FH; Chapter 28

34 10 0
                                    

Marcus Jasper's POV




"Hey, Marcus!" bati sa akin ni ashley.

Di pa din ako makapaniwala sa nasaksihan ko kahapon. Andrew likes Aira, Aira likes me? Andrew, kaklase niya.

Kaklase niyang kaibigan at crush ni Daphnee. teka. Ako ba? crush ko pa din siya? hindi ko na alam.

"Hi Ash. Let's go?" tanong ko. papunta na kami sa school sa GU.

Dati kay Wyndy lang siya sumasabay at nakikisakay ng sasakyan. Ngayon, dating gawi ulit. Yung ako yung naghahatid sundo sa kanya.

"Tara na. Bye tita!" sabi ni Ashley at paalam kay mama. Naglakad na kami papunta sa sasakyan namin.

It's her last day. Last day niya nang sumama sa akin ngayong week dahil dadating na si Wyndy because It's her last day in Japan.


Etong mga nakaraang araw. Madalas nang napasok bigla bigla sa utak ko si Wyndy tapos napapansin ko din na masyadong nagiging moody si Aira nitong mga araw kapag nakakausap o nagiging close ko sila Lorilly at may gusto pala sa akin.



"Hey, bestfriend. Naririnig mo ba ako?" tanong ni Ashley. Napatigin ako sa kanya dahil hindi ko napansin na nakatulala nanaman ako sa pag iisip.


Paanong hindi matutulala sa pag iisip eh. Dala dalawang babae nagpapagulo sa isip ko.


Si Wyndy, hindi ko alam kung bakit ko naiisip at prinoproblem. Si Aira, gusto ako pero hindi ko pa alam kung gusto ko pa ba siya o hindi.


"H-huh? ano yun?" tanong ko. umandar na yung kotse papuntang school. napaface palm si Ashley sa sagot ko.


Si Ashley ata ay problemado nitong mga araw, hindi ko alam kung bakit. mabilis din uminit yung ulo niya.


"Lutang ka ba? andami dami kong sinabi wala ka pa lang narinig kahit isa. Alam mo? parehas kayo ni MaLeen, palaging lutang. Tapatin mo nga ako. May problema ka ba?" tanong sa akin ni ashley.




Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba kay Ashley yung tungkol kay Wyndy at Aira. Teka? bakit ba prinoproblema ko si Wyndy? erase erase. yun nga hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba kay Ashley yung tungkol kay Aira.


Hindi ko alam kung bakit sa tagal na naming magbestfriend hindi ko masabi sabi sa kanya to. Siguro dahil bago lang ito sa akin.

"A-Ano. S-Si Aira kasi" nauutal kong sabi. napakamot nalang ako sa ulo ko.


Nahihirapan talaga akong magsabi hindi ko alam kung bakit ako nagiging ganito. Naguguluhan na kasi ako sa nararamdaman ko para kay Aira.


"Ano?" naiiritang tanong sakin ni Ashley. Nakakunot na din ang noo niya dahil sa akin.


No choice naman ako. Sasabihin ko na talaga sa kanya, hindi naman pwedeng hindi ko sabihin dahil may promise kami sa isa't isa na No Secrets until we grew up.

"S-Si Aira, may gusto sakin" sabi ko. tumingin ako sa kanya, yung mukha niya ay gulat na gulat.

Titili nanaman 'to kaya ayoko din sabihin dahil alam niyang crush ko si Aira pero di ko alam kung gusto ko pa ba talaga.

"Wieeee. diba good news yun, Marcus? happy for you. Wait, oh? anong prinoproblema mo?" tanong ni Ashley.


yung feelings ko, hindi ko na alam kung meron pa ba talaga o wala na. Yun ang prinoproblema ko.


"Hindi ko alam kung gusto ko pa ba siya" diretso kong sabi. --


Hindi ko na din alam kung bakit madalas nang napasok sa utak ko si Wyndy. mali, si Aira ang topic hindi si Wyndy. Ano ba Marcus!


"Paanong hindi mo alam? ha? ano bang nararamdaman mo tuwing kasama mo siya?" tanong niya sakin. bumaba na kami sa sasakyan at naglakad na papasok sa loob ng school.


