Marcus Jasper's POV
"Ma, dahan dahan lang po sa paggalaw" pag alalay ko sa kanya.
tapos na kaming kumain at si Maryvonne na ang naghugas ng pinggan na pinagkainan namin. si papa naman dumaan muna dito para kamustahin si mama bago siya matulog at si JArrel naman naglilinis sa baba. Ito ako mag papakain kay mama.
"Nak, di ako mawawalan ng buto kapg gumalaw ako. wag kang OA" sabi ni mama.
ako na OA. inaalagaan ko lang naman siya ng maayos eh hays.
"Ma, kumain ka nalang po" sabi ko.
kinuha ko na yung pag kain niya at mainit init pa naman dahil ininit ko ito habang nandito si papa kanina. naglagay ako sa kutsara at hinipan muna bago ko pinakain kay mama.
"sinong nagluto nito, anak?" tanong ni mama.
"ako po, ma. dahil ngayong di pa maayos ang lagay mo. ako muna ang magluluto satin at kami muna gagawa ng magkakapatid ng mga ginagawa mo sa ngayon magpahinga ka muna" sabi ko.
may tumulong luha sa mata ni mama kaya pinunasan ko agad.
"nakakatuwa naman kayo, anak. di ako nagkamali ng pagpapalaki sa inyo. Sana pati sa mga anak niyo ay maiapply niyo din yan" sabi niy.
hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng luha ni mama kaya kumuha ako ng tissue at ibinigay sa kanya.
"Ma, sa oras ng kailangan niyo kami ni papa nandio lang kami para sa inyo. pamilya po tayo eh kaya ngayon ay dapat walang iiyak, magpapagaling ka, ma. kaya ubusin mo na tong niluluto ko para makapagpahinga kana" sabi ko.
nginitian niya lang ako at pinakain ko na siya ng pagkain niya. swerte ako. swerte sa pamilya kahit na hindi sa school. swerte na din ako dahil unti unting nagbabago ang pakikitungo sakin ng mga student sa GU at dahil yun kina Aira.
Si Wyndy naman. pagkatapos ng pagtulong niya sakin kay mama. ayun wala na, back to normal ulit. yung wala siyang pake sakin, di ako kinakausap at di ako chinachat para kamustahin lang si mama. yun naman gusto ko eh yung hindi niya ako pansinin pero bakit parang ayaw ko? bakit parang malungkot ako? teka? bat ko ba iniisip yun.
Wyndy Leen's POV
BINABASA MO ANG
Twisted
Hayran Kurgu"I am still non-existent to you" Genovia University Same School Same Section Paano kung isang araw ay pagtagpuin sila ng tadhana?