Marcus Jasper's POV
ba't magkasama sila?
di ba ayaw ni Wyndy sa mga tao?
pwede namang si Ashley ang kasama pero bakit siya?
bakit yang lalaki pa na yan?
teka? ano bang pake ko? hindi naman ako magsesel--- teka? wala yun. Erase erase.
nagtataka lang ako kung mag kasama sila. Oo, tama nagtataka lang ako.
"Mj, what's bothering you?" tanong ni daphnee.
natauhan naman ako ng nagsalita si Daphnee kaya napatingin ako sa kanya,
"a-ah? wala. nasan na sila?" pag iiba ko.
nagkayayaan kasi silang magkakaibigan, tinext ako ni daphnee na isasama daw nila ako kaya eto ako ngayon kasama nila.
"nandun na sila sa restau na nireserve ni Paula the sadist hahahaha" pangloloko sakin ni Paula.
gawain na nila yan, ang tawaging "Paula the sadist" si Paula.
"Ah. Tara na sa kanila?" yaya ko sa kanya.
naglakad na kami ni daphnee dahil siya ang nautusang sunduin ako sa labas ng Mall pero bago pa ako makalayo kila Wyndy at dun sa kasama niya at dumiretso na papuntang Restaurant.
Pagkadating namin sa pintuan ay may lumapit saming nag aassist sa mga bisita.
"Sir, Table for what po?" tanong nung babae sakin.
Di ko alam kung pabebe to o ganito lang talaga to gumalaw eh
"Miss, Ako yung naunang pumasok diba? so, ako dapat tinatanong mo hindi siya" sabi ni daphnee.
Tinarayan siya nung babaeng kumausap sakin at hinarap si Daphnee.
"Sorry, mam. Table for what po?" sarcastic niyang sabi.
Feeling ko mag aaway na tong dalawang to eh. May pagkamaldita pa naman tong si Daphnee sa pagkaka-obserba ko ng nakakasama ko na sila minsan tuwing breaktime.
"May Reservation kami kay Paula Lee marami kami diba? kaya tigilan mo na paglalandi mo dito sa kasama ko" diretsong sabi ni Daphnee.
Lumapit nako kay Daphnee para matigilan na siya sa pagmamaldita dito sa babae.
"Sorry po, Mam" sabi nung babae na hindi halatang sincere siya sa pagso-sorry
tinignan ko nalang yung babae at nakita ko siya ngumiti pa sakin.
"Tara na, Daph. Wag mo nang pansinin yan baka hinahanap na tayo dun nila Aira" pag dadahilan ko nalang.
dumiretso na kami sa paglalakad para matapos na din sila dun sa pag uusap nila dahil nagkaka-initan sa sila.
"Ang landi nung babaeng yun. Lagot yun kay Aira pag sinabi ko" sabi niya.
Bakit malalagot yung babae kay Aira? Ang wi-weird talaga nila kung ano ano sinasabi.
"Huh? Anong malalagot kay Aira?" pagtatakang tanong ko.
Nanlaki ang mata niya dahil nagulat siya sa tinanong ko. DI niya ata inaasahan na tatanungin ko
"A-ah. Wala hehe. S-sabi ko bakit kasi ang lakas pa din ng dating mo kahit nerd ka na kung marunong ka lang dumepensa sa sarili mo. Oo yun 'yon hehe Tara na ayun na pala sila oh." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Twisted
Fanfic"I am still non-existent to you" Genovia University Same School Same Section Paano kung isang araw ay pagtagpuin sila ng tadhana?