Marcus Jasper's POV
"Marcus" may tumawag sakin kaya humarap ako para makita kung sino iyon.
Sia Lei John lang pala, ang kaibigan ni Ara na kaibigan ko na din.
"Oh? hi" bati ko sa kanya. lumait siya sa akin.
Nandito kasi ako sa Garden, hindi na muna ako nakisama sa kanila para makalayo muna kay Aira dahil alam kong nasaktan ko siya.
"Pare, sabi ko sayo wag mong sasakyan kaibigan namin diba? pero wala naman akong magagawa. Wala ka namang gusto eh" sabi ni Lei.
Umupo siya sa tabi ko at nakipagusap sa akin. masaya ako at hindi siya galit sa akin.
"Sorry pero wala na kasi akong gusto sa kanya at ngayon ay yun ang prinoproblema ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko" sabi ko.
Naguguluhan na ako kung ano talaga ang gusto kong gawin sa nararamdaman ko kung aamin kaya ako, may feelings din kaya siya sa akin. Natatakot akong masaktam at hindi ko kayong magtapat.
"Alam ko, matagal na kaya din kita sinabihan na ingatan mo siye pero may biglang dumating na babae sa buhay mo kaya nawala nalang bigla yung feelings mo" sabi niya sa akin.
Tama nga yung sinasabi nila na na Silent people notice everything. Masaya naman ako at may nakakaintindi pa sa akin.
"Salamat, pare" sabi ko at tinapik siya sa balikat.
Hindi ko alam kung paano siya nakapunta dito ng hindi kasama or nakasunod ang mga barkada.
"Anong problema mo ngayon?" tanong niya.
sa ilang buwan ko silang nakakasama ay ngayon lang siya nagsalita ng parang normal na tao. Hindi kasi siya mahilig magsalita.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nahulog ako sa isang taong alam kong hindi ako magugustuhan at iritado sakin tuwing nakikita or kasama niya ako" sabi ko sa kanya.
In the first place, alam ko namang hindi magkakagusto sa akin ang isang Wyndy Leen na opposite ng ugali ko means maldita-mabait, mataray-palatawa basta madaming pagkakaiba sa amin.
"Hindi lahat ng bagay porket ayaw sayo ay hindi napwedeng magkagusto sayo. Hindi mo lang alam pero meron napala siyabg gusto sayo hindi mo lang ramdam kasi manhid ka eh at alam mo ba ang salitang "the more you hate, the more you love" pwedeng hindi mo pa lang naraamdaman kasi wala pa siyang nararamdaman talaga pero malay mo ngayon ay mayroon na. Hindi lahat ng bagay alam natin dahil hindi natin hawak ang tadhana. Hindi natin alam kung gusto ba tayo ng gusto natin o hindi. bakit hindi mo ipaalam yang nararamdaman mo? wag kang torpe, hindi yan mawawaang nararamdaman mo kung torpe ka" sabi sakin ni Lei.
Masarap siyang kausap dahil malalim talaga yung mapag uusapan niyo. Alam niya lahat, siya nga ang Love Expert namin o kaya minsan ay siya ang nagbibigay ng advice namin.
"Salamat, Lei. Salamat sa oras na binibigay mo sakin ngayon oras na naguguluhan ako sa mga bagay bagay pero hindi muna siguro ngayon. Hindi pa ako handa, torpe na kung torpe pero hindi ko kayang magtapat ng nararamdaman ko sa kanya" sabi ko.
Alam kong naiinis kayo sakin pero masisisi niyo ba ako? bago lang sa akin ang lahat ng ito. nagsisisi talaga akobg nagkaroon pa ako ng kaibigan edi sana ay tahimik ako ngayon kahit na may nangbubully sakin.
"You don't have to thank me basta itatak mo lang sa isip ko yung mga sinabi ko okay na yun. mauuna na ako baka hinahana na ako ni Paula." sabi niya sa akin.
kaya nga siguro nagustuhan ni Lei si Paula dahil hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo. Oo, sadista si Paula pero kapag nakasama mo siya hindi ka talaga magsisisi na mahuhulg ka sa tulad niya kahit na minsan naiinis siya kay Paula dahil sa kaingayan.
"Oo naman. Salamat sa Advice, hindi ko kakalimutan. Pakikamusta nalang ako kina Spade" sabi ko.
Tumayo na siya pero hindi pa din siya agad umalis at nakatalikod pa din siya sa akin.
"Kung hinahanap mo si Aira. Wala na siya, umalis na siya pero sasabihin ko pa din kina spade basta sundin mo ang puso mo. Wag mong paganahin ang utak mo dahil kapag utak ang ginagmit mo talo ka pero kapag puso hindi ka magsisisi pero wag mong kakalimutang gamitin ang utak kapag kinailangan wag mo lahat ibase sa puso mo ang lahat dahil pwede itong maging dahilan para ikasakit ng puso mo" sabi niya sakin at dumiretso na umalis papuntang canteen.
Si Aira? umalis? saan naman nagpunta? Ako ang may kasalanan nito. Hindi sana nandito pa si Aira kasama nila.
Naglakad na akopapuntang parking lot. Nag aaral na nga pala akong magdrive dahil nakakahiya na kay manong. kalalaki kong tao ay hindi ako marunong magdrive. Wala hindi naman kasi kaming sasakyan kaya hindi din ako marunong magdrive. pumunta na ako sa parking lot at pumasok sa loob ng kotse namin.
"Manong sa bahay po tayo" sabi ko.
Nagsimula naman siyang nagdrive at tinignan niya ako sa may salamin kaya napatingin din ako sakanya
"Ah, Sir. Bakit po?" tanong niya sa akin.
Ganito ba ako kahalata na may problema? at pati driver ay nakakapansin sa akin.
"Ah, wala po." sabi ko nalang.
Nakakahiyang magkwento sa kanya dahil sa katorpehan ko pero parang magaling din mag advice si manong.
"Wag po kayong mahiyang magkwento sa akin, Sir. Safe po sakin yung kekwento niya" sabi niya sa akin.
Umuwi nalang muna ako dahil wala naman na kaming sched. hindi ko alam pero wala lahat ng teacher pagkatapos ng tatlong subjects.
"Siguro po ay susunod na araw na lang po. Madami po kasing ginawa sa school at sobrang pagod din poakopara magisip pa sa ganyan baka po hindi na apo kayanin ng utak ko na isink in lahat" sabi ko kay manong.
Eto na nga siguro yung sinasabi nilang love problems. Mahirap nga pala talagang mainlove lalo na kung yung gusto mo ay mataray at baguhan pa din sa akin ito.Bakt pa kasi kay Wyndy pa? Pwede namang kay Aira nalang. Paano kung masaktan ako dahil lang sa kanya? Ang hina mo, Marcus.
BINABASA MO ANG
Twisted
Fanfiction"I am still non-existent to you" Genovia University Same School Same Section Paano kung isang araw ay pagtagpuin sila ng tadhana?