Ethan's POV
After 20 minutes of driving, sa wakas nakarating na rin ako sa bahay. Pinark ko muna ang kotse ko pagkatapos kinuha ko na lahat ng mabibigat na shopping bags sa loob at pinasok yun sa bahay.
Iniwan ko lang naman ang mga yun sa labas ng kwarto ni ate wala na man kasi akong susi at hindi ko talaga magugustuhan ang mangyayari kung pumasok pa ako.
Nagmadali naman akong pumasok sa kwarto ko at kumuha ng mga damit na isusuot ko kila Matthew. Wala na akong sinayang na oras at nagpalit na.
Kinuha ko na rin ang glasses ko at syempre tinanggal ko muna ang contact lens na suot ko bago ko sinuot yun. Kina Matthew lang naman ako pupunta kaya ok lang.
Nagpaalam muna ako kina mama at yaya na ngayon ay busy sa panonood ng drama sa tv bago ako tuluyang umalis.
============
"Magandang hapon Charles" bati sakin ni Kuya Ken, yung nakakatandang kapatid ni Matthew.
"Magandang hapon din po kuya"
"Maupo ka na lang muna dito. Tatawagin ko na lang si Matthew"
sabi ni kuya.Umupo na muna ako sa isa sa mga sofa dito gaya nga ng sabi ni kuya. Inaliw ko naman ang sarili ko sa pagtingin tingin sa paligid. Maganda at malaki ang bahay nila Matthew. Kahit sa unang tingin lang malalaman mo na kaagad na mayaman ang may-ari nito sa mga gamit pa lang.
Marami ring mga paintings dito. May malaking chandelier din paborito kasi yun ng mama nila Matthew. Sa bandang kaliwa ko eh may malaking portrait, larawan nilang buong pamilya. Sa bandang kanan ko naman eh mayrong grand staircase patungo sa second floor.
Sa pagkaalala ko nasa second floor ang mga kwarto nila Matthew at iba pang rooms na para sa mga guests.
Samantalang dito naman sa baba ang sala, kitchen, music room."Mabuti at napadali ang pagtakas mo kay Cath" sabi ni kuya ken habang lumalakad papalapit sa akin.
"Dumating po kasi yung kaibigan ni ate. Inaya siya ni ate Kathy manood ng sine. Hindi po nakatanggi si ate kaya ayun nakauwi rin ako. Sumakit nga po ang mga kamay ko kanina eh sa bigat at rami ng mga pinamili ni ate"
"Hahaha.Kahit kailan naman talaga ganun siya. Wala pa ring nagbago. Bumibili pa rin siya na akala mo eh wala ng bukas. Pakiramdam siguro niya end of the world na. OA talaga kahit kailan ang ate mo Charles"
"Pansin ko rin nga po"
At dahil dun sa sinabi ko eh napatawa na lang kami ng malakas ni Kuya. Nagkwento rin naman si kuya ng mga nakakatawang kwento ni ate pagkatapos. Hindi ko akalain na may mga ganun din palang nangyari Kay ate, sobrang naenjoy ko talaga ito tingin ko nga mas nakakatawa pa ito kaysa sa mga comedy movies na napanood ko eh.
BINABASA MO ANG
My Perfect Fairytale {On Going}
Teen FictionBata pa lang sina Ellaine at Ethan ay pinagtagpo na sila ng tadhana. Pero sa kasamaang palad,nagkahiwalay sila sa hindi inaasahang pangyayari. Nagkatagpo naman sila ulit pero iba na ang sitwasyon, hindi na nila naalala ang isa't isa. Magiging simple...