Marcus Jasper's POV
"Marcus? pwede ka naman nang sumama sa mga kaibigan mo. Okay na ako. hanggang bukas na araw nalang naman si MaLeen dun at uuwi na din agad siya. Baka hinahanap kana nila" sabi sakin ni Ashley.
Magkasama kasi kami ngayon papuntang canteen. dikoalam kung anong pumassok sa utak niya at nagpapaiwan na.
"hindi, okay lang yun sa kanila. Samahan na muna kita. bukas nalang ako sasama sa kanila? pwede?" tanong ko.
Ayoko din kasi siyang iwan. Ako nga hindi niya iniiwan nung time na wala akong kasama at kaibigan dito eh atsaka ayoko din na mapag isa siya baka mamaya kung anong mangyari sa kanya.
"Marcus, wag ka nang makulit. Okay?" sabi niya sakin.
marunong kasing makisama si Ashley at alam niya kung may naagrabyado siya o wala. Hindi katulad ni Wyndy.
Teka? bakit biglang pumasok sa isip ko si Wyndy? hay nako.
"Kung yan ang gusto mo. Wala naman akong magagawa eh pero dito ka lang ah? babalik ako. Okay?" tanong ko.
"Sge basta pumunta kana sa mga kaibigan mo ha?" tanong niya.
Nginitian ko siya at tinanguan. Naglakad na ako papuntang pwesto nila Aira.
"Oh! MJ, bakit hindi mo kasama bestfriend mo?" tanong sakin ni Daphnee.
Nang nakalapit na ako ay umupo ako sa tabi ni Ashton.
"Uhm, pwede bang makisama dito si Ashley? ayoko kasing iwan mag isa baka mamaya pagtripan pa siya dito" pagpapaliwanag ko.
kahit na sabihin pa nating private to. Ang mga mangloloko ay walang pinipiling lugar.
"Okay yan sakin, MJ" sabi sakin ni Aira.
Napangiti naman ako kasi okay lang sa kanila. Umoo na din ung ibang kaibigan ni Aira
"yun. Thanks, guys. saglit puntahan ko lang at palipatin ko dito" sabi ko.
Tumango naman sila kaya naglakad na ako papunta kay Ashley.
nagulat naman siya nung napatingin siya sa akin at napatigil siya sa ginagawa niya.
"Oh? bakit nandito ka? diba sabi ko naman sayo, okay lang ako dito. Buma---"
di ko na siya pinatuloy ng pagsasalita at nagsalita na ako.
"Sumama ka na sakin. Dun ka nalang sa amin dahil ayokong maiwan ka dito, Ash. Alam mo naman yun diba?" sabi ko.
Napaface palm naman siya sa sinabi ko kahit anong gawin niya sakin kukulitin ko pa din siya sumama lang sakin.
"Pero hindi ko sila close atsaka nakakahiya, Marcus. Ikaw nalang, okay na ako dito." pagpapakiwanag niya.
umupo ako sa tapat niya para kumbinsihin siya at sumama sa akin
"Jasper, Okay lang talaga ako. Pumunta kana doon" sabi niya.
Spade's POV
"antagal naman nila. Ayaw ata sumama nung bestfriend niya satin eh" sabi ni Daphnee.
Ang nega talaga nitong babaeng ito. Iba talaga mga babae,byti pa kami mga pogi ayy positive pala lagi.
"kaya nga antagal eh. Nagseselos na si Aira oh" pang aasar ni Ashton.
Tinignan siya ng masama ni Aira. Lahat kami, alam na naming may gusto siya kay MJ. Matagal na kaya ayun tuwang tuwa dahil naging kaibigan namin si MJ.
BINABASA MO ANG
Twisted
Fanfiction"I am still non-existent to you" Genovia University Same School Same Section Paano kung isang araw ay pagtagpuin sila ng tadhana?