Marcus Jasper's POV
Nagising ako dahil may tumatawag sa akin.
"Marcus, gising na. Nanditod na tayo" sabi ni Ashley sa akin. tumingin ako sa paligid.
Nandito na nga kami sa Resort nila. Beach yung pagswiswimmingan namin. napatingin ako sa gilid ko dahil parang may mabugat pa ding nakapatong. Hindi pa din pala gising si Wyndy.
"Sgesge. Mauna ka na, gisingin ko lang si Wyndy" sabi ko. tinignan ko siya habang natutulog.
Mukha namang mabait kapag tulog, monster nga lang kapag gising pero beautiful monster kung tatawagin. Naalala ko sila mama kaya napalingon ako sa likod ko pero walang tao.
"Wala na sila, tita. Nandun na sa loob. Wala nanga atang balak gisingin kayo diyan eh pero sabi ko magmomonster nanaman yang nililigawan mo kaya pumayag na sila. Sge na mauuna na ako, sumunod nalang kayo dun" sabi ni Ashley, naglakad na siya palayo sa Van.
Nilingon ko ulit si Wyndy pero tulog pa din kaya dahan dahan ko siyang ginising sa pagkakatulog niya. Napatingin siya sa akin nung nagising siya at umayos agad sa pagkakaupo.
"Nasan na sila?" tanong sa akin ni Wyndy.
Magada pa din siya kahit hindi pa ayos yung mukha niya dahil bagong gising.
"A-ah. Nauna na, tulog pa kasi tayo kanina. Ginising lang ako ni Ana kaya ako nalang din gumising sayo" sabi ko. Bumaba na ako at inalalayan siyang bumaba sa Van. Kinuha ko muna yung mga gamit namin sa likod bago ko isara yung Van. Napatingin naman ako sa buong resort nila.
Ang laki sobra, wala pa nga sa kalahati ng bahay namin ito eh pero mas malaki ang bahay nila Ashley at syempre pinakamalaki pa din yung bahay nila Wyndy.
Naglakad na kami papasok sa resort nila at nakita ko namang nakaupo sina mama sa may lobby kaya dumiretso na kami sa kanila.
"Hi Wyndy, gising ka na pala. Kamusta naman tulog mo? okay ka lang?" tanong ni mama kay Wyndy.
Tingnan mo to si mama para namang sa mahrap pwesto ko pinahiga si Wyndy.
"Okay lang po" matipid na sagot ni Wyndy.
Inilapag ko yung mga gamit na dala ko kasabay ng kay Wyndy sa tabi ng mga gamit nina mama. Pinaupo siya ni mama sa tabi niya kaya umupo naman din siya. Hindi koalam kung napipilitin lang si Wyndy o hindi sanay na tinatrato siya ng ganun.
"Anong gusto mo? drinks? foods?" tanong ko kay Wyndy.
Natigil naman siya sa pagce cellphone at tumingin sa akin.
"Wag na. Busog panaman ako eh" sagot sa akin ni Wyndy. nagpatuloy na ulit siya sa ginagawa niya.
"kayo, ma? may gusto po ba kayo? nasan nga po pala sina Jarrel?" tanong ko.
Napansin ko kasi na si mama lang ang nandito at si papa. Si Ashley naman ay nag aasikaso ng gagamitin namin dahil nga siya ang may ari nito.
"Nandun, nag gagala yung dalawa. Pinayagan kasi ni Ashley na maggala gala sila dito habang hindi pa nakaayos ang gagamitin natin" sabi sa akin ni papa.
Umupo na muna ako dahil matagal tagal pa namang ayusin ang gagamitin naming room at may ginagawa pa si Ashley.
"Bakit hindi mo din igala yang daughter in law ko habang wala pa yung kwartong tutulugan natin?" tanong sa akin ni mama.
Gustong gusto talaga ni mama si Wyndy dahil si Wyndy ang unang niligawan ko noon pa man kahit na kilala na niya noon si Aira na gusto ko.
"Ma, tigilan niyonga po yang pa daughter in law niyo. Nililigawan ko pa lang po, okay?" sabi ko kay mama.
BINABASA MO ANG
Twisted
Fanfiction"I am still non-existent to you" Genovia University Same School Same Section Paano kung isang araw ay pagtagpuin sila ng tadhana?