANG
My Perfect Fairytale {On Going}
Teen FictionBata pa lang sina Ellaine at Ethan ay pinagtagpo na sila ng tadhana. Pero sa kasamaang palad,nagkahiwalay sila sa hindi inaasahang pangyayari. Nagkatagpo naman sila ulit pero iba na ang sitwasyon, hindi na nila naalala ang isa't isa. Magiging simple...