Ethan's POV
Another quiet and peaceful day. Gustong gusto ko talaga kapag tahimik dito sa kwarto ko. Mas magandang magbasa kapag walang istorbo.......
"Charles,magbihis ka na!! May pupuntahan tayo ngayon!!!"
Haay!!! Now my quiet and peaceful day is now officially R-U-I-N-E-D....
Walang gana akong pumunta sa pinto at pinagbuksan si Ate. Mukhang may pupuntahan na nga kami,bihis na bihis na kasi siya eh.
Dire-diretso namang pumasok si Ate at pinakialaman ang mga libro ko.
"Iba ka talaga Charles, bagong bili palang tong libro na ito nung isang araw pero malapit mo nang matapos""Ganyan naman talaga ako dati pa eh"
"Sabi ko nga eh. Sige na! Magbihis ka na at magbobonding pa tayo ngayon"
Parang hindi ko magugustuhan ang pinaplano ng magaling kong ate ah. Hindi kasi maganda ang nangyari nung huling nagbonding daw kami.
Mga ilang oras din akong nakipagtalo kay ate. Marami na nga akong nasabi na dahilan.Pero talo pa rin ako,sabi kasi niya na kailangan ko rin daw lumabas hindi daw yung palaging nandito lang ako sa kwarto at nagmumukmok.
Teka, hindi naman ako nagmumukmok ah nagbabasa lang naman ako dito. Minsan din naman lumalabas ako ng bahay, sa garden nga lang ang punta ko.
Ako kasi yung klase ng lalaki na hindi mahilig lumabas. Mas gusto kong nandito lang ako sa bahay. Wala rin naman akong gagawin kung lalabas ako, nandito lang din naman lahat ng kailangan ko rito.
Sa ngayon,tapos na akong magbihis.Simple lang ang suot ko ngayon kasi naman paniguradong sa mall lang ang bagsak namin.
Nadatnan ko naman ang ate kong nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.Ewan ko kung nanonood ba talaga ito ng TV kasi palipat lipat ng siya ng channel.Duda ko malapit ng masira ang TV namin...
"Nandiyan ka na pala. Halika na alis na tayo"sabi niya at pinatay na ang TV.
Nauna na akong naglakad nang bigla akong hinila ni Ate. "Ba't mo suot yang eye glasses mo ah! Kaya nga wala ka pang girlfriend eh lagi mo kasing sinusuot yan,pumapanget ka tuloy lalo. Tsk tsk.."
Dinamay pa talaga pagiging single ko.Ok lang naman ang itsura ko nung nagsalamin ako. Hindi ko rin naman hilig ang mag contact lens.Kapag aalis ko lang naman yun sinusuot.
"Kailangan pa ba talagang mag contact lens ako Ate??? Pwede naman sigurong hindi na"sabi ko.
BINABASA MO ANG
My Perfect Fairytale {On Going}
Teen FictionBata pa lang sina Ellaine at Ethan ay pinagtagpo na sila ng tadhana. Pero sa kasamaang palad,nagkahiwalay sila sa hindi inaasahang pangyayari. Nagkatagpo naman sila ulit pero iba na ang sitwasyon, hindi na nila naalala ang isa't isa. Magiging simple...