Fairy Tale 19 : First Day of School

56 1 0
                                    

Ellaine's POV

"Waaahh! Nay, tay alis na po ako!!!"
sabi ko na medyo pasigaw. Dali dali na rin akong nagmano at humalik kina nanay at tatay bago ako umakyat ng hagdan para kunin ang bag ko.

"Chiara! Teka muna! Heto na ang baon mo oh"

Aissh! Muntik ko nang makalimutan. Mabuti na lang at pina alala ni nanay kung hindi iiyak na naman tiyan ko mamaya. Wawa naman.

"Salamat nay. Sige po akyat po muna ako" pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yun ay humarurot na ako pataas patungo langit. Haha dejk lang.

Tumakbo ako patungo sa gilid ng kama para kuhanin ang bag ko pero wala. Uwaaah! Nangyayari na naman siya!!! Tuwing umaga na lang nakakalimutan ko ang lugar kung san ko nailagay yung bag ko. Huhuhu.

Finding backpack project! Starts now!

Hinanap ko ang backpack ko sa banyo wala naman dun. Sa cabinet ko wala rin . Sa table ko wala. Sa ilalim ng kama wala. Sa kusina wala. Sa bodega wala. Sa garahe ng limang kotse ko wala rin. Sa swimming pool wala rin. Sa condo ko naman wala. Sa library ko wala. Sa plaza wala rin. Sa tindahan ng kapitbahay namin wala. Sa mall of asia lalong wala. Sa divisoria wala. Sa ocean park wala. Sa rizal park hindi ko nakita run. Sa malacañang wala rin. Sa visayas, luzon at mindanao wala. Sa south korea mas wala dun nakita ko lang dun yung isa kong crush. Bwahaha.
Sa Antarctica wala rin. Sa Mars, Pluto, at Jupiter wala.

Ok titigil na. Relax lang wala pa lahat dun. Sa sun din wala pati na rin sa moon. Kasama na rin pala ang mga ibang dimensions... Hehe oo totoo na sorry naman naaliw lang ako.

Isusumpa ko kung mahuhuli ko lang talaga ang salarin sa kumuha ng backpack ko, humanda siya sakin. Alam niyo kung sino? Ako alam ko. Haha secret hindi ko sasabihin.

Pilitin niyo ako. Sige na para sabihin ko. Sige na! In 3, 2, 1... Oo na oo na sasabihin ko na para humaba ang storya na to.

Huwag niyong sasabihin sa kanya ah na alam kong siya ang totoong may gawa nun. Sa totoo lang si... Si.... Dora the explorer yun. Nabalitaan ko kasi na naka drugs na yun. Haha kaya malakas ang kutob ko na siya talaga yun.

May nakita kasi akong video sa youtube... At dahil fan na fan ako ng infinite sinearch ko ang group nila. Nanood ako ng maraming videos dun nang may biglang nakakuha ng atensyon ko. Hindi ko na naaalala ang exact title pero about yun sa mga misheard lyrics sa kanta ng infinite na back. Kaya syempre pinanood ko yun.

Halos sa dalawang minuto ay palagi lang akong nakatawa. Panu ba naman sobrang nakakatawa ang mga lyrics.
Lalo na yung...

" Dora want drug. I want my backpack backpack back. Backpack backpack back"

Hahaa pero hindi ako sure sa lyrics. Mga limang araw na rin simula nung makita ko yun. Pero diba kitams nagdrudrugs nga siya. Kaya positive siya any nagtago ng bag ko.

"Jusko po! At anong ginagawa mo diyan Chiara? Bumaba ka na ngayon din! Naku! Ano na naman bang pumasok sa isip mo at umakyat ka diyan sa bubong natin?!"

"Hehe opo nay bababa na po!" sagot ko kay nanay at hinay hinay na bumaba. Umakyat kasi ako sa bubong namin baka dun tinago ni Dora yung bag ko.

"Hay! Ikaw talagang bata ka!" sabi ni nanay na may halong pag-alala sa mga mata niya.

"Chiara!!!!" oh oh. Sumisigaw na yung dragona. Mabuti na lang at hindi nasira ang eardrums ko kasi nandito ako sa loob at siya naman eh nasa labas.

"Ah eh nay tay nakita po ba ninyo yung bag ko?"

"Nasa tabi mo lang anak oh"sabi ni tatay at umiling iling. Huh?

My Perfect Fairytale {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon