=Back to present=
Ellaine's POV
"Woah! Ako ba talaga to?" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Naka ayos na ang buhok ko at naka make up na rin ako. Napangiti na lamang ako.
At last tapos na akong mag ayos para mamaya... Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon masaya ako at excited kasi sa lahat lahat ng nangyari sa amin ay kami pa rin ang magkakatuluyan. Sabi nga nila sa hinaba haba ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy. Kinakabahan din ako ngayon, kasi naman first time ko ito... Pero mas nangingibabaw talaga ang saya.
"Chandria?!" Eh? Parang pamilyar sa akin ang boses na yun? Sino nga ba yun? Hmm. Ah oo si Steph! Pero bakit Chandria ang tinatawag niya sakin? Wala namang ibang tao rito kundi ako. Hhmph siguro naka kain na naman ito ng kung ano ano sa labas. Hayaan na nga lang.
"Steph!" tawag ko.
Pagkatingin niya sa akin ay biglang nanlaki ang mga mata niya. Promise nakakatawa talaga ang itsura niya! Para siyang tarsier! Haha!
"Ang ganda mo Chandria!" Woah! Parang palagi yata akong masusurprise ngayon ah! For the first time tinawag akong maganda ni Steph.
Parang nananaginip lang ako."Salamat. Ang ganda mo rin!" oh! Wala na akong utang sa kanya! Mas mabuti nang tawagin ko rin siyang maganda. Mahirap na baka mabatukan na naman ako neto.
"Syempre naman dapat lang na maganda ang maid of honor ng best friend ko noh!" sabi niya. Haha hindi na talaga magbabago si Steph.
Sa totoo lang kanina ko lang nalaman na ikakasal pala ako. Naka wedding dress kasi ako eh. Hindi naman ako tatakas gaya ng mga napanood kong movie. Sayang naman kasi ang mga gastos tsaka parang pakiramdam ko meant to be ito eh. Haha wala eh! Yun ang sinasabi ng puso ko."O sige na nga!" natatawa kong sabi
"Halika na best friend! Pumunta na tayo sa simbahan. Alam kong excited na ang bride!" sabi ni Steph
=Fast Forward=
Nagsimula nang maglakad ang mga flower girls papunta sa altar.
This is it!!! This is the day Chiara!!! Sa wakas ikakasal ka na!!!
Tapos na silang lahat . Ajujuju iniwan nila ako rito. Di bale ibig sabihin na naman nun eh ako na! Ako na ang rarampa. Hahaha
[Now Playing : One Call Away by Charlie Puth]
Ang ganda ng simbahan ngayon hindi talaga ako nagkamali kay Sofie pagdating pagdedesign sa mga decorations..
Hindi ko talaga mapigilang mamangha sa mga nakikita ko ngayon... Ang gaan din sa pakiramdam ang atmosphere ngayon dito. Malalaman mo kaagad na isang masayang seremonya ang magaganap ngayon.
Habang naglalakad ako, I got this feeling na nandito pala ang mga kaklase ko simula nung elementary ako hanggang college. Hindi ko lang sila medyo mahagilap kasi naman blurred ang paningin ko. Pero kahit ganon alam kong masaya sila para sa akin.
Wait. Diba sabi ko hanggang college. So ibig sabihin tapos na akong mag aral.. Daebak! Parang walang kaeffort effort paggising ko graduate na ako. Wahaha.
Nakakatuwa rin isipin na nandito sila para sa amin, para masaksihan ang isa sa mga pinaka importanteng pangyayari sa buhay namin. Maswerte ako kasi nakilala ko sila.
Malapit na malapit na ako sa altar. Nakita ko naman ang mga magaganda kong best friend, si Steph at si Sofie. Nakangiti silang dalawa sa akin at naka thumbs up pa sa akin si Steph. Ngumiti rin ako sa kanila pabalik. Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa panginoon dahil binigyan niya ako ng dalawang kaibigan na mabait, maaasahan, mapagkakatiwalaan, at higit sa lahat yung hinding hindi ako iiwan...
Napansin ko naman ang mga magulang ko na nakatingin sa akin. Actually apat sila. Pansin ko ang dalawa dun ay sina nanay at tatay, yung dalawa naman hindi ko makilala pero sabi sakin ng puso ko mga magulang ko sila kaya I'll just follow my heart.
Napansin ko ring umiiyak silang dalawa, si nanay at si mommy. Mommy na lang siguro ang itatawag ko sa kanya. Siguro tears of joy yun. Alam kong masaya sila para sa akin. Anu ba naman yan! Gusto ko na rin sanang umiyak ang saya saya ko ngayon.