"Wala tuwing kasama ko siya, hindi ko na nararamdaman yung dating nararamdaman ko kapag nakakausap ko siya. Hindi na din niya nakukuha yung attention ko, sa ibang bagay na napupunta. Hindi ko alam pero feeling ko kaibigan nalang ako tingin ko sa kanya" pagpapaliwanag ko.


Minsan kasi nagtext siya sakin. Dati kasi tuwing nagchachat siya feeling love letter. Ngayon, wala na parang normal nalang sakin yung text niya kay Wyndy naman kahit nauunang nagtetext si Aira palagi kong inuuna yung message niya.


"nung hindi na napupukaw ng atensyon mo si Aira, sino yung pumapasok sa utak mo? seryosong tanong yan, Marcus. Totoo at seryosong sagot ang kailangan ko" sabi niya sa akin.


Dapat ko na nga talagang sabihin sa kanya lahat ng nasa utak ko para hindi na ako maguluhan kasi sa buong buhay ko siya na yung naging taga advice ko sa mga problema ko and vice versa.

"S-Si Uhhmmm kailangan paba?" tanong ko. Tinignan niya ako ng masama at pumasok sa room namin at diretso sa inuupuan niya.

Winalk out-an ako. Mainitin na din ulo nito eh. Nagmamana na ata kay Wyndy. Fudge! Wyndy nanaman. Ugh.

"E-Eto na nga sasabihin na masyado naman mainit ulo mo eh" sabi ko. Pumunta ako sa upuan niya at tumabi sa kanya.

Hindi ko na alam kung ano ang magiging resulta nitong mga nangyayari nitong ilang linggo na.


"Andami mo pa kasing tanong. Bakit? ayaw mong sabihin sakin? K fine. Magbestfriend kasi tayo ng 19 years" sarkastikong sagot niya. since birth nga kasi magbestfriend na kami.


Nagtatampo nanaman ito. Alam ko na talaga ang mga kilos nitong babaeng ito. buti at ilang mijuto pa bago magbell.


"Eto na nga eh. Si Wyndy kasi bigla bigla nal----" napatigil ako sa pag sasalita dahil tinakpan ni Ashley yung bibig ko.


Kung kailan naman sasabihin ko na atsaka pa siya magiging ganyan. Hay nako, ang gulo talaga nitong si Ashley.


"Wait. Ikaw ba may gusto na ka MaLeen?" diretsong tanong niya. Tinanggal na niya yung kamay niya sa bibig ko pagkatapos niyabg tanungin sa akin.



She's mean like a bad girl. wala akong gusto at hinding hindi ako mahuhulog sa ugaling meron siya pero ano itong nararamdaman ko para sa kanya? Meron na nga ba talaga akong gusto sa kanya?


"H-Hindi ko alam" napatigil muna ako bago sumagot sa kanya.


Unti unti nang naliliwanagan ang isip ko at unti unti nang nagiging maayos sa akin ang mga bagay na nagpapagulo sakin.


"Oh my gosh! Marcus? tell me, kaag ba may lumalapit sa kanya o kaya nalalaman or nakikita mong kasama ni Wyndy na lalaki napapaisip ka?" tanong ni Ashley. Napaisip din ako sa tanong niya.


nung may lumapit sa kanya na nagtry mangligaw, napaisip din ako nun at ilang beses pumapasok sa utak ko iyon. Nung kasama niya yung boyfriend niya sa Mall, yung hinila ko siya palayo. Naitanong ko din sa kanya yun kung bakit niya kasama.


"O-Oo" nauutal kong sagot sa kanya. Napatakip siya ng bibig niya gamit ang dalawang kamay niya.


Yung sasabihin nalang ni Ashley ang hinihintay ko maliwanag na sa akin ang lahat. May sagot na lahat sa mga katanungang gumugulo sa isip ko.


"Yieeee! May gusto kana kay MaLeen, Marcus ah! Ikaw ah. Hihihi. JasLeen for the wiiiiin!" Kinikilig niyang sabi sa akin.


Ngayon, maliwanag na sa akin ang lahat. Wala na akong gusto kay Aira kahit kaunti pero bakit kay Wyndy? hindi naman kami masyadong nagsasama at nag uusap atsaka masama ang ugali niya. Paano ako nagkaroon ng gusto sa kanya? Aiiish. Wala na ngang tanong basta malinaw na sakin ang lahat.


"JasLeen? Ano yun?" tanong ko pero biglang nagbell at pumasok ang prof namin kaya hindi na niya nasagot ang tanong ko.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon