Marcus Jasper's POV
*ring bells*
"Ash, tara na. Hinihintay na tayo nila Spade" pagyayaya ko kay Ashley. Nakaalis na ang teacher namin kaya niyayaya ko na siya.
Ngayon hindi na ako ginagambala ng mga tanong na nasa isip ko dahil lahat sila ay nasagot na kanina lang at masaya ako dahil doon.
"Tara hihi" sagot nya at naglakad na kami papuntang canteen. Ngayon ay hyper siya, hindi ko alam kung dahil ba ito sa napagusapan namin kanina o ewan.
Si Aira, alam kong masasaktan siya kapag nalaman niya kaya mas mabuting wag ko nalang sabihin sa kanila. Hahayaan ko nalang muna at hindi naman na dapat nilang malaman dahil personal kona itong buhay at hindi naman salahat ng bagay ay dapat alam ng iba.
"kailan mo pa naramdaman na wala ka nang feelings kay Aira?" tanong niya.
Napakadaldal talaga nitong babaeng ito. -,- hays. hindi nanaman ako nito titigilan.
"nung time na nakulong ata kami ni Wyndy sa isang room sa school" sabi ko. Habang naglalakad kami ay nakasabay namin si Aira at Daphnee.
"Hi!" masayang bati ni Ashley. Yung dalawa naman ay kumaway lang at ngumiti sa kanya.
Tahimik lang ako. hindi ako makaimik dahil na rin siguro sa nangyari kahapon na hindi ko inaasahang masasaksihan ko.
"Bakit ang tahimik niyo?" tanong ni Ashley. sabay sabay nakaming naglalakad sa canteen.
Si Ashley lang ang dumadaldal at halos walang nagsasalita sa amin tatlo.
"A-Ah. Wala. Sge saglit lang kami ni Aira may p-pinapakuha lang. Oo may pinapakuha hehe" sabi ni Daphnee. Naglakad na sila papalayo samin pero hindi namin alam kung saan sila papunta.
"Dahil ba sa nangyari kahapon kay tahimik yung dalawa kanina?" tanong sakin ni Ashley.
Minsan naiisip ko kung tatanga tanga ba 'to o nag tatanga tangahan lang eh. Naglakad nalang ulit kami at hindi kopinansin yung tanong niya.
Nang pagkadating namin sa table niya ay biglang natahimik ang lahat na akala mo ay may dumaang anghel sa harapan namin. Ang Awkward para samin, siguro ay alam na din nila ang nangyari kahapon.
"H-Hey." bati ni Ashley. Nahihiya pa siyang kumaway kina lorilly.
nakakapanibago dahil ang tahimik nila parang dati lang ay sa sobrang ingay ay halos buong building na ang makarinig. Ngayon ay ang mga tao nalabg sa paligid ang naririnig namin.
"Hello" bati ni Ashton kay Ashley. Kumaway si Ashton na sign na naghehello siya.
binati na nilang lahat si Ashley pero nakakapanibago pa din dahil antatahimik pa din nila.
"u-uh.Sina Daphnee daw may pinapakuha sila baka susunod na dito" sabi ko. Pagbasag ko nalang ng katahimikan.
"Ah sge. Umupo na kayo" sabi sa amin ni lorilly. Umupo na kami sa tabi ni Ashton pero syempre ako ang katabi hindi si Ashley.
Baka kung ano pang gawin nito sa bestfriend ko masyado pa naman tong chick boy.
Maya maya ay nandyan na din sina Aira at Daphnee. wala pa din nagbago, tahimik pa din ang table namin.
"Hi guys. Ba't antahimik niyo? nakakapanibago hehe" sabi ni Aira. Umupo naman na sila sa kani kanilang upuan.
Wala na din palang dapat pang itago sa kanila dahil alam na nila pero yung kay Wyndy ay still secret pa din dahil hindi lang din si Aira ang masasaktan kapag sinabi ko kung sino ang gusto ko. Ilang araw na din nila akong tinatanong kung sinong crush ko.
"Oh? wala bang balita?" tanong ni Paula.
Hindi ako mapakali, nangangati akong kausapin si Aira. Aiiish. gusto kong malinawan at maayos itong lahat.
"Ako!" masiglang sagot ni ashley. Nagtaas pa siya na akala mo ay excited na excited kaya tinignan siya ng lahat.
Ano namang ibabalita ng babaeng ito. Magkamali lang talaga to ng sabihin, patay na.
"Ah hehe. Wala pala hehe" pagbabawi niya ng sagot sa tanong ni Paula kanina.
Nahihirapan pa din siyang makisama kina Spade. Hindi pa din siya sanay sa mga bagong kaibigan, hindi siya sanay makipaghalubilo.
"A-Ah. Hindi, ano ba yung balita mo?" tanong pa ni Lorilly.
Napatingin pa ng seryoso ang lahat kay Ashley at naguihintay kung ano ang ibabalita pati ako djn ay nagtataka na kung ano ba ang ibabalita niya.
"A-Ah. kilala niyo ba si Wyndy?" tanong ni Ashley. Tinignan ko siya at tinignan niya din ako. sinenyasahan ko na wag sabihin yung tungkol kay Wyndy.
Kinakabahan na ako kug anong sasabihin ni Ashley. Hindi ko na siguro ito mapipigilan dahil hindi niya din maintindihan ang sinasabi ko sa kanya.
"Oo, bakit?" tanong ni Aira. Nacurious na din sila sa sasabihin ni Ashley na balita -,-
Ashleeey! ang daldal mo kapag ako napahamak sa ginagawa mong babae ka.
"Si Marcus kasi a-----" pinigilan ko siya gamit ang kamay ko. Itinakip ko sa bibig niya ang kanay ko para hindi niya maituloy ang balita niya.
sabi na eh. Tinignan ko siya ng Wag-mong-sasabihin-look. Pahamak talaga kadaldalan nitong babang ito.
"Anong si MJ? diba kay Wyndy ang balita? bakit kay MJ?" tanong ni Daphnee. tinanggal ko na yung kaay ko sa bibig niya.
Kailangan ko nang alisin si Ashley dito dahil kung hindinko pa maalis yan dito. Wala na ang secret na hindi ko dapat sasabihin.
"Ah wala. Nagkamali lang ng banggit kay Wyndy talaga yun. D-Diba? hehe" tanong ko kay Ashley. Nagtatakang mukha ang ipinakita niya sa akin.
No choice.Masasabi at masasabi na niya ang secret na dapat ay samin lang munang dalawa dahil sa kadaldalan niya.
"Hindi kasi si Marcus may gusto kay Wyndy" mabilis na pagsabi ni Ashley.
Wala na. Alam na nilang lahat. yumuko nalang ako para hindi ako makita nila.
"Ah. Labas lang ako" sabi ni Aira. Tumayo siya at naglakad na papalayo sa table namin.
This is it. Kailangan ko na talaga siyang makausap, hindi ko na talaga ito palalampasin.
"Wait lang. May sasabihin lang ako kay Aira" sabi ko. Tumayo ako at sumunod sa kanya.
Hinabol ko siya sa paglalakad niya at sinabayan sa paglalakad.
"Hi" bati ko sa kanya. Tinignan niya ako at naglakad ulit.
Naglakad kami hanggang sa abutin kami sa garden ng school.
"Uhm. Aira? yung sa nangyari kahapon? pwede ba nating pag usapan?" tanong ko ng diretso.
Wala nang hiya hiya to dahil ayoko ng may nasasaktan lalo na ang dahilan ay ako dapat pala talaga ay hindi na ako nakipag kaibigan sa iba
"May kailangan pa bang pagusapan tungkol sa kahapon? diba wala ka namang gusto sakin? edi wala nang paguusapan" diretsong sabi ni Aira.
Wala na. Hindi na pwede, hindi pwedeng mabalik ang dati once na nasira na.
"Gusto kolang sabihin sayo na pwede bang kalimutan nalang natin ang nangyari pati yung feelings mo sakin? yung parang walang nangyari" sabi ko. Tinignan niya ako ng masama.
May tumulong luha sa mata niya at pinunasan na niya yun. Nasaktan ko na siya, hindi ko napipigilan rin siguro mapipigilan to. Mali rin ang sinabi ko sa kanya.
"MJ, wag mong sabihin sakin yan. Oo, madali lang naman kalimutan yung nangyari pero yung sasabihin mong pat feelings ko sayo ay kalimutan ko hindi yun madali na parang isang bagay na kung gusto mo itapon ay itatapon mo nalang" sabi niya. May tumulo ulit na luha sa mata niya. Pupunasan ko sana pero pinigilan niya ako at tumakbo palabas ng school.
------------------------------------------------------------------------------------------
I have two new story. Stranger and Always (Obnoxious2 published june 07, 2016) :') JaDine din hihi. I'm a big fan of JaDine and I'm a wife of Juan Karlos Labajo and also, gagawa ang ng story and si JK yung bida hehe.
BINABASA MO ANG
Twisted
Fanfiction"I am still non-existent to you" Genovia University Same School Same Section Paano kung isang araw ay pagtagpuin sila ng tadhana?