Nakita ko na rin siya, ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko. Para na akong nababaliw haha kahit first time ko pa siguro nakita ang lalaking to at hindi ko pa masyadong maaninag ang mukha niya, ang sabi sakin ng puso ko ay matagal ko na siyang kilala at gwapo raw siya. Haha lumalandi ang puso ko.
Katabi niya naman ang best friend niya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin ar ganun din ako sa kanya. Bagay na bagay talaga sa kanya ang suot niya ngayon, lalo siyang gumwapo. Bwahaha
Alam niyo mahal na mahal ko ang lalaking iyan. Wala eh! Yun sabi ni heart! He never fails to make me smile, also he never fails to make me feel special, and most of all he never fails to make me fall for him every single day. At alam kong hinding hindi ko pagsisihan na pakasalan siya kasi he completes me, he completes my life, and of course he completes
My Perfect Fairytale."I'll now announce you husband and wife!"
"You may now kiss the bride"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kasi naman! First kiss ko siguro ito. Waah. Anong gagawin ko?!
Inangat na niya ang belo ko. At unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sakin....
Nang biglang...
"Aray!!" sigaw ko. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko sa ngayon. Grabe naman. Akala ko totoo na yun. Panaginip lang pala. Whew! Panu ba naman nung nasa part na hahalikan na ako ng prince charming ko eh sinampal niya ako! Nakakainis siya ah! Masakit pa naman yun.
Napapikit na lamang ako habang hinihimas ang pisngi ko. Ajujuju
Habang nagdradrama naman ako rito ay may narinig akong parang pinipigilang tawa. Panu naman nangyari yun. Eh ako lang naman mag isa duto sa kwarto. Don't tell me may mumu dito. Waaah!"Sino yan?!"sabi ko habang nakapikit. Huhu Ayoko pang makakita ng mumu noh!
Pagkasabing pagkasabi ko nun ay hindi na napigilan ng mumu at napahalakhak na. May saltik yata to?
*sampal* "haha para kang tangek diyan Chiara. Hahhahahaha"
Ang walanghiya sinampal ba naman ako pabalik. At tsaka waah! Kilala niya ako. Dali dali kong kinuha ang unan sa likod ko at dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko pagkatapos hinampas ko na nang hinampas ang mumu.
"Aray! Chiara ano ba! huy! Tumigil ka na ! Aray!" she said and then it hits me. Char english yun! Hehe hindi pala mumu si Steph lang pala to at haha para na nga siyang mumu.
"Hehe goodmorning"sabi ko at umatras.
"Anong maganda sa morning kung ang aga aga nahampas na ako?!"
"Sinampal mo rin naman ako ah! At ginulo mo rin ang panaginip ko. Huhu. Malapit na sana ako sa ending eh"sagot ko.
"Pasalamat ka nga at ginising pa kita baka ano pang kababalaghan ang napapaginipan mo. Kitang kita ko pa nga na ngumunguso ka na parang magkikiss na kayo nung nasa panaginip mo. Haha" sabi niya at dinemonstrate pa sakin kung ano raw itsura ko kanina. Huhu. Hindi naman ganun kapanget ah!
" Sige na uuwi na ako at mag aayos pa ako para mamaya"
"Ayiie. I smell something fishy. May date ka noh?!"
"Wala noh! Sadyang makakalimutin ka lang talaga at nakalimutan mong first day of school natin ngayon. Kaya bilisan mo. Ayokong ma late tayo"
"Ah oo nga pala. Hehe salamat sa pagpapaalala. Thank you Labyu Babay!!"
Oo nga pala't first day of school namin ngayon. Yiiee excited na ako. Hulaan niyo kung nasaang school kami papasok? Well haha sa next chappy ko na lang sasabihin sa inyo. Kasi maliligo pa ako. Haha. Babay!!
===============
My Perfect Fairytale
Fairy Tale 17 - published10/01/16
by: Jovilearnskie22
BINABASA MO ANG
My Perfect Fairytale {On Going}
Teen FictionBata pa lang sina Ellaine at Ethan ay pinagtagpo na sila ng tadhana. Pero sa kasamaang palad,nagkahiwalay sila sa hindi inaasahang pangyayari. Nagkatagpo naman sila ulit pero iba na ang sitwasyon, hindi na nila naalala ang isa't isa. Magiging simple...