Ethan's POV
Kakatapos ko lang ihatid si Alexa sa labas ng mall na ito. Mabuti na lang at sinamahan ko siya, ang dami kasi niyang pinamili. Nakakataka lang dahil ang liit lang ng listahan na dala niya. Ayaw ko rin naang isipin na sinasadya niyang ramihan ang bibilhin. Ay! Ewan! Hindi ko talaga maiintindihan ang mga babae.
Ang proproblemahin ko na lang ngayon kung papaano ko makikita
si Matthew. Siguro naman nakarating na yun dito. Dalawa lang naman ang pupuntahan nun dito, food court at dun sa play zone.Pupunta muna akong national book store para mamaya wala na kong maririnig na reklamo kung magpapasama pa ako.
Gaya ng dati medyo maraming tao dito. Marami pa rin palang gustong magbasa ng mga libro tulad ko at hindi katulad ng panget kong best friend.
Wala na akong sinayang na oras at pumunta na ako sa book section. Nagsimula na akong tumingin ng mga libro.
Medyo maraming mga bagong stocks ngayon at halos lahat parang maganda. Mahirap pumili.
Habang tumitingin ako sa mga libro may isang taong nakakuha ng atensyon ko. Isang babae na nasa di kalayuan. Gusto kong matawa sa mga ginagawa at sinasabi niya pero huwag na lang siguro baka masigawan pa ako at masungitan. Mahirap na baka makulong pa ako.
"Waahh! Grabe naman! Walang tawad?! Mahal naman neto!"
"Hala! Ikaw din! Grabe nakikiuso ka rin pala!! I hate u!"
"Huy! Malapit na ang pasko! Walang discount?!"
"Lahat na nga nagmamahal. Akala ko tao lang kasali pa pala kayo. Huhuhu. Sadlayf!"
"Aissh! Isa na lang talaga at naku! "The only constant thing on earth is change" My Ghad. Change mo naman ang presyo niyo"
"Hindi naman ako nagmamahal ah! Ba't nasasaktan ako pati na ang tiyan at bulsa ko. Waaah!"
The next thing I new, tumatawa na pala ako rito. Hindi ko na napigilan. Hahahaha.
"Huh?" sabi niya.
Wrong move yun. Dali Charles! Think think. Dali dali akong umalis sa pwesto ko kanina at nagtago. Muntiksn na yun!
"Iho okay ka lang ba?!"
"Ah opo. Hehe Pasensya na po sa abala"
"O sya. Mag-iingat ka sa mga gagawin mo iho. Huwag mo na palagpasin ang mga pagkakataon na maging masaya ka. At baka maunahan ka pa"
Huh? Anong ibig sabihin ni Lo--
"Lola!!! Nandun po yung notebook na Ben 10 yun po ang gusto ko. Halika na po!!" singit ng isang batang lalaki. Ang hula ko eh mga 5 yrs old pa siya.
"Mauna na kami iho. Tandaan mo ang sinabi ko ha"
Kahit naguguluhan sumagot na lang ako ng "Sige po" at nagpaalam na rin.
Muli kong binalikan yung babae kanina. Ewan ko kung bakit pero para akong tanga at baliw dito na nagtatago sa isang bookshelf malapit sa pwesto niya.
Patuloy pa rin siyang nagrereklamo sa presyo ng mga libro doon. At heto ako ngayon lihim na tumatawa. Natutuwa talaga ako sa kanya. I got this feeling na parang kilala ko siya at ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.
Nilakasan ko ang loob ko na lumapit sa kanya. Baka kasi siya na ang susi para makaalala ako. Matagal ko nang hinihingi na sana makaalala na ako para makumpleto na ang pagkatao ko. Wala namang mawawala kung susubukan ko.
BINABASA MO ANG
My Perfect Fairytale {On Going}
Teen FictionBata pa lang sina Ellaine at Ethan ay pinagtagpo na sila ng tadhana. Pero sa kasamaang palad,nagkahiwalay sila sa hindi inaasahang pangyayari. Nagkatagpo naman sila ulit pero iba na ang sitwasyon, hindi na nila naalala ang isa't isa. Magiging simple...