still Marcus Jasper's POV
Ang napansin ko sa kanila si Daphnee at Lorilly ay Madaldal. Si Aira, parang trip nila kung minsan, si Paula mapanakit parang boyish, si Lei john tahimik parang ako, si Ashton mapang asar at yung Spade naman palaging late sa barkada nila.
Halo-halo sila.
"Pano kung ayaw ko?" pang aasar ni Ashton.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Paula, tumakbo si Ashton at hinabol ni Paula. Nagtawanan kaming lahat parang aso't pusa pala yung dalawa kapag nagsama sila.
"Pagnahabol kita, Ashton! Makikita mo na si kamatayan!" sigaw ni Paula.
Dahil dun nagtawanan ulit kami hahahaha. Nakakatuwa silag tingnang magbabarkada.
May nakita akong lalaking palapit sa lamesa namin yun na ata yung Spade.
"Hoy Spade Santos! san ka nanaman galing at late ka nanaman sa usapan?" nanliliit na matang tanong ni Lorilly.
Tinignan ni Spade si Lorilly at sumiksik sa upuan nila.
"Bakit, Lor? Miss mo na ako agad?" pang aasar ni Spade.
Bagay silang dalawa. Isang pikon at isang mapang asar haha.
"Miss your face! Ang hangin mo talaga. Dun kana na nga sa tabi nila Mj!" sabi ni Lorilly sabay tulak kay Spade.
Tumayo naman na si Spade at umikot para tumabi kay Aira.
"Hi pare! Spade nga pala" sabi niya sakin.
Nakipagkamayan di sya sakin, nginitian ko naman siya.
"Mj!" sabi ko.
Umupo naman na siya ng maayos sa upuan pagkatapos nun.
"Oh? Spade? papayag ka bang pinagtatabuyan ka lang ni Lorilly?" tanong ni Daphnee.
Umakting naman na kunwaring malungkot si spade.
"Okay lang sanay namanakong pinagtatabuyan" sabi niya.
Hugotero pala itong si Spade.
"Nako, tiligan mo nga ako, Spade" sabi ni Lorilly.
Tumayo naman si Lei kaya nagtinginan kami sa kanya.
"Oh? san ka punta?" tanong ni Aira.
Tahimik nga siya parang ako lang.
"Bibili ng pagkain." tipid niyan sagot.
Tinanguan naman siya ni Spade.
"Alam mo nanaman bibilhin diba? dagdagan monalang para kay MJ" sabi ni Spade.
Tinignan naman ako ni Aira at umalisna si Lei papuntang bilihan ng pagkain
"Masarap yun, PROMISE!" sabi niya.
Nginitian ko lang siya, nag aalala pa rin kasi ako kung pano na mangyayari kapag natapos to dahil malamang sa malamang ay bubullyhin nila ako lalo.
"Oh? bakit?" tanong ni Daphnee.
Kaya napatingin ako sa kanya.
"Wala hehe. Naalalakolang kasi baka mamaya bu---" hindi ako nakatapos sa pagsasalita ko dahil nagsalita agad si Spade.
BINABASA MO ANG
Twisted
Fanfiction"I am still non-existent to you" Genovia University Same School Same Section Paano kung isang araw ay pagtagpuin sila ng tadhana?