Ellaine's POV
Medyo tumili na rin ang ulan. Hindi na kagaya kanina na halos mabasa na ang buong katawan ko kahit na may payong akong dala which is hindi naman sakin. Swerte na lamang ako kasi kung hindi yun ipinahiram sakin malamang sa malamang walan matitirang tuyo sakin. Pati gamit ko sa school na bagong bili pa lang este hindi pa masyadong ginagamit kaya parang bagong bili eh mababasa ng todong todo. Kaya malamang sa malamang thankful ako kung sino man yun haha.
Mga sampung hakbang na lang at matatapos na ang paghihirap malapit na malapit na malapit na ako sa shop namin ng mga magkakaibigan ko. O diba kung makaangkin paang yaman yaman hahahaa. Edi sige para hindi na kayo magduda shop na pinagtratrabauhan naming magkakaibigan.
"Mag-iingat ka Jasper" rinig kong sabi ni Kim. Kahit na malayo ako rinig na rinig ko pa rin sila hahaha ang unique ko. Pero san naman kaya pupunta si Jasper?
"Hoy! Jasper! Siguraduhin mong pagbalik mo kasama mo na siya ha! Kung sakaling nasaktan o nabasa man lang ang bestfriend ko, masasapak talaga kita! Naku!" ani Steph. Highblood naman masyado tong si Steph. Hahaha. Pero teka, sino naman kaya yung sinasabi niyang bestfriend? Waaaahh taksil! taksil siya!
"Opo ma'am" walang ganang sagot ni Jasper.
"Umalis ka na nga Jasper. Baka napano na yun" sabi naman ni Liam
"Oo na. Oo na. Atat naman kayo masyado. Ge, alis na ako" sabi niya at nag simula ng maglakad. Sa halip na magdahan dahan akong maglakad dahil medyo masakit ang ulo ko ay tumakbo na lang ako para maabutan ko pa si Jasper.
" Oooh san punta mo?" sabi ko habang nakangiti na iniindaang sakit ng ulo ko. Hindi na naman siguro nila mapapansin.
"Chiara!" sabay sabay nilang sigaw at lumapit sakin para yumakap. Huh? Ako lang ba o talagang nahahawa na talaga sila sa pagka- OA ko? Silang tatlo lang ang yumakap sakin samantalan si Jasper ay pumasok na sa loob. Kahit kailan naman talaga.
"O anong nakain niyo at ang o-OA niyo?"pabalang kong tanong.
"Usong maging thankful Chiara noh. Baka hindi ka aware. Nag-aalala lang naman kasi kami sayo. Ang lakas ng ulan kanina, ilang oras na rin ang nagdaan at lahat lahat hindi ka pa dumaating"sabi ni Steph na may halong inis sa kaniyang boses.
"Awwiiieee naman ang swee-"
"Slow at TANGA ka pa naman"dagdag niya. Ayun wala na. Sira na ang moment. Ok na sana eh kaso tinawag pa akong slow at tanga. Inemphasize pa talaga niya yung tanga. Kalma lang Chiara. Huwag mo nang sabayan pa ang panahon.
Bigla rin namang nag- walkout si Steph. Anyare dun? Siya pa galit eh isang beses lang ako nagbiro eh siya. Hindi mo pa nga malalaman na nagbibiro lang siya dahil sa tono ng boses niya. Kakalma na talaga ko (ーー;)
Sumunod naman si Kim sa kanya. Pati si Kim? Lahat na lang ba talaga?
"Hindi kasali si Kim. Pati si Jasper at ako kaya huwag kang mag-alala. Alam mo namang may saltik mga kaibigan natin diba?" sabi ni Liam sa akin na para bang kinocomfort niya ako. Hindi ko rin naman maiwasang mapansin na medyo malungkot ang boses ni Liam. Anyare sa mga tao rito? Gutom? Inaantok? Pagod? Nagmahal? Nasaktan? (;'Д`) Waaahhh!!!
Para hindi naman masayang ang effort ni Liam eh nginitian ko lang siya bilang sagot.
"Bago yata yang payong mo Chiara. Ngayon ko pa kasi nakita yan. Ang naalala ko eh yung finofold yung sayo? na mas maliit pa diyan?" Nagtatakang tanong ni Liam. Ok lang kaya kung sasabihin ko yung totoo. Wala a namang masama..
"Ah oo yung kulay pink. Hiniram ko lang ito. Naiwan ko kasi yung akin sa bahay. Hindi ko inaakalang uulan pala" sagot ko sa kaniya. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa loob ng shop. Wala naman kaming magagawa kung didito lang kami.
BINABASA MO ANG
My Perfect Fairytale {On Going}
JugendliteraturBata pa lang sina Ellaine at Ethan ay pinagtagpo na sila ng tadhana. Pero sa kasamaang palad,nagkahiwalay sila sa hindi inaasahang pangyayari. Nagkatagpo naman sila ulit pero iba na ang sitwasyon, hindi na nila naalala ang isa't isa. Magiging simple...