Fairy Tale 21 : Ethan / Mr. Weird guy

31 2 3
                                    

Ellaine's POV

Grrrr... Ang lamig naman dito parang nasa North Asia ako.. O sige na OA na kung OA pero giniginaw ako eh. Bakit?
Siguro ba dahil wala rito ang sun of my life? Haha jk lang.

Lumakad ako papalapit sa bintana at para isara yun. Baka umuulan na naman kasi rito sa pinas. Ang nakakapagtaka wala naman akong naririnig na patak ng ulan. Wow naging sound proof kwarto ko. Alam na dis.

Akmang isasarado ko na nga yung bintana kaso sirado na pala siya. Wala din naman akong aircon dito ah!
Aiissh! Nakakalito!

Ngayon ko lang napansin, hindi ko to bintana!! My ghad! Kasi naman naging sliding na siya. Someone stole my window. Huhuhu

Pero kung sino man siya nagpapasalamat ako sobra. Ikaw pa ba namang bigyan ng ganito ka sosyal na bintana. Hihindi ka pa ba?

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto ko at mas namangha lang ako sa ganda ng kwartong kinaroroonan ko ngayon. Akin nga ba to?

Kung akin man. Yiieee naka Jackpot ata ako ngayon. Grabe! Pero wala naman akong naaalala na nagpa renovate kami ng bahay namin. Sa pagkakaalam ko kasi wala pa kaming puhunan para don. Di bale na nga lang eenjoyin ko na lang to for the mean time.

Napansin ko namang ang raming stuff toys dito at ang gaganda nila. Pero may isa talagang nakakuha ng atensyon ko. Yung doll na nasa kama. Nilapitan ko yun at kinuha. I got this feeling na importante to sakin. Kusa na lang akong napapangiti.

Bumaba na ako. At grabe talaga ang sosyal netong bahay na ito. With all the furnitures, chandeliers, windows, floors, doors, decorations, etc.

"Ok ka lang ba?"

"Actually hindi ko alam"

Rinig kong tinig na nasa di kalayuan. Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang isang babae at isang lalaki. Hindi ko lang masyadong makita ng maayos ang mga mukha nila. Pero tingin ko mag asawa sila.

"Sana naman maging ok ka na. Halos hindi ka na natutulog at aabutin ka pa ng madaling araw kung uuwi ka. Napapansin ko ring hindi ka na kagaya nung dati"sabi nung babae

"Pasensya ka na! Marami kasing problema ang kumpanya ngayon. Plus the fact na natatalo na naman tayo ng mga Scott"sagot nung lalaki

Napatigil naman sila sa pag-uusap nang may dumating na isang bata kasama ang isang matangkad na babae. At ganun pa rin blurred pa rin panangin ko.

Pagkarating ng dalawa ay agad na nagtalon talon ang bata. Siya ay mataba, hindi naman mataba as in mataba talaga pero basta chubby siya. Alam ko ring cute siya gaya ko hahah.

" Uhm. Ma'am Sir, aalis na po sana ako. Salamat po"

"Salamat din sayo Patricia. Mag ingat ka"

Pagkasabing pagkasi nung babae eh agad namang umalis yung babaeng kasama nung chubby na bata na pumunta dito. Gets niyo?

"Daddy! Mommy! Yiiee! Namemorize ko na po yung multiplication table ng number 1-4!" nakangiting sabi ng bata. Kyutkyut niya.

"Wow galing galing naman ng princess ko. Halika nga rito" lumapit naman yung bata sa lalaki at niyakap niya ito. Bakit? Bakit ganito?
Nalulungkot na lang ako bigla kasi parang namimiss ko ang moment na to? Haha now I'm being weird.

"Sinong mahal ni daddy?" palambing na sabi nung lalaki.

"Si mommy"

My Perfect Fairytale {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